Matapos kumain ay lumapit ang isang monghe kay Master Reema na bumulong. Napasimangot ang matanda at tumango. "Ipagpaumanhin nyo Haring Ethan, mga bata, may kailangan lang akong asikasuhin," wika ni Master Reema na tumayo. "May problema po ba? Baka po may maitulong ako," tanong ni Ethan. "Nakawala na naman si Zappy," lahad ni Master Reema. "Si Zappy? Naku malaking problema nga po iyon," kunot noong wika ni Ethan. "Hayaan nyo kaming tumulong, Master," boluntaryo ni Jude. Lumingon si Ethan sa guro. "Bakit hindi natin mo subukang hulihin si Zappy, Jeric?" tanong ni Ethan. "Po?" ani Jeric na gulat. "Consider this part of your training. Tulungan mo sya, Ivan. Sit this one oit Keith. Mabigat ang pagsasanay mo at kailangan mong rumecover," utos ni Ethan. "Opo," ani Ivan. Umalis ang d

