Kinabukasan ng hapon, tumungo si Jeric sa opisinang pinagtatrabahuhan ni Sol. Abala noon si Sol sa pag-aayos ng computer program na ginagawa nya. "Boss Chris, may naghahanap sa'yo," wika ng isang kaopisina nya. "Sino iyon?" tanong ni Sol. "Nasa labas 'yung pinsan mo," anang isa nyang kaopisina. Tumayo si Sol sa cubicle nya at nakita si Jeric na may dalang isang paperbag. Lumabas si Sol. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sol. "Binibisita po kayo," sagot ni Jeric na inabot ang inumin na binili nya. "Salamat. Mukhang maganda ang naging epekto ng training sa'yo. Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo sa training camp," puna ni Sol. Tahimik lang si Jeric noon. "Nakakapanibago ka, masyado kang tahimik. Mukhang may problema ka. Spill it out," wika ni Sol. "Bagay sa'yo ang cover mo," pabiron

