Lumitaw si Jeric sa Esmeralda. Kaagad nakaramdam ng bigat sa dibdib si Jeric. Hindi nya nakita ang Squad nya sa lugar kaya lalo syang kinabahan. Sinubukan nyang tawagan sa radyo nya ang grupo pero puro static lang ang narinig nya. "Akira! Sasha! Misha!" tawag ni Jeric. Lumitaw ang tatlong tinawag. Napadaklot sa dibdib si Jeric dahil naramdaman nyang parang pinipiga ang puso nya. "Master Jeremy!" anang tatlo na inalalayan si Jeric. "Ayos lang ako," tugon ni Jeric na lumunok pilit tinatanggal ang sikip sa dibdib na pakiramdam. "Pakihanap ang Hunter Squad sa paligid," utos ni Jeric na lumuwag ng bahagya ang dibdib. "Masusunod po," sang-ayon ng tatlo na kaagad naglaho. Hinanap nya ang grupo ngunit wala silang makitang palatandaan. Bumalik si Akira sa kinaroroonan ni Jeric. Nagsisimula n

