"May tumulong sa atin!" ani Cole na sinuri ang bangkay na tinamaan ng sniper. "Isang sniper?" tanong ni Shan. "Malakas lang tayo sa taas," ani Sol na ngumiti. "Jane, i-check mo nga kung tama ang hinala namin," utos ni Shan. Sinuri ni Jane ang bangkay. "Base sa trajectory, galing iyon sa sniping position ni Vista," sabi ni Jane. "May kasama ka palang back-up sniper. Hindi mo sinabi," wika ni Shan. "Si Outlaw ba ang kasama mo? Base sa tama, isang mahusay na Specialist ang kasama mo," sabi ni Cole. Napaisip si Jane na nakatingin pa rin sa tama ng bala. "Naka-leave pa si Outlaw. Hindi pa sya pinagre-report," banggit ni Shan. "Si Helix ba o si Speed?" tanong ni Cole. "Nasa special mission pa po si Helix at iba po ang estilo ni Speed. Halos katulad ito ng shot selection ni Outlaw at i

