PART 2

1885 Words
“Oh, bakit hindi mo ginagalaw 'yang pagkain mo?!" puna ni Aling Corazon sa kaniya, ang nanay niya. Napangiwi si Kirsten. Paano ba siya makakakain? Kung naaalala niya hanggang ngayon 'yong PUROROT na 'yon kahapon. Yuck talaga! Actually, type rin nga pala siya ng lalaking 'yon. Kinukuha nga raw kay June ang number niya, subalit dahil turn off na turn off na siya ay hindi niya ipanamigay. "Ayaw mo ba ang ulam? Ipagluluto kita ng iba?" sabi ng nanay niya. Akala yata ay nag-iinarte na naman siya sa ulam. "Hindi na, ‘Nay. Wala lang kasi akong gana," sagot niya. Hotdog at pritong itlog ang almusal nila. Mga paborito niya almusal since birth, pero hindi niya kayang kainin ngayon dahil sa lalaking iyon. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Sabi na nga ba niya at iyon ang iniisip ng kaniyang nanay. Pero hayaan na lang niya kaysa naman ikuwento niyang may tumae na hindi niya makalimutan. Yuck ulit! Urgh! "Hindi naman po, ‘Nay. Parang hindi pa kasi ako natutunawan sa mga kinain ko sa binyagan kahapon," kaila niya sabay tayo. "Sa kuwarto muna ako, ‘Nay," saka paalam na niya sa ina. Wala siyang pasok ngayon sa school dahil bakasyon na. Sa susunod na pasukan ay kolehiyo na siya, at hanggang ngayon hindi pa niya alam kung ano’ng kurso ang kukunin niya. Gayunman, para sa kaniya ay hindi iyon problema sa ngayon. Ang pinuproblema niya lamang pa ay kung paano niya mahahanap ang prince charming niya. Aba'y nakakahiya na kasi! Ano'ng isasagot niya sa mga magiging new classmates niya sa college kapag tinanong siya kung ano'ng pangalan ng boyfriend niya? Oh, taga saan ang boyfriend niya? Oh, ano'ng name ng Ex-bf niya? Aw! Hindi na uso ngayon ang NBSB. Ayaw niyang mapagtawanan. "Sige. Sabihin mo lang kung sasama ang pakiramdam mo, Anak.” "Opo." Umakyat na siya sa kaniyang silid. Pabuntong-hininga siyang umupo sa gilid ng malambot niyang kama saka nangalumbaba. Ano'ng gagawin niya? Saan ba niya kasi makikita o makikilala ang prince charming niya? Ba't ba kasi nag-iinarte pa 'yon na magpakita sa kaniya? Aisst! Nasa malalim siyang pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya. Si Joy ang caller. Umasim ang mukha niya. Naalala na naman niya iyong bastos na lalaking tumae na iyon. Sinisisi niya talaga si Joy. "Huwag mong sabihing may binyagan na naman tayong pupuntahan?!" pabalang na sagot niya sa pinsan. Humagikgik sa kabilang linya si Joy. Syempre alam nito ang nangyari sa kaniya sa banyo nina June. "Grabe ka naman, insan. I-excuse mo na 'yon dahil taeng-tae na siguro 'yong tao. Sayang guwapo pa naman!" "Alam mo bang hindi pa rin ako makakain dahil do'n dahil parang naaamoy at naririnig ko pa rin 'yong proottt na 'yon! Nagkaroon na yata ako ng phobia! Buset!" Natawa na nang tuluyan si Joy. "Oh, siya siya kalimutan mo na 'yon. Ang mabuti pa, sumama ka sa 'kin." "Saan na naman 'yan?" "May natanggap akong invitation. Remember Cassy? Debut niya sa Wednesday? Samahan mo ako, ha?" Tumirik ang mga mata niya. Heto na naman sila. And yeah, kilala niya si Cassy syempre, classmate nila iyon, eh. Hindi lang niya naging close. Pero teka lang, chance niya ulit pala iyon para makita niya ang prince charming niya. Sa mga pocketbook na nababasa niya, kalimitan sa mga birthday party rin nagkikita ang mga magsing-irog. At naalala niya ang crush niya noong si Jet. Baka makita niya ulit ang binata. At baka ito pa ang maging prince charming niya. Kinilig at na-excite na naman siya sa mga naisip niya. "Ano sama ka?" "Oo naman," maliksi na niyang sagot. "Okay kita na lang tayo sa park sa Wednesday?" "Sige sige! Text-text na lang!" WEDNESDAY. Tumatagatok na ang takong ni Kirsten. Nababagot na siya kakahintay kay Joy. Paano ay mag-iisang oras na pero wala pa rin ang pinsan niya sa tagpuan nila. Next year pa yata ang dating ng gaga. "Nasa’n ka na bang babae ka?!" usal niya na naiinis na. Lusaw na ang make-up niya. Kanina fresh na fresh siya, ngayon nilalangaw na. Pastelan! Kainis pa dahil pinagtitinginan na siya ng mga tao. Lalo na ang mga kabinataan na nag-uumpukan sa may bandang kaliwa niya. Red dress ba naman kasi ang gown na isinuot niya na hanggang tuhod ang haba na may slit sa tagiliran kaya pansinin. Baka akala ng mga lalaki, eh, pakawala siyang babae. "Uuwi na lang kaya ako?" Naisip na niya. Badtrip na talaga siya sa pinsan niya. Lalong nadagdagan ang kaba ng dibdib ni Kirsten nang sa kanang bahagi niya ay may nag-umpukan ding mga kabataan. Ay-yay-yay! May rayot pa yatang magaganap! Nalintikan na! Napapalunok siyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang grupo. Naku! Naku! Kailangan niyang makaalis! Kundi maiipit siya sa rayot! Hindi maipinta ang kaniyang mukha na dahan-dahang humakbang muna. "Eiiihhhh!!" bago nagtitiling nagtatakbo. Sakto iyon na nagsuguran na ang dalawang grupo. Nakita niya ang public toilet ng park at doon niya naisipang magtago. Nangangatog ang mga tuhod niya. Ano na kaya ang nangyayari sa labas? Nagpapatayan na kaya? Hindi siya mapakali. Natatakot talaga siya dahil naririnig niya ang kaguluhan sa labas. Sigurado nagpang-abot na ang dalawang grupo. "Naku, Lord! Huwag niyo po muna akong idamay na kunin, ah?! Hindi ko pa nga nararanasang magka-jowa kukunin niyo na agad ako? Huwag muna, Lord, please please!" abu't abot na dasal niya. Nang may biglang tumadyak sa pinto ng banyo. Namilog ang mga mata ni Kirsten na napatingin doon. Lagot! "Eiiiiiihhhh!!" at tili niyang mahaba nang pumasok doon ang isang lalaki. "Huwag kang maingay!" senyas sa kaniya ng lalaki. "Eiiihhhh!!" ngunit tili niya pa rin na parang mababaliw at naiiyak na. "Huwag mo akong idamay. Nagsi-CR lang ako rito. Hindi ako kasama sa grupo.” "I said huwag kang maingay!" Tinutukan siya ng baril ng lalaki. “Relax ka lang dahil hindi kita sasaktan!" Itinaas niya ang dalawang kamay niya. Tumitili pa rin siya pero sa isip-isip niya na lamang. Pusang gala! Paano kaya ang mag-relax sa sitwasyong ganito?! Nailing naman sa kaniya ang lalaki pagkuwa'y sumilip ito sa labas. Napalatak ito nang makitang may papalapit na pulis sa CR na pinagtataguan nila. Isinara nito ulit ang pinto. Nag-iisip na napatingin ito sa kanya. "Hoy, lalaki, virgin pa ako! Kaya kung ano man 'yang nasa isip mo ay huwag mo nang ituloy dahil magkakamatayan talaga tayo!" singhal niya sa lalaki. Ibinaba na niya ang mga kamay at niyakap niya ang sarili. Sumiksik sa isang sulok ng CR. "May tao ba riyan?" boses na ng pulis. Kitang-kita niya ang pagkataranta ng lalaki. Naging mabilis ang kilos nito. At sa isang iglap ay nasa likod na niya ito. Wadapak! "Open it. But tell to them that you're alone here,” bulong nito sa kanya. Wow! Englisero na gangster pala 'to! "Go!" Bahagyang itinulak siya ng lalaki. "Tse!" pero pagtataray niya. "Sino ka para utusan ako? Close ba tayo? Ang kapal m—” Nga lang ay natigilan siya nang ituktok muli ng lalaki ang baril nito sa mukha niya. "Okay, sabi mo, eh. Masunurin naman talaga ako," tapos ay biglang kambyo niya. Walang siyang nagawa kundi ang buksan ang pinto ng CR at kausapin ang kumakatok. Lumaki ang mga mata niya nang makita niyang pulis pala sila. "Miss, okay lang po ba kayo? Wala po bang pumasok dito na lalaki?" magalang na tanong sa kaniya ng isa. Magsasalita sana si Kirsten. Magsusumbong sana siya ngunit naramdaman niya sa pwetan niya ang dulo ng baril ng lalaki kaya hindi niya magawa. Oras na ginawa niya iyon, sabog ang kaniyang puwetan. “Shete naman, oh!” himutok niya sa kaniyang loob-loob. "Ah, eh, wala naman po, Sir. Relax na relax nga po ako ritong umiihi kanina. Bakit may nangyari po ba? May problema po ba? Palabas na nga po ako pero mag-ayos po muna ako ng face," ngiting-ngiti na sagot na niya sa pulis, labag man sa kalooban niya. "Ah, ganoon po ba. Wala naman po. Sige po," pagkambyo na nga ng mga pulis. Marahang isinara na ni Kirsten ang pinto ng CR. Naniningkit ang mga mata niyang hinarap ang lalaki. Inalis na ng lalaki ang baril sa puwetan niya at parang tanga na hinipan ang dulo. "Bastos!" nagngangalit na talagang bulyaw niya sabay sampal dito. "Aray!" Gulat na nasapo ng lalaki ang pisngi. "Ang dami-dami mong pwedeng tutukan puwet ko pa talaga?! Paano kung naiputok mo 'yan?! Eh di ampangit kong mamatay?! Walang puwet!" asik niya. Napakamot-ulo ang lalaki habang nakakunot-noo. Humalukipkip naman siya. Ang sama pa rin ng tingin niya rito. Kung nakakamatay nga lang ang tingin, tigok na ang lalaki for sure. "Sorry if nadamay ka," pero mayamaya ay mababang boses ng lalaki. Hindi pinatulan ang kaniyang pagsampal dito. "Sorry ka diyan! Pagkatapos mo akong tutukan ng tutukan ng baril?!” singhal niya pa rin. "Sorry na nga. Naipit lang," pagsusuplado na ulit ng lalaki. "Tse!" suplada rin niya. Wala siyang pake kahit na parang gumagwapo na ang lalaki sa paningin niya habang tumatagal. "Uuwi na ako! Palabasin mo na ako!" "Hindi pa puwede. Baka nasa labas pa ang mga pulis o kaya ang mga kalaban naming grupo." "Wala akong pakialam!" gigil niyang sabi. Humakbang siya pero tinulak siya ng lalaki. Ang nakakainis ay sumandal ang lalaki sa dahon ng pinto. "Aissttt!! Ang malas naman talaga, oh! Kainis!" Sa isip-isip niya. Inis na inis siyang patingin-tingin na lang sa lalaki. Literal na napapa-grrrrrr talaga siya. Wala siyang magawa kundi ang makipagtinginan na lang ng masama sa lalaki. Hihintayin kung kailan siya palalabasin. "Hanggang kailan ba tayo rito, ha?! Forever?!" untag niya nang hindi na makatiis. Tantya niya ay thirty minutes na kasi sila roon na walang imikan. "Walang forever kaya hindi," pamimilosopo sa kaniya ng lalaki. "Meron! May forever!" sabi niya kahit aware siyang wala namang forever talaga dito sa mundo. Lahat nawawala, lahat kumukupas, lahat namamatay. "Eh, di ikaw na ang may forever,” sabi ng lalaki. Aba't pilosopo talaga ang animal! Tinaasan niya ito ng kilay. Lalong nag-init ang bunbunan niya. “Hindi ako puwedeng maghintay na lang dito forever! Alam mo bang may party sana akong pupuntahan ngayon?! Na kung hindi mo ako ikinulong dito ay baka nakita at nakilala ko na sana ang prince charming ko roon!" "Prince charming? Seriously?" Napakunot-noo ang lalaki. "Oo! Bakit may problema?!" taas ang noo niyang sagot at tanong. Ngumisi ang lalaki. "Asa ka pa. Wala ng prince charming ngayon, oy." Tumaas ang didbib niya at nanggigil lalo sa inis. “Aba’t” "Saka ang prince charming kung meron man ay hindi hinahanap dahil kusang darating 'yon,” pero nang seryosong sabi pa ng lalaki ay siya naman ang napakunot-noo. Well, may point siya. Magkakatwiran pa rin sana siya. Hindi sana siya magpapatalo pero dahil sumilip ang lalaki sa labas ay hindi niya nagawa. "Sa tingin ko puwede ng umalis. Mauna ka nang lumabas," dikawasa'y anito nang lingunin siya. “Salamat naman,” aniya na maarteng humakbang. Napangisi na lang ang lalaki sa kaartehan niya. Humakbang na siya palayo. "Ingat ka! Pasensya na ulit! Ako nga pala si Sean! Ang prince charming mo!" Ngunit dahil pahabol na sigaw sa kanya ng lalaki, na ewan niya kung seryoso ba o joke joke lang ang sinabi nito ay takang napalingon siya. Ang kaso ay hindi na niya nakita pa ang lalaki. Kunot-noo niyang iginala ang kanyang mga mata. Hanggang sa naramdaman niyang kakaiba na ang t***k ng kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD