Sinalubong ni Luis sina Jeric at Ivan. "Aalis na po ako. Kailangan ko pong sumunod sa Team," paalam ni Ivan. "Salamat sa pag-uuwi mo sa kanya. Iwan mo na ang sasakyan at ipapalipat ko na lang iyan sa garahe," wika ni Luis. "Salamat, Kamahalan," ani Ivan bago naglaho. "Sa susunod na lalabas ka ay magpasabi ka," nag-aalalang wika ni Luis. Sumuray si Jeric kaagad naman syang hinawakan ni Luis. "Halika na at nang makapagpahinga ka na," sabi ni Luis. Dalawang araw pa ay muling bumisita si Jeric sa REU kasama si Ivan. "Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Echo na bumati. "Maayos na ako," sagot ni Jeric. "Mabuti at pinayagan kang bumisita ngayon," wika ni Lira. "Baka kasi makatulong sa alaala ko kung babalikan ko ang mga lugar na dati ko nang pinuntahan," paliwanag ni Jeric. "Hina

