Kumalma si Jeric at gumaan ang pakiramdam makaraan ang ilan pang minuto. "Sabayan mo na syang kumain, Zarah. Hindi pa sya kumakain mula kaninang umaga," ani Sol na nagtungo sa kusina. Pagbalik nya ay dala nya ang isang tray na may maki at sushi na dala ni Zarah at dalawang platito ng apple pie. Tinulungan ni Zarah na ayusin ang overbed table sa kama ni Jeric. "Saan po nanggaling ito?" tanong ni Jeric kay Sol. "Ang apple pie ay iniluto ng mama ko. Dala ni Zarah ang maki at sushi. Kumain na kayong dalawa," udyok ni Sol. "Peace offering?" tanong ni Jeric na nagtaas ng kilay kay Zarah. "Alam ko kasing hindi ka kumakain ng maayos kapag nasa ospital ka kaya nagdala ako ng paborito mo," wika ni Zarah. Kinuha ni Zarah ang platito ng apple pie. Sinubukan naman ni Jeric tusukin ng tinidor ang

