Kanina pa hindi mapakali si Elmo. Matapos kasi maglagay ng gamit nila sa mga kwarto ay bumaba sila para mag lunch, kasama na sa package ng camp na iyon. Kaya hindi siya mapakali, kasi hindi siya kinakausap ni Julie. Bawat beses na magbubuka siya ng bibig at susubukan na kausapin ito ay iiwas ito o di kaya ay kunwari kakausapin si Miguell o di kaya si Bianca. Hindi tuloy niya malaman kung ano gagawin niya.
"Sir, okay lang po ba kayo?" biglang tanong sa kanya ni Bianca.
Nakaupo dilang apat sa iisang table at taimtim na kumakain ng lunch. Magkaharap si Elmo at si Julie habang nasa pagitan nila ang dalawang kabataan.
Iniisip ni Elmo na nast-stiff neck na si Julie, kahit anong mangyari kasi ayaw nito humarap! Kundi sa kaliwa, sa kanan titingin pero never sa harap kung saan siya ang bubungad dito.
He breathed in. "Sio--"
"CR lang ako ah." Kaagad na tumayo si Julie bago pa makalabas ang hangin sa bibig ni Elmo.
Napasalampak na lang sa upuan ang lalaki. Punyetang buhay naman ito o.
"Ano ba ginawa mo sir?" Bigla naman tanong ni Miguell.
" Nagseselos nga si mam." Sabi naman ni Bianca pero naguguluhan ito na napatingin kay Elmo. "Pero sir, akala ko po ba hindi naman kayo ni mam? E bakit nagseselos yun?"
Napahilamos naman si Elmo sa kanyang muhka dahil sa totoo lang hindi rin niya alam ang isasagot niya kay Bianca. "Upo lang muna kayong dalawa dito ah." Sabi niya sa dalawang kabataan.
Sounundan naman siya ng tingin ni Miguell at Bianca habang naglalakad siya palayo. Susundan niya si Julie sa may CR. Papakanan pa lamang siya sa corridor na papunta nga sa CR malapit as dining hall nang magulat na lamang siya na may sumulpot sa harap niya.
"Hi Elmo!"
Shit. It was the crazy chick! Kinakabahan na napako sa kinatatayuan si Elmo habang tinitingnan ang babae na ngayon ay ngiting ngiti sa kanya. "Uh Iris..." Nasambit na lamang niya.
The same cheeky smile was on Iris' face as she wrung her arms around Elmo's. "Kumain ka na ba? Tara, alam mo masarap daw yung beef dish nila sabi nung katrabaho ko, try natin."
Pilit na linalayo ni Elmo ang sarili pero ayaw naman niya itulak ng ganon ang babae. "Uh, mamaya na lang Irish ah, hinahanap ko kasi---"
Napatigil siya nang sakto bumukas ang CR ng mga girls at lumabas si Julie na nagaayos pa ng bag. Ang kaso, pagka-angat nito ng ulo ay nakita niya si Elmo at Iris.
Nakita ni Elmo na blangko lang ang muhka nito pero kilala niya ang babae, sailalim noon ay gusto na lumabas ng dragonesa.
"S-Sioppy!" Elmo stuttered at sa wakas ay nakapagpumiglas kay Iris na kumunot naman ang noo.
Marahang tumaas lang naman ang kilay ni Julie sa lalaki bago nag-iba ang ekspresyon sa muhka at hinarap si Iris.
"Julie Anne San Jose nga pala." Paglalahad niya ng kamay sa babae. "Co-teacher ni Elmo sa Apollo-Artemis."
Mahinang ngumiti naman si Iris at linahad ang sariling kamay. "Iris Valderama."
Napabuntong hininga si Elmo. Hinarap niya si Julie at akmang kukunin ang kamay nito pero mabilis na nakalayo si Julie.
"Anyways, balik lang muna ako sa table namin." Sabi ni Julie at mabilis na naglakad palayo bago pa makasalita si Elmo.
