Papaslangin na sana sya ng biglang may lumabas ng liwanag mula sa kwintas nya. Tumigil lahat ang nasa paligid nya. "Akira!" tawag ni Jeric. Lumitaw si Akira "Master Jeremy!" tugon ni Akira. "Anong nangyari?" tanong ni Jeric. "Pinatigil mo ang oras ng hindi sinasadya Master Jeremy," sabi ni Akira. "Nagagawa ko ito?" tanong ni Jeric. "Opo at marami pang iba. Kailangan nyong tulungan si Master Keith. Nanganganib ang buhay nya," wika ni Akira. "Pero paano?" tanong ni Jeric. "Magtiwala ka sa sarili mo. Magagawa mo. I'll give you a push," ani Akira. "Paano ko papakawalan ang oras?" tanong ni Jeric. "Huminga ka ng malalim," wika ni Akira na hinawakan ang noo ni Jeric. Biglang tila pinindot na button na kumilos si Jeric at lumaban. Nasugatan nya ang kalaban pero muli ito kaagad naghilo

