Literal na hindi makahinga si Julie. As in sumisikip na ang dibdib niya at walang hangin na pumapasok sa sistema niya. Inuubos ata kasi ni Elmo lahat ng hininga niya habang hinahalikan siya nito.
"S-Sioppy..." She gasped and was able to pull away from the man but still had her arms around his neck. She smiled at him and saw that he had the same expression on his face but his eyes were teary.
"O..." Marahang banggit ni Julie. "Bakit ka naiiyak? Ayaw mo na mahal kita?"
Mahinang natawa si Elmo at nagpunas ng luha. "Hindi. Ano ka ba Sioppy ayun nga lang ang hinihiling ko eh. Sobrang saya ko lang. S-sana hindi ito panaginip."
Julie smiled then leaned in to kiss Elmo softly yet again. "Ano, panaginip pa rin ba?"
Ngiting tagumpay lang naman ang sinagot ni Elmo bago bigyan ulit ng halik si Julie at yakapin ito. "Mahal na mahal kita Sioppy, walang dulo. Tuloy tuloy lang."
They were still hugging each other and all Julie could do was smile as she placed her head on the man's shoulder. Ngayon lang niya naramdaman ito eh. Sa lahat lahat, kay Elmo lang niya naramdaman ito. Dati takot siya. Takot na takot siya pero ngayon kahit may ganung pangangamba ay alam niyang kakayanin niya dahil alam niya na kasama niya si Elmo.
"Sioppy, wala pa ba tayo balak bumalik sa loob?" Natatawang sabi ni Julie. Hindi pa rin sila nagiiba ng posisyon at magkayakap pa rin talaga.
Naramdaman naman niya na umiling si Elmo at hinigpitan lang ang yakap sa kanya. "Mamaya na. Alam naman na natin pinaguusapan nila eh." He pulled away from her before letting her sit down on the stone ledge making up the gazebo.
Magkatabi silang nakaupo doon at nakatingin lamang sa garden na nasa harap nila.
Nakita naman ni Julie na biglang inilabas ni Elmo ang kanyang cellphone at tinitingnan ang kalendaryo.
"Ano yan?" She asked.
Nakangiti na tiningnan siya ni Elmo habang nakabungad pa rin ang kalendaryo at ang date ng araw na iyon. "June 27 ngayon eh, anniversary natin."
Bigla naman tumaas ang kilay ni Julie at natatawang tiningnan si Elmo. "O talaga? Bakit di ata ako informed?"
"Pwes ngayon informed ka na." Elmo smirked at her. Nakita niya na manlalaban nanaman ito kaya mabilis siya na bumaba at hinalikan si Julie. Edi nanahimik.
Humiwalay si Julie na may naiinis pero nakangiting ekspresyon sa muhka. "Elmo naman eh."
"Love you too." Sabi naman ni Elmo. He never felt this giddy before. Ang pagkakakilala nga ng tao sa kanya ay tahimik, masungit. Pero kapag si Julie, wala na tiklop na.
"So hindi talaga tayo pwede magkatabi matulog mamaya?"
"Elmo ah...di pwede. Ano pagtutulugin mo mamaya si Bianca at si Miguell sa iisang kwarto?" Sabi ni Julie.
"Tsk." Nayayamot na sabi ni Elmo.
Natawa naman si Julie at hinalikan na lang ang pisngi ng lalaki. "Love you Sioppy."
Ay lumiwanag ang muhka ng lalaki. "Pakiulit nga Sioppy."
"Ayoko eh."
"Sige na..."
Natawa nanaman si Julie. Sumeryoso ang muhka niya habang tinitingnan niya si Elmo. "I love you Elmo Magalona. Thank you so much. And sorry na it took me so long to realize."
Siguro forever na nakaplaster yung ngiti sa muhka ni Elmo. Biro mo maririnig mo na sinasabihan ja ng isang Julie Anne San Jose na mahal ka niya. Kinabig niya ulit ito palapit at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.
Nananahimik lang siya habang si Julie naman ay nagsimula magsalita. "Alam ko na ngayon na nagpakatanga ako. Sobrang takot kasi ako magmahal. Lalo na at nakita ko kung ano ang ginawa non sa Mama ko dati." Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita habang nakikinig lang naman si Elmo. "Pero lahat naman na nagsasabi sa akin na, masaya pala kapag meron may pake sayo. Masaya rin pala na may nagaalaga. Masaya pala na may nagmamahal sayo." Then she looked up at him and kissed his chin before placing her head back on his chest. "Tapos, dati, kapag iniisip ko na may ibang babae na umaaligid sayo, okay lang. Parang wala lang. Pero hindi ko pala kaya. Inis na nga ako kay Kiara tapos pati dito may babae ka?!" Kunwaro ay inis na sabi niya kaya naman nabigla si Elmo.
