PART 4

1731 Words
Tuwang-tuwa si Kirsten dahil tumigil si Sean sa paglakad. Napangiti siya. Hindi niya inakalang mangyayari ito, ang makita ulit ang binata na as in ngayon na. Pero agad na ipinaalala rin niya sa sarili na hindi pa niya sigurado kung ito na nga ang prince charming niya. Kaya dapat ay hinay-hinay lang siya. "Ikaw 'yung guy sa CR hindi ba?" kunwa'y nanantiyang tanong niya nang makalapit siya ng husto sa likuran ni Sean. Subalit walang tugon ang binata. Nanatili lang itong nakatayo na hindi pa rin nalingon sa kanya. "'Di ba ikaw 'yon? Don't tell me hindi mo ako nakikilala?" kikibot-kibot ang labi niyang muling tanong. Grabe! Likod palang ulam na! Yummy! Parang gusto tuloy haplusin ng isang palad niya ang malapad na likod ni Sean. Ang sarap sigurong yumakap doon. "I don't remember you. Sorry." Sa wakas ay sagot ng binata, pero pasupaldo nga lang. Saka humakbang na paalis. "Pero ako nakikilala kita! Ikaw si Sean!" pahabol niyang sabi. Ano ba 'to? May amnesia?! "Tingnan mo 'tong puwet ko baka dito maalala mo ako! Tinutukan mo nga 'to ng baril, eh!" Para siyang tanga na tumalikod at kinimbot-kimbot ang puwetan niya. Hindi makapaniwala ang mukhang bahagya siyang nilingon ng binata. Ngunit saglit lang 'yon dahil parang wala ulit itong humakbang paalis. Eh di wow! "Hoy!!" tawag niya rito pero parang bingi na si Sean na nagtuloy-tuloy na sa pag-alis. Lumiko ito sa kanang eskinita. Gano'n? Dinedma ang puwet niya? Este ang beauty niya?! Nakaka-insulto, ah?! "Sino ba 'yon?!" Medyo nagulat pa siya sa boses ni Joy. Nakalimutan niya kasi na may kasama pala siya. "Parang mamamatay tao, insan." "Mamamatay tao agad? Agad-agad? 'Di ba pwedeng mukhang gangster lang?!" nanlalaki ang mata niyang reklamo niya sa pinsan. "Sorry naman pero ganoon din 'yon, eh! Sino ba 'yon?" Siya ang aking prince charming! Nais niyang isagot pero huwag muna, baka makontra, eh. "Hoy! Sino nga 'yon, hah? At kung makaasta ka, eh, parang kilalang-kilala mo siya?! Nagtatampo na ako sa 'yo! Naglilihim ka na sa'kin?! Akala ko ba bestfriend tayo?! Walang lihiman, 'di ba?" Parang batang maktol ni Joy. "Tse! Ang arte mo!" napadilat na wika niya sa pinsan at natatawa. "Siya si Sean. Nakilala ko sa CR kahapon no'ng may rayot." "Talaga?! So, hindi lang ikaw ang nagtago sa CR?! Ow em ji! Kasama mo siya?!" Kilig na sunod-sunod ang ginawa niyang tango. "Ayeii! So, anong nagyari?' May nangyari ba?! Kiniss ka ba niya?! Ano'ng feeling?!" sunod-sunod pang mga katanungan ni Joy. "Heh!" singhal niya sa pinsan. "Utak mo talaga! Bastos!" Humagikgik si Joy at nag-peace sign sa kanya. "Nahawa lang ako sa 'yo." Ang hindi nila alam, nasa may pader lang si Sean, nakikinig at hindi nito namalayan na nangingiti na rin. Tapos ay inayos ang sumbrero nito at lumakad na. Sa isip nito ay saka na muna ang babae. May mga dapat pa itong gagawin. Mas importante kaysa sa mga babae. At 'yon ay ang hanapin ang mama nito. ••• "Ang tahimik mo 'ata, insan?" puna ni Joy kay Kirsten. Makalipas ang ilang araw. Napalabi si Kirsten. 'Andito sila sa mall ng pinsan para magliwaliw. Kanina pa sila lakad nang lakad, nagwi-window shopping lang naman kasi sila. "May problema?" Tumango siya bilang tugon. "Ano naman ang problema mo?" Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tumigil siya sa paglakad. "Insan, I think nahuhulog na ako." "Nahuhulog saan?! Ayokong pang mamatay!" hestirikal agad ni Joy. Napakapit ito sa braso niya at takot na titingin-tingin sa sahig ng mall na may tiles. Binatukan niya ang pinsan. "Ang OA mo talaga!" "Eh, ano ba kasing ibig mong sabihin?!" Naka-pout at sapo ni Joy ang binatukan niyang ulo nito. Napabuga siya ng hangin. Ilang gabi na siyang hindi makatulog kakaisip kay Sean. Kung kaya't feeling na niya ay baka nahuhulog na siya sa binata. Love na niya yata si Sean kahit hindi pa niya lubusang kakilala, love at first sight! Parang ganern! "Weh?! Sa lalaking mukhang mamamatay tao?! Na kung maka-leather jacket, eh, parang si kontrabida sa mga action sa TV? Bakit ka naman sa kanya ka pa ma-i-in love, insan?! Bulag ka ba?!" "Ewan ko. Pero 'di talaga ako mapakali, kailangan ko siyang makita." "Desperada ka lang magka-jowa! Ay sus!" Humaba ang nguso niya. Aaminin naman niyang desperada nga siya, oo! Pero iba talaga, eh. Basta ang alam niya gusto niya ulit makita si Sean. At 'di na niya kaya pa... "Insan, kita na lang tayo sa bahay o sa bahay niyo mamaya, ha?!" kaya takbo na niya paalis. "Oy! Sa'n ka pupunta?!" Nadinig niyang sigaw ni Joy na tanong sa kanya pero hindi na niya pinansin. Mabilis na niyang tinakbo ang labasan ng mall. At ura-uradang sumakay ng jeep. Pagdating sa lugar kung saan niya nakita si Sean noong isang araw ay napangiti siya na may kasamang kilig. Inilibot niya ang paningin sa lugar. Ganoon pa rin na maraming tambay. Sa may tindahan siya nagtanong. "Ate, may kilala po kayong Sean?" Nag-isip ang tindera habang binibigay ng sukli ng isang lalaking bumili. At napatingin ang lalaking 'yon sa kanya na napakunot-noo. Hindi lang niya pinansin. "Mayron, pero doon. Doon sa kabilang kanto pa siya kung 'yong Sean na nga na iyon ang hinahanap mo," pagkuwa'y sagot ng tindera sabay turo sa banda ng sinasabi. "Saan po? Doon po?" Turo rin niya sa bandang tinuro ng tindera upang makasiguro. "Oo." "Salamat po," abo't hanggang taingang pasalamat niya bago niya inumpisang lakarin ang tinuro ng tindera. Hindi niya napapansin ang sikuan ng isang grupong nakaupo sa isang tabi, habang sunod na nakatingin sa kanya. "Chicks, oh!" bulong ng isang lalaki sa halatang pinuno ng grupo. Maangas na humihit ito ng sigarilyo, pagkuwa'y tinapon na lang kung saan ang upos ng sigarilyo at bigla itong tumayo. Saka ngingisi-ngising sinundan si Kirsten. Sunod ang tatlong lalaking kasama nito. "Miss, may hinahanap ka?" Maang na napatigil sa paglakad at napalingon si Kirsten sa nagsalita. "Opo," magalang niyang sagot sa lalaking nagtanong kahit alam niyang parang ka-edad lang naman niya ito. "Sino, Miss? Baka matulungan ka namin?" nagbabait-baitang tanong ulit ng lalaki sa kanya. Ang lalaking kanina na bumibili sa tindahan ay kumaripas ng takbo. Hingal na hingal itong narating ang isang iskinita at pumasok sa isang bahay roon. "Oh, Teddy? Bakit parang may humahabol sa'yo?" takang tanong ni Gani. Isa sa mga kalaro ngayon ni Sean sa baraha. "Baka may nabuntis na naman," nakatawang wika ni Romeo. Isa pang kalaro nila sa baraha. Habang si Sean ay tahimik lang sa pagbabalasa ng mga baraha nito. "Bosing, may naghahanap sa'yong babae sa may kanto!" balita agad ni Teddy nang makalapit ito kay Sean. Nakusot ang guwapong mukha ni binata. "Sino?" kaswal nitong tanong sabay baba ng isang baraha. Isang pagkakamali lang ni Gani ay tong-its na ito. Napakamot-batok si Teddy. "'Di ko alam, eh. Narinig ko lang na tinatanong niya ang pangalan mo, bossing. Tapos 'yon nakita ko na lang na nilapitan siya nina Boy Tigas." Lalong nagsalubong