Nang makita kong naningkit ang kanyang mata sa akin doon lang ako nagpatianod sa kanya. Kunyari nasasaktan naman ako pero ang totoo niyan hindi naman. Nahagip ng mga mata ko na papunta dito ang mga nakamaskara, mukhang nakita kami ni James kanina. Sinadya kong makita nila talaga kami para sa amin mapunta ang kanilang atensiyon. Alam ko namang hindi ako papabayaan ng mokong ito kahit na papano. "Sure ka kaya niyan," ani naman ng isip ko. Mukhang namali yata ako ng naisip nito. Wala nga pala siyang concern sa akin, napabuntong hininga ako. Kaya ko naman ang aking sarili kahit na hindi niya ako tulungan. I can protect myself ika ko sa aking sarili kahit na parang hindi ok sa akin ang naiisip na to. Kayo diyan, lumabas kayo sa lungga ninyo. Tumayo kayo," bulyaw ng isang nakabonete. Napangisi

