Hindi ko na alintana ang tingin ng dalawang nilalang na akala mo mananakal na sa hitsura nila. Pagkapasok namin sa kabilang area sa kung saan ako nakaupo kanina. Makikita mo kasi dito doon dahil sa salamin na naka harang lang sa kabilang kwarto. Hinanda ko ang aking sarili mukhang iskandalosa pa man din yung babae. Sa hitsura pa lang niya I know it already, mukhang feel na feel niyang kumakain dito. Halos hindi matanggal ang ngiti habang nagpapasubo sa kanyang katabi. Napangiwi ako sa nakikita habang papalapit doon. "Are you sure you wanna come here," ani ng katabi ko. Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa kaaktingin sa dalawang naglalampungan. "Eeeewww...that's gross...disgusting," bulong ko na narinig pala ng hudyo. Tumawa ito at aliw na aliw na nakatingin sa akin. "Stop laughing w