ang dalawang kilay ni Sean. Ang grupo ni Boy Tigas ay isa sa mga 'di nila kasundo na grupo sa lugar. "Ano'ng hitsura ng babae?" "Maganda! Maputi! Sexy! Mahaba ang buhok!" pagsasalarawan ni Teddy sa babae. Naningkit ang mga mata ni Sean. Nakita niya ang larawan ng babae sa CR sa isipan niya. Tugmang-tugma kasi sa mga sinabi ni Teddy. Pagkuwa'y naalarma na siya. Pabiglang napatayo si Sean at mabilis na kinuha ang itim na jacket at sumbrero saka nagmadaling lumabas sa bahay na lungga ng grupo nila. Kahit 'di niya sinabi, nagsunuran sina Teddy, Gani at Romeo. "Doon, bossing!" Turo ni Teddy sa kinaroroonan ng babae. Napailing si Sean nang makita nga niya roon ang babae sa CR. "What the hell she's doing here?!" ngitngit niyang usal sa sarili. "Sean? Sinong Sean?" tanong ni Boy Tigas kay Kirsten. "'Di ko alam ang apilyedo niya, eh, pero 'pag nakita ko siya makikilala ko siya. Siya ang prince charming ko, eh!" parang kakilala na niya ang kausap na sagot ni Kirsten. "Boss, syota yata 'yan ni Sean Pogi!" bulong ng isang lalaki kay Boy Tigas. Napangisi si Boy Tigas. "Tingnan mo nga naman ang swerte!" tapos ay sambit nito na tiningnan pababa at pataas ang dalaga. Si Sean na nasa 'di kalayuuan at 'di pa nila napapansin ang prisensya ay lalong naningkit ang mga mata. Nanlilisik na ang kanyang mga mata habang nakapamulsa. Wala talagang sinasanto ang Boy Tigas na 'to. Tsk! Nakaramdam na rin ng panganib si Kirsten. Ang tingin niya na ngayon sa mga kausap ay parang mga demonyo. Dahil kung makatingin na sa kanya ang mga ito ngayon ay parang hinuhubaran siya na ewan. Napaatras siya pero lumapit pa rin sa kanya si Boy Tigas na may nakakalukong ngiti. "Huwag kang lalapit! Hindi kita papatulan! Dahil may boyfriend na ako! Girlfriend ako ni Sean! Isusumbong kita kay Sean!" lakas-loob na banta niya. Nag-iba ang hitsura ni Sean sa sinabing iyon ng babae. Ano raw?! Humalakhak naman si Boy Tigas. Pero natigil ang paghalakhak nito nang biglang may sumuntok sa mukha nito. Sumubsub si Boy Tigas sa eskinita. Inalalayan agad ito ng mga kasama. "Umalis na kayo rito kung ayaw niyong masaktan! Get off!" banta ni Sean sa mga ito. Palibhasa ay kilala si Sean na gangster at kinakatakutan sa lugar ay nagsitakbuhan na ang mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Kirsten hindi dahil sa sumubsob si Boy Tigas sa eskinita at parang batang nagsisitakbo ang grupo nito sa takot, kundi dahil nakita niya ulit si Sean na siyang maangas na sumuntok kay Boy Tigas. Astig! "Oh, my hero!" sambit niya na parang wala sa sarili sa sobrang kasiyahan. No doubt na siya na si Sean na nga talaga ang prince charming niya! Ayeii! Pero ano'ng sama naman ng tingin ni Sean na pinukol sa kanya. "Alam mo bang namamatay lahat ng babaeng nagsasabing girlfriend ko!" at madiin nitong sabi. Napalunok siya. "Weh?! 'Di nga?!" "'Yung una ni-r**e! 'Yung pangalawa binaril! 'Yung isa binigti! Gusto mo bang sumunod sa kanila?" seryosong saad pa ni Sean. "Grabe naman!" Hindi siya naniniwala. "I'm damn serious! So if I were you, never dare to tell again that you're my gf or else you'll die!" Pagkasabi niyon ay humakbang na paalis ang binata. Nangingiting sumunod dito ang tatlong kasama. Pero hindi talaga siya naniwala, eh. Maniwala ka riyan?! Etchuserong frog na Sean! Patakbo niyang hinabol ang mga binata. Nagulat pa si Sean dahil kinawit niya ang isang kamay niya sa isang braso nito.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD