Mabilis akong nakasakay sa jeep at nakapunta sa mion. Pagkapasok ko ay inasahan kong makikita si diometry sa pwesto nito pero wala siya roon. Bumagsak ang mga balikat ko at napabuntong hininga. Absent siya ngayon.
Isang linggo din ang nakalipas hindi pa rin siya pumapasok.
Nagtungo na lamang ako sa dressing room ng mga trabahador. I saw a new uniform there. Agad ko iyong sinuot. Kahit na magtanong ako ay alam kong para sa 'kin iyon. Dahil wala na roon sa hanger ang uniform ko kahapon. Baka tinotoo niya nga ang sinabi niya. Sayang 'yon.
Si linda ang pumalit sa pwesto ni diometry sa gabing ito. Inayos ko na lang ang trabaho ko sa gabing iyon at umuwi ng mag-isa. Mabuti na lamang at may mga sasakyang dumadaan sa gabing iyon kahit late na.
Tatlong araw ang lumipas na ganoon palagi ang nangyayari. Matatapos sa klase, magtratrabaho at uuwi ng mag-isa. I texted diometry a lot. I feel so sorry. Hindi ako mapakali.
Sabado ngayong araw at full shift ko. Wala pa ring diometry akong nakikita. Madaming costumer ngayong araw ang mion kaya sobrang nabusy ako. Order dito, order doon ang palaging gawa ko. Palibot libot ako dahil sa sunod sunod na order. Lima kaming tagaserve pero hindi kaya dahil sa dami ng costumer.
Napagpapawisan ako kahit na may aircon. Mahirap pala talaga kapag kulang kayong mga waitress. Lalo na at wala si diometry.
Madaming bagong costumer ang nagsisipasok. Lumapit sa akin si sherry.
"Sab, ikaw na muna do'n sa huling table malapit sa bookshelf." She please. Pagod na rin siya kagaya ko pero sumang-ayon ako.
Papalapit ako sa table ay papalakas ang t***k ng puso ko. Nakahalukipkip siya at tulala sa laptop niya. Nang nakalapit ako sa kaniya ay parang gusto kong umatras nang sinilip niya ako ng tingin. Napalunok ako.
Hindi ata alam ni sherry na ito ang boss namin dahil kahapon pa lang siya nagsimula.
Tinanong ko ang order niya sa pormal na paraan. "Just give me dark coffee." Tutok pa rin sa laptop niya.
Mabilis kong kinuha ang order niya kay linda at isenerve sa kaniya. He immediatly drink his coffee. I'm still standing in front of him. I saw him arched his brows while his eyes is on his laptop.
Ilang segundo ay umalis na ako roon at bumalik sa trabaho. Hanggang maghapon ay naroon pa rin siya. Palagi ko siyang tinatapunan ng tingin. Nananatili ang atensyon niya sa laptop niya ng walang lingon lingon sa paligid.
Ano kayang ginagawa niya? Business? Working student siya. Dito pala ang favorite spot niya. Umirap ako.
"Ang gwapo talaga ng boss natin 'no?" Makahulugang parinig ni linda. Nilingon ko siya.
She caught me staring on atom! "Pangit naman ugali." Irap ko.
"Choss, 'wag mo na kasing itago. Crush mo si sir 'no?"
Pinamulahan ako ng pisnge. Hindi ako makasagot. Hindi ko siya gusto. Hinding hindi.
"Tingnan mo sina avon at ang iba, oh. Halos mangisay na katititig kay sir." Tawa niya. Nilingon ko ang tinuturo niya.
Tama siya. Puno ng kantsawan sina avon sa kabilang side habang nakatingin kay atom. Nilingon ko si atom. Tss. Pwede bang dun siya sa office niya maglaptop nakakaistorbo siya sa mga waitress.
Mas lalong natawa si linda nang sinilip niya ang mukha kong busangot. "What's that face, sab? 'Wag mong sabihing.." napahawak na siya sa bibig niya.
Napapikit ako. "H-hindi 'no!" Tanggi ko. To save my ass. No way na magugustuhan ko ang lalaking 'yan!
May atraso pa siya sa 'kin!
Kantsaw si linda ng ksantyaw sa 'kin pero panay akong tanggi. Hanggang sa matapos na ang shift namin. Alas sais na ng gabi at out na namin ngayon. Nagliligpit ako ng gamit ng naisipan kong tanungin si linda kung bakit wala si diometry. Si secretary cha sana kaso wala siya ngayon dahil busy daw.
"Hindi ko rin alam sab. Eh, nagtataka nga rin ako kung bakit wala si diometry nitong mga nakaraang araw." Nakamot niya ang ulo. Nakabihis na rin siya ng pan-alis. "Si secretary lang ang tanging may alam kung bakit wala si diometry kaya mabuti kung sa kaniya ka magtanong. Kaso... sayang wala siya ngayon."
Nawalan na nga ako ng pag-asa. Hihintayin ko na lang siya bumalik, siguro. Hindi ko siya makontak at hindi siya nagrereply sa mga text ko. Malala ang naging kasalanan ko sa kaniya lalo na iyong huling sinabi ni atom sa kaniya.
He's so rude. Hindi na sana umabot sa ganun kung pinabayaan niya na lang kami.
Sabay kaming lumabas ni linda. Wala na siya sa table niya siguro umuwi na pero nagkakamali ako ng tinapik ni linda ang balikat ko at itunuro ang pwesto ni adam sa garahe.
Like the other day he's leaning on his car while his hands is on his pocket. Nakatanggal ang dalawang bottom sa dibdib niya kaya nakaawang iyon. His massive chest is showing.
Iniwan ako ni linda at nagsarili ang paa kong lumapit kay atom. I swallowed a couple of times.
Pumungay ang mga mata niya habang pinapanood ako na lumalapit sa kaniya. He shift his weight as he stood up. I saw how he bit his lower lip and his eyes glistened.
Parang gusto kong pagalitan ang sarili kung bakit ko nagawang lumapit sa kaniya gayong nagagalit ako sa ginawa niya noong nakaraan. Tapos ngayon parang hindi na ako ang may ari ng katawan ko at parang siya na.
Paano niya ako napapakalma sa kaunting galaw niya lang?
Binuksan niya ang front seat at automatiko akong pumasok doon at umupo. I watch him as he walked to turn around to enter the other side. Mabilis niyang naibuhay ang sasakyan at pinaandar ang sasakyan hanggang sa nakalabas na kami ng parking lot at nasa highway na.
Tahimik ako buong byahe at ganoon din siya. Ni hindi ko maigalaw ang bibig sa sobrang tahimik. Alam kong galit siya sa akin at ganoon din ako sa kaniya kaya bakit niya ako pinasakay? Hindi ko din alam kung bakit ako lumapit sa kaniya.
May sira na ata ang sarili ko.
Suminghap ako ng ikinalingon niya pero nang nilingon ko siya ay siyang pag-iwas niya rin ng tingin. Kalmado pa rin siyang nagmamaneho hindi kagaya ko na malakas ang t***k ng puso at nangangatal na kung magsasalita ba o hindi.
Sobra nang akward paano pa kaya kung magsalita ako at deadmahin niya lang ako? Aba mas lalo na!
Hinigpitan ko ang pagyakap ng bag ko at nilingon