"Oi Sioppy lumalayo naman ako e, sila yung lumalapit." Pagdadahilan ni Elmo.
"Alam ko naman." Mahinang sabi ni Julie. "Kakainis ka kasi, bakit pagdating sayo selos na selos ako?"
Ngumisi nanaman si Elmo. "Sayo din naman eh. Bawal na may lalapit na lalaki sayo simula ngayon."
"Grabe, kahit sino?"
"Oo kahit si Sam pa yan."
"Mas possessive ka pala sa akin." Natatawa na sabi ni Julie.
Elmo pulled her close so that they were staring into each other's eyes. "Oo Sioppy, dahil sayong sayo ako. At sa akin ka. Tuloy tuloy ah."
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Papatapos na ang first half ng seminar nang naisipan ni Julie at ni Elmo na bumalik na sa loob ng hall.
Sakto ay muhkang nag 15-minute break muna para sa mga guro kaya naman nakapagpahinga pa din ang dalawa.
"Upo tayo dito Sioppy." Sabi ni Elmo at hinihila si Julie papunta sa likod banda.
Kakaupo pa lamang nila nang may marinug naman sila na tunatawag kay Elmo.
"Elmooo--ay!"
Natigil sa paglalakad si Iris nang makita niya na ayon nga at nakaupo si Elmo at si Julie at mahigpit ang pagkakakapit ni ng lalaki sa babae.
Julie squeezed Elmo's hand right back as they both looked at Iris who was still sranding there and curiously looking at the both of them.
"Uhm teka..." Sambit ni Iris at muhkang nagugukuhan pa rin.
Si Julie na ang unang nagsalita dahil nakikita niya na hindi alam ni Elmo ang sasabihin nito.
"Uhm, Iris?" She started. "Kung okay lang tabi naman kami ng boyfriend ko..."
"B-boyfriend?" Biglang nauutal na sabi ni Iris. "Magboyfriend pala kayo??"
Ngiti lang ang sinagot ni Elmo habang tumango naman si Julie. Hindi na siya magpapatalo dito no. Baka kung ano pa kasi ang gawin at baka magkareputasyon siya dito sa camp na magaling mangtanggal ng buhok. "Oo kaya please, solohin ko na lang muna siya ah." Pinipigil ni Julie pero sigurado siya na by this time ay nanlilisik ang kanyang mga mata habang tinitingnan si Iris.
"U-uh ganun ba, s-sige doon na ako sa upuan ko kanina hehe." Nauutal na sabi ni Iris. "Sige bye!" Parang takot na takot na umalis si Iris at iniwan ang magkasintahan doon na nakaupo.
Nagpipigil naman ng tawa si Elmo kaya siniko siya ni Julie. "Tinatawa tawa mo diyan?"
"Eh kasi natakot ata sayo si Iris. Tingnan mo parang maiihi na siya kanina." Elmo explained as he continued laughing.
"Eh para malaman niya na lumayo siya. Akin ka kaya." Julie frowned at hindi naman napigilan ni Elmo ang tumawa at mapangiti.
"Iyong iyo talaga ako Sioppy, at akin ka." Sabi naman ni Elmo. He kissed her temple just as a familiar face approached them.
"Julie!"
"Anya!" Bati naman ni Julie sa babae.
Napatigil nga lang si Anya nang makita niya na ayaw na maghiwalay ng kamay ng dalawa.
"Luh luh luh, teka teka. Bakit...akala ko ba..."
Ngiti lang naman ang naisagot ni Julie. "Kami na kasi."
"Agad agad? Bakit kanina bago ka kumanta di pa naman kayo?!"
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Natapos ang unang seminar na sakto lamang para sa dinner time. Pero yung totoo hindi nakakinig ng maigi si Julie sa mga speaker. Paano ba naman, wala ata ginawa si Elmo kundi guluhin siya. Hahalikan sa pisngi, pipisilin kamay niya at kung ano ano pa. Buti nga na-control niya ang sarili na hindi ito sigawan dahil tiyak lahat mapapatingin sa kanila.
"Elmo ah, ang kulit mo." Julie said as Elmo held her hand and they walked together back to the dining hall. Sakto makikita din nila si Miguell at Bianca na galing din sa sarili nilang seminar.
"Eh hindi na nga kita makakasama matulog mamaya Sioppy eh, pagbigyan mo na ako." Elmo said nuzzling Julie's hair as they stood by the entrance of the dining hall.
Maliit na napangiti na lamang si Julie. Parang tanga pero kinikilig kasi siya. She wrapped an arm around Elmo's waist and hugged him. "O sige na sige na pero kain na muna kaya tayo saka hanapin na natin yung dalawa."
Pumasok na talaga sila sa loob at nagsimula maghanap. Medyo dahil marami talaga kasali sa camp na ito.
Nakahanap naman sila ng table at kaagad na nagtext si Julie sa dalawang kabataan na nandoon na sila.
"Bakit ganun Sioppy, camp yung tawag dito e hindi naman tayo nagcacamping." Biglang sabi ni Elmo habang nakaupo na sila.
"Matalino ka nga Sioppy kung ano ano iniisip mo." Natatawang sabi ni Julie habang patuloy na nagtetext.
Napa-angat naman ng ulo si Elmo nang makita niya na papalapit na si Miguell at si Bianca sa kanila. At nakita niya na nagbabangayan nanaman ang mga ito.
"Eh kung binilisan mo edi nanalo tayo."
"Ano naman kung mabilis e kung hindi maganda wala din."
Tumigil na si Julie sa kakatextbnang marinig niya ang boses ng dalawang estudyante nila. Paanong hindi niya maririnig eh ang lakas lakas ng pag-aaway nila, baka nga rinig na sila ng buong hall.
"Miguell, Bianca, may problema ba?" She asked them as they sat down in front of her and Elmo.
Akala mo hindi mga college student eh.
"Eh si Miguell po kasi eh nakakainis." Sabi ni Bianca habang nakahalukipkip.
"O ako nanaman? Di nga tayo nanalo pero maganda naman na-present natin no." Tila naiinis din na sambit ni Miguell.
Nagkatinginan si Elmo at si Julie at parehong hindi mapigilan ang pagtawa. Parang ganun din kasi sila nung mas bata pa. Well, hanggang ngayon din naman.
"O tama na yan. At least muhkang marami kayo natutunan sa seminar." Julie told them.
Sa pagsasabi niyang iyon ay parang nakalimutan naman ni Bianca ang pagkainis at napaderetso sa upuan at nagsimula na magkwento. "Opo mam! Grabe lang, parang nararamdaman ko na nabubuhay yung dugong musika ko dito eh."
At tuloy tuloy na nga ito sa pagkwento habang si Miguell ay nanunuod lang at tumatango tango lang habang patuloy pa rin sa pagk-kwento si Bianca.
"Meron nga po pala end day camp na competition?" Nabanggit bigla ni Miguell. "Pwede daw po sumali kahit sino. Tapos may cash prize."
"Si Mam Julie niyo ang nanalo nung kami ang nagcamp." Pagpapaalam naman ni Elmo.
Parehong nagliwanag ang itsura ni Miguell at ni Bianca. "Talaga po mam? Pwede po magpacoach?"
Kumunot ang noo ni Elmo. "Sa akin ayaw niyo magpaturo?"
Napatingin naman ang dalawa sa kanya. "Ah, hehe pwede din naman po sir." Nahihiyang sabi ni Bianca.
Natatawang tiningnan ni Julie ang lalaki. "Haha second choice ka lang."
Ngumisi si Elmo sa kanya. "Sa kanila second choice ako pero sayo first diba?"
"Elmo ah." Natatawang sabi ni Julie. Pakacheesy kasi ng lalaki kahit di naman ito ganun dati.
Pero naalala naman niya na kasama nga pala nila ang dalawang bata. Nakatingin sila kay Elmo at kay Julie na para bang parehong nahihiwagaan.
"S-so…okay na po ang lahat?" Miguell asked.
Elmo smiled at them first before reaching out to kiss Julie's temple. "Okay na okay."
"YIIIII!"
"Aray Bianca!" Nayayamot na sabi ni Miguell habang linilinis ang tainga gamit ang daliri. "Ang sakit ah!"
"Kinikilig ako kay mam saka kay sir eh!" Sabi na lamang ni Bianca.
Akala nilang lahat na tahimik lang si Bianca pero may tinatago din pala na kulo kapag kinikilig. Or baka dahil lang ganun talaga ang epekto ni Julie at ni Elmo.
"Sir, kayo na lang po magturo sa akin." Ngiti naman ni Miguell kay Elmo. "Tapos po, si Bianca saka si Mam Julie para pong boys versus girls."
“Ha, game kami ni Mam Julie diyan, diba mam?” Sabi ni Bianca at hinarap pa ang guro niya.
Napangisi naman si Julie at tumango. "Game on."
