Kinakabahang naghintay si Jeric sa Briefing Room. Pumasok ang isang lalaki na naka REU uniform. Tumayo si Jeric ng tuwid at sumaludo. "At ease. Maupo ka. Ako si General Alexi," anang officer na naupo sa harap ng lamesa. Sumunod naman si Jeric. "Ikaw pala ang pinakabatang nakapasa sa batch na ito. Pasensya na kung natagalan ang assessment sa'yo. Medyo nahirapan kami kung saan kang grupo isasama. Napagpasyahan na i-assess ka para sa Royal Security Service," anang Officer. "Base sa kanilang assessment, ikinalulungkot kong sabihin na hindi ka maaaring maging bahagi noon," ani Alexi. Yumuko si Jeric at huminga ng malalim. "Overqualified ka sa RSS. Itatalaga ka sa Phoenix Unit pero hindi ka pa handa sa ngayon," pabatid ni Alexi. "Phoenix Unit? Hindi po ba iyon ang pinakamataas na Unit n

