ONE SHOT
AIREEN'S POV
"Yung mga nabanggit ang pangalan kanina, pumunta dito sa unahan" Magkakaroon daw ng panibagong groupings. Kanina ay pumili si ma'am ng mga magiging leader.
Kaya ngayon ay naglalakad ako papunta sa unahan. Isa kasi ako sa mga napili.
"Okay, let's starts this" Si ma'am yan. Nasa unahan na kasi kaming lahat na napiling leader ni ma'am.
"Aireen, you're the leader of group one kaya ikaw ang dapat maunang pumili. Go, piliin mo na ang mga gusto mong kagrupo" Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng room. Sino nga ba ang magandang makasama sa group? Syempre kailangan maaasahan at masipag ang pipiliin ko.
Napako ang tingin ko sa isa kong kaklase "Gusto kita, Aeious" Bigla namang nagsigawan ang mga kaklase ko. What the? Bakit ganito umasta ang mga 'to?
Lumakad naman si Alex papunta sakin. Nang nasa tabi ko na sya ay inulan kami ng tukso. "Yiiieeee. Si Aireen may gusto kay Aeious" It's Shane-classmate ko. Doon naman parang gumana ang utak ko.
Wait, what did I said awhile ago?
"Gusto kita, Aeious"
Oh fvck
Napatingin ako kay Aeious. At dahil matangkad sya, kinailangan ko pang tumingala.
Doon ay nakita ko ang pinipigil nyang ngiti. "Gusto rin kita, Aireen" Mahina nyang bulong sa akin. Sigurado akong hindi iyon narinig ng mga kaklase namin. Pero dahil kita nila na may binulong sakin si Aeious, muli nila kaming inasar.
Namula ako sa kanilang panunukso.
Pero ang munting kasiyahan na iyon ay natapos dahil biglang lumagabag ang pinto.
Napadako ang aming tingin room. And there, I saw Dana-Aeious's girlfriend. Napayuko nalang ako at napakagat labi.
Antanga mo Aireen!
Tapos na ang klase. Palabas na ako ng gate ng school kaso naiwanan ko pala ang libro ko sa locker. May quiz pa naman kami bukas para sa subject na 'yon.
Dali-dali akong tumakbo pabalik sa building namin. Papunta na sana ako sa locker room pero pagdaan ko sa classroom namin ay may nakinig akong mumunting ingay.
Sumilip ako sa bintana. And there, I saw Dana and Aeious..."Ano Aeious? Hihiwalayan mo nako? Bakit? Dahil ba sa babaeng yon? Dahil ba kay Aireen?" Galit na galit ang ekspresyon ni Dana. Napatingin ako sa mga mata ni Dana. May mababasang sakit at galit doon.
Napakagat labi ako bago tumalikod at naglakad palayo sa room. Hindi nalang pala ako pupunta sa locker room. Hindi ko na kukunin ang libro ko. Papasok nalang ako ng maaga bukas para kahit papaano ay makapagreview pa ako.
Days, weeks and months had passed at ngayon ay patapos na ang school year. "Dahil patapos na ang school year, mag open forum tayo. Gusto ko maging honest kayo sa mga tanong na ibabato sa inyo ha" It's our president. Patapos na ang school year at tsaka magmomove-up na kami kaya gusto nyang gawin ang open forum na ito.
Inilagay namin sa tabi ang mga upuan at lamesa. Pagkatapos ay umupo kami sa sahig ng pabilog. Si Pres. ang nasa gitna.
May bote syang hawak. Iiikot nya raw ito at kung sinong matapatan ay sya ang kailangang sumagot sa tanong ni Pres.
"I'll spin this one na ha" She said. Lahat kami ay nakatutok lang sa bote...inaabangan kung kanina ito titigil.
"You're the first one... Aireen" I bit my lips. Kinakabahan ako.
"The question is...Gusto mo ba si Aeious?" Namayani ang katahimikan sa buong classroom. Walang makikinig na kahit na anong ingay.
Unti-unti kong ibinuka ang bibig ko para sumagot. "Gusto ko sya..." I paused for awhile. "Bilang kaibigan" Dugtong ko pa.
Ayokong makasira ng relasyon. Gusto ko sya higit pa sa isang kaibigan. Pero hindi pwede...Naaalala ko pa kung paano sila nagkasagutan ni Dana noon. Naaalala ko pa kung gaano katindi ang sakit na nakita ko sa mga mata ni Dana noong panahon na yon.
Okay lang sakin na ako ang masaktan kaysa makasakit pa ako ng iba...
---------------------