Sa bus patungo sa Sunset Beach. Magkatabing nakaupo sina Jeric at Jude. Medyo masama ang timpla ni Jeric dahil sa marami silang kasama sa bus. Nakaupo sa harapan ng upuan nila si Zarah na sumilip sa kanya. "Ayos ka na?" tanong ni Zarah kay Jeric. Sumenyas si Jude kay Zarah na naka-headset si Jeric at nakapikit. Tinabig ni Jude si Jeric at kinausap sa isip. "Medyo maayos na. Nawala na ng kaunti ang sakit ng ulo ko. Nanibago lang ako," ani Jeric na tinanggal ang isa sa headset nya. Pagdating sa beach ay kaagad nagtungo sa tutuluyan nila ang grupo. Nagsimula ang mga activities dalawang araw na sunod-sunod ang mga gawain sa camping site. Kinahapunan napadestino sina Jude, Jeric, Zarah at tatlo pang iba na maghanap ng panggatong sa paligid. Habang naghahanap ay napansin ni Jude na nakal

