Kinagabihan ay lumabas ang magpipinsan patungo sa bayan sa Sentro. Tahimik si Jeric at nakikiramdam sa mga halos kasing-edad na mga pinsan nya. "Nag-eenjoy ka ba? Relax lang Jeremy," wika ni Cienna na tinulungan si Jeric magdala ng mga inumin. "Cien, Cienna," napangiting wika ni Jeric. "Huwag kang maasiwa. Mababait ang mga 'yan," pampalakas loob ni Cienna. "Nakakatuwa nga kayo. Close na close kayong lahat," wika ni Jeric kay Cienna. "Madalas kasi kaming magkakasama kapag may libreng oras. Dati naman ganun din tayo noong umuuwi kayo rito sa LeValle," paalala ni Cienna. "Nahihiya tuloy ako. Hindi ko alam kung paano ako makisama," amin ni Jeric. "Chill lang. Be yourself," ani Cienna. Nakarating ang dalawa sa kinalalagyan ng grupo. "Ang tagal nyo, Ate!" reklamo ni Angge na kumuha ng i

