Unti-unting bumagsak ang lakas ni Jeric na napahawak sa mukha nya. "Kuya Adrian, anong...gina-wa..mo?" tanong ni Jeric na natumba paharap sa kanya. "Patawarin mo ako. Pero ito ang nanaisin ng inyong magulang at kapatid," ani Adrian na sinalo si Jeric na tuluyang nawalan ng malay. Nang mailigpit ng kambal ang lahat ng kalaban ay kaagad nilang nilapatan ng paunang lunas ang mga kasama. "Zerel pangalagaan mo ang buong lugar," tawag ni Adrian. Lumitaw si Zerel na tumango kay Adrian bago umupo. "Sa ngalan ni Esme, linisin at ibalik sa dati ang lugar na ito!" utos ni Zerel na humawak sa lupa. Unti-unting nagbalik sa dati ang buong lugar. Nagyabong at tumubo muli ang mga puno at halaman sa lugar na iyon. "Ibabalik muna namin sila ni Fin sa LeValle para malunasan at makapagpahinga," ani Ni

