Nagigising sya sa kalagitnaan ng gabi sa mga hindi ang mga nakikita nya. "Hindi iyon totoo," wika nya sa sarili. Lumitaw ang anyo ng dragon sa paanan ng kanyang kama. "Sigurado ka ba sa sinabi mo?" tanong nito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Jeric. "Hindi lahat ng inaakala mong totoo ay katotohanan," wika ng dragon. "Anong ibig mong sabihin?" giit ni Jeric. "Hindi lahat ng nakikita ng mata ay pawang totoo na," matalinhagang wika nito. Naglaho ang dragon. Lalong kumirot ang ulo nya kaya pinindot nya ang emergency button. Tatlong araw na ang dumaan, nakauwi na sila ng bahay. Sa loob ng tatlong araw ay binagabag sya ng mga panaginip at ng sinabi ni Akira. Nakita ni Jeric ang isang binatilyo sa isang sitwasyon kasama si Adrian at isa pang binata. Tinuturuan sya ng mga itong lum