Parehong pinanuod ni Elmo at Iris si Julie na lumalayo.
"Siya yung nanalo nung camp natin dati diba?" Sabi naman ni Iris. "Ang astig niya!"
Napapagod na tiningnan ni Elmo ang babae na naglalakad palayo at saka naman hinarap si Iris.
"Uh, Iris, di ako nagugutom eh, see you na lang..." Naglakad na siya palayo kahit ba naririnig niya na tinatwag siya ni Iris.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Ginalingan ni Julie ang pag-iwas niya kay Elmo. Ewan ba niya, inis na inis siya kay Iris. E bakit ka ba kasi naiinis ha Julie Anne? Pagkakausap naman niya sa kanyang sarili. Hindi na nga niya nasamahan sila Miguell at Bianca na kumain eh. Nagpaalam na lang siya sa mga ito na masama ang pakiramdam at dumeretso na sa kwarto. Makakapagpahinga pa siya bago nila kailangan pumunta nanaman sa seminar nila mamaya.
Natulog lang muna siya bago nagprepare bumaba. Usually sabay sila ni Elmo pumunta sa mga seminar pero hanggang ngayon ay umiiwas pa din siya.
Nauna na siya sa hall kung saan gaganapin ang nasabing smeinar. Nakapagregister na din siya at nagulat nang makita na nakapagregister na din pala is Elmo. Nakita niya kasi na nakapirma na ito sa registry form.
Naglakad na siya papasok at hahanap na sana ng mauupuan nang mahagip ang tingin niya sa dalawang tao na nakaupo sa may gitna banda.
Umakyat ang inis sa sistema niya. Pero parang nararamdaman niya na naiiyak din siya. Get it together San Jose...
Taas noo ay nasgimula siya maglakad nang may kumalabit sa kanya. Napatingin siya sa tao.
"Anya?"
"Julie!"
"Anya!" Ulit nanaman ni Julie at nakipagyakapan sa babae sa harap niya. Nakasama niya din ito dati sa camp.
"Prof ka na din ba?" She asked.
Pero mabilis naman na umiling si Anya bago ipakita ang suot suot na ID na nakasabit sa leeg. "Isa na ako sa mga cooridnator dito..."
"Wow, big time ka na din pala ah..." Pagpuri naman ni Julie at nginitian ulit ang babae.
"Nako e wala naman mas tatalented pa sayo!" Ngiti din ni Anya. "Prof ka na diba? Sa Apollo-Artemis...saka nakita ko na kasama mo yung representative din dati dito, yung Elmo Magalona, diba jowa mo yon?"
Nanlaki kaagad ang mga mata ni Julie sa sinabi ng kaibigan. "H-ha? Hindi ah!"
"Ay talaga?" Nangiintiriga na sabi ni Anya. "Bagay pa naman kayo hehe. Ang sweet sweet niyo kaya."
"H-hindi. Magkaibigan lang kami." Julie said. Hinihiling niya na hindi sana pilit ang ngiti niya.
"Okay, sabi mo eh." Anya said. Natigilan ito saglit bago kumikinang ang mata na tiningnan si Julie. Kinabahan naman ang huli. Parang may binabalak kasi ito na hindi maganda. "Julie...pwede favor?"
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o
Hinihiling ni Elmo ay may mangyaring kakaiba para lang makalayo siya dito kay Iris. The moment kasi na tumapak siya sa loob ng hall ay nahanap kaagad siya ng babae. At naiinis na siya! Napakaclingy kasi nito! Bad shot pa naman siya kay Julie ngayon. E malaki takot niya sa babae na iyon eh. Kanina pa niya hinahanp ito pero hindi nga kasi siya makalayo kay Iris. Parang tuko kung dumikit!
At lumipas na lang ang oras na magsisimula na daw ang seminar.