"Di tayo magpapatalo Miguell." Sabi ni Elmo sa lalaking nasa tapat niya.
Julie scoffed at that at napatingin lahat sa kanya. "Natalo na kita dati Sioppy eh, pano ba yan." Nginishan niya ang lalaki at ngumisi lang din naman ito pabalik.
"Pasalamat ka talaga Sioppy…"
"Pasalamat na ano ha…"
Elmo smiled her way. "Pasalamat ka mahal kita."
"Enebeh!"
Natawa na lang si Miguell habang pinapanuod ang kaibigan na kinikilig kilig doon.
After dinner ay pinagpahinga na silang lahat. May dalawang seminar sila kinabukasan. Isa sa umaga at isa sa hapon. Sa pangatlong araw ay maraming activities na ang gagawin pati na ang camp competition.
Nauna na sa rooms si Miguell at si Bianca kaya naman si Elmo at si Julie ang magkasabay habang nasa elevator.
"Sioppy…" Biglang tawag naman ni Julie kay Elmo.
Sumasakay sila sa elevator kasama ang iba pa na mga prof at estudyante.
"Hmm?" Elmo asked, his arm around Julie as he nuzzled her hair. He loved doing that. "Bakit Sioppy?"
Julie leaned in to him as if asking for comfort. “Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Miguell.”
Oo nga pala. Hindi alam ni Elmo kung ano sasabihin niya. Kung ipapaalam ba niya kay Julie na nakita na niya ang ama nito.
"Magtanong tanong muna kaya ako kay Miguell?" Bulong ni Elmo hanggang sa nakalabas na sila sa floor nila.
Hindi muna sila naglakad at nanatili doon sa harap ng mga elevator door. "Alamin ko muna kung ano nga ba ang relasyon niya sa tatay niyo?"
Nung una parang hindi rin sigurado si Julie pero wala na siya choice eh. Kailangan niya ng tulong sa bagay na ito. "Thanks Sioppy…" She whispered and hugged him.
They stayed in that position hanggang sa magsalita ulit si Elmo. "Sioppy…"
"Hmmm?"
"Sabihin mo kay Miguell saka kay Bianca switch partners na tayo. Bawal lang sila gumawa ng milagro, tayo lang."
"Haay nako Elmo."
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
Pagkatapos na pagkatapos ng seminar kinabukasan ay kaagad namang nagkita si Elmo at si Miguell at si Julie at si Bianca. Hiwalay nga lang sila ng kwarto para makapagconcentrate. Balak kasi ni Bianca na tumugtog ng isang piano piece at si Miguell naman ay sa gitara.
Nakapagpraktis na si Elmo at si Miguell ng mga isang oras at nagpahinga ng ilang minuto bago nagsalita ulit si Elmo.
"Let's start again Miguell." Ngiti ni Elmo sa bata habang magkaharap sila at parehong may hawak na gitara. Nakita naman niya na naaptingin sa kanya ang bata kaya nagtatakang binalik niya ang tingin nito. "Is everything alright?"
"Ah, opo sir." Mabilis na napakamot sa likod ng ulo niya si Miguell. "Pasensya na sir ah. Di lang po talaga ako sanay na ngumingiti po kayo. Hehe." Parang kinabahan din naman si Miguell sa sinabi niya na iyon. Nakita pa ni Elmo kung papaano tumulo ang butil ng pawis sa gilid ng muhka nito. Kaya naman napangiti na lang ulit siya.
"Wag ka mag-alala Miguell. Alam ko din naman na hindi sanay ang tao na makitang ngumingiti ako."
"Ah sir, epekto po ba yan ni Mam Julie Anne?" Miguell asked.
And Elmo couldn't stop himself from smiling. Akalain mo yon?! Girlfriend na niya si Julie! Natakot nga siya magising kaninang umaga na baka panaginip lang ang lahat kaso masyado matamis ang pagkakagood morning kiss sa kanya ni Julie nung magb-breakfast na sila kaya naman naniwala na talaga siya na sila na nga ni Julie.
"Kapag nainlove ka na Miguell, makikita mo sarili mo na ganito din."
"Nako sir, wala pa ata kasi yung babae para sa akin eh." Natatawang sabi naman ni Miguell.
Tiningnan ni Elmo ang lalaki. At least naniniwala nga ito na may babae para sa kanya. "Hmm? Naniniwala ka din naman pala na may pagmamahal."
"Ah opo naman sir." Nakangiti na sabi ni Miguell. "Makita ko lang po ang mama at papa ko alam ko na po na totoo talaga ang love." Natatawa na lang na dagdag niya. Iba aakalain cheesy pero meron pa rin naman talaga na lalaki na okay lang maging corny basta ayun ang saloobin.
