"Ilan pang kalaban ang nakaabang?" tanong ni Robert kay Gian. "He was the last sa Red team. Blue has four players. Yellow two. Mahuhusay ang blue sa ground assault, ang yellow players naman may mahusay na sniper," pabatid ni Gian. "Malamang tatambangan tayo pabalik sa starting point," wika ni Jeric. "Tayo na!" ani Rey. Nang malapit na sila sa starting point ay nakaramdam ng panganib si Jeric. "Teka lang po," pigil ni Jeric na napahawak muli sa ulo nya na halos natumba. Inalalayan sya ni Robert kaagad namang sinuri sya ni Jane. Iniupo nila ito. Hinihingal na si Jeric noon at pinipilit na lang na manatiling gising. "He needs medical attention," wika ni Jane sa mga kasama. Sa monitoring room, "Mukhang may problema sa Green Team Ma'am. Nag-ulat ang isang monitor natin na biglang natum