Nagsimula ang opening remarks pati na ang first half ng mismong seminar pero wala naman pumapasok sa ulo ni Elmo. Kanina pa kasi siya linga ng linga, hinahanap si Julie. Nagaalala na siya. Nung estduyante nga sila hindi nags-skip si Julie ng mga seminar eh, ngayon pa kaya na professors na sila? Baka may nangyaring masama na dito? Papatayo na sana siya sa upuan nang biglang magsalita ang emcee.
"Ang that was it for the first half of our seminar! And I know that we all need a pick me up for the second half, so why don't we listen to some talent?" Ngumiti muna ulit ito bago magsalita. "We have an intermission number prepared, please all welcome, miss Julie Anne San Jose!"
Napaupo ulit si Elmo sa gulat nang makita na naglalakd sa may entablado banda si Julie. Napakaganda talaga nito.
"Hello everyone." Bati nito sa mic.
Napatitig nanaman si Elmo. Bukod, sa singing voice kasi ni Julie, he loved her speaking voice, well.. he loved everything about her.
"I hope you enjoy the song..." Sabi naman ni Julie . May hawak na din itong giatara at nagsimula na kumanta.
You say, I only hear what I want to
And you say, I talk so all the time, so
And I thought what I felt was simple
And I thought that I don't belong
And now that I am leavin'
Now I know that I did somethin' wrong
'Cause I missed you
Yeah yeah, I missed you
And you say, I only hear what I want to
I don't listen hard, don't pay attention
To the distance that you're running
To anyone, anywhere
I don't understand if you really care
I'm only hearing negative, no no no, bad
So I, I turned the radio on, I turned the radio up
And this woman was singin' my song
Lover's in love and the other's run away
Lover is cryin', 'cause the other won't stay
Some of us hover when we weepin' for the other
Who was dying since the day they were born, well
Well, this is not that I think that I'm throwing
But I'm thrown
And I thought I'd live forever
But now I'm not so sure
You try to tell me that I'm clever
But that won't take me anyhow
Or anywhere with you
And you said that I was naive
And I thought that I was stronger
I thought, hey I can leave, I can leave
Oh but now I know that I was wrong
'Cause I missed you
Yeah, I missed you
You said, "You caught me
'Cause you want me"
One day you'll let me go
You try to give away a keeper
Or keep me 'cause you know
You're just so scared to lose
And you say, "Stay"
And you say, I only hear what I want to
Ramdam na ramdam ni Elmo ang kanta dahil ba naman deretso ang pagtingin ni Julie sa kanya habang kumakanta ito. At onti na lang talaga ay mawawalan na siya ng hininga dahil doon. Saka lang niya napansin na tapos na pala yung kanta at naglalakad na palayo si Julie.
Mabilis siyang tumayo. "Elmo!" tawag pa sana sa kanya ni Iris pero hindi niya ito pinansin.
Derederetso siya hanggang nakarating siya sa gazebo dahil doon ang daan ni Julie. He saw her thinking to herself at nakaharap lang sa nature na nasa harap nito.
Dahan dahan siyang lumapit. Nararamdaman niya ang kaba. Ewan ba niya pero pakiramdam niya para sa kanya ang kanta kanina ni Julie.
"S-Sioppy..." He whispered when he was close enough for her to hear.
Hindi pa rin siya hinaharap ng babae pero wala naman itong ginagawa para lumayo din.
"Elmo, mahal mo ba talaga ako?" Biglang sambit ni Julie at nakatingin pa rin sa kawalan.
Hindi maitatatago ang gulat ni Elmo. Pero hindi rin siya nakaimik kaagad. Saka naman humarap si Julie.
She looked softly at him and gave a small smile. "Kasi ako...mahal na talaga kita eh..."
Pakiramdam ni Elmo sasabog ang puso niya at tatalsik palabas ng dibdib niya. At wala na siya ibang nagawa kundi ilapit si Julie sa kanya bago ito bigyan ng isa makaputol hiningang halik.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
AN: Chapter is rewritten dur to a glitch in w*****d.