Pero ito na. Si Miguell na mismo ang nagbanggit. Kaya naisipan na ni Elmo kunin ang pagkakataon.
"So, ano ba love story ng parents mo?"
Muhkang nagulat din naman si Miguell sa sinabi ng propesor pero sumagot din naman. "Simple lang po sir. Sabi po ni papa, may kaibigan siya na naaksidente kaya siya ang sumama sa ospital. Ayun, doon sila nagkita ni mama na nurse. Love at first sight nga daw po eh."
“Ah, sa ganun pala sila nagkakilala. Mabilis naman ba ang proseso ng pagiging sila?” Elmo asked. Muhkang nagtataka na din si Miguell kung bakit ba ang curious niya pero nagpatuloy pa rin naman ito sa pagsasalita.
"Uhm, wala naman po ibang nakwento si papa. Pero sweet po talaga sila ni mama kapag nagkasama. And he's the best dad in the world to me. Lagi niya ako inaalagaan. Siya nga din nagturo sa akin na mahalin ko ang musika eh."
Hindi umimik si Elmo. Siguro ganun na sila kakonektado ni Julie. Parang pati kasi siya apektadk sa mga nalalaman niya. Eh kung mabuting ama naman pala ang tatay nila Julie, bakit nagawa nito na iwan ang panganay na anak?
"Sir?"
Napapitlag siya ng tawagin ni Miguell ang kanyang atensyon.
"Ah, sige Miguell, tara start tayo sa bridge…medyo mahina ka pa doon eh."
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
"Muhkang mananalo ka nga talaga Bianca ah." Sabi ni Julie sa estudyante. Katatapos pa lamang ng session nila sa loob ng kwarto nila, nakahiram kasi sila ng electronic keyboard na mapagtyatyagaan naman na pang practice.
"Salamat po mam." Bianca smiled. You could see that she wanted this bad and that only made Julie prouder.
"O dahil diyan, mag rest ka na lang muna ha. Para ready ka sa seminar niyo mamaya." Sabi naman ni Julie.
"Ah sige po mam thank you po!" Tatayo pa lamang si Bianca sa kinauupuan nang may kumatok sa pintuan ng hotel room na iyon.
Nagkatinginan muna ang dalawang babae bago tumayo si Julie at siya na ang sumagot.
"Hi Sioppy" At hindi na nakapagreact si Julie nang halikan siya ni Elmo sa pisngi.
Muhkang nagulat naman ang lalaki nang makita na nandoon pa pala si Bianca.
"Akala ko nakaalis na si Bianca."
Natawa naman ang batang estudyante at bumaba sa kama bago tumayo na din sa may pintuan banda. "Okay lang po sir. Paalis na din naman po ako." She said at kumaway pa kay Julie bago lumabas na ng kwarto.
"Ikaw talaga." Sabi ni Julie sa kasintahan. "Sabi ko sayo mamaya ka na pumunta eh."
Elmo shrugged. "Natapos na session namin ni Miguell. Solo natin yung kwarto." Ngiti niya.
Saglit na naningkit ang mata ni Julie sa lalaki. "Ikaw ah, puro yan ang habol mo."
"Not true Sioppy." Sabi ni Elmo habang iniikot ang braso sa bewang ng dalaga. "Mahal na mahal kita. Kahit pa walang…ganun."
"Talaga?"
"Hala teka, bakit is it off the table?"
Natawa si Julie sa muhka ng lalaki. She finds him so cute. Inikot niya ang mga braso sa balikat nito at sinimulan bigyan ng maliliit na halik ang buong muhka nito. "Ang Sioppy ko talaga. O teka ano na ba napagusapan niyo ni Miguell?"
Napabuntong hininga si Elmo at hinigpitan na lamang ang pagkakayakap sa bewang ni Julie. "Sioppy, I think kailangan dahan dahanin ang pagsabi kay Miguell na kapatid mo siya."
"What?"
Parehong napatingin si Elmo at si Julie sa nagsalita.
"B-Bianca…"
=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=
AN: Yes po bitin haha! May update po ulit bukas. Essential po ang chapter na ito eh.
Anyways salamat po sa nagbabasa! Nakakatuwa po na 17k reads na itong kwento na ito :) THANK YOU! *confetti*
Please do comment or vote! Sobrang naaappreciate ko yun :D
Huhu di ko napanuod TidalWave! Team youtube na lang muna ako haha!
Mwahugz!
-BundokPuno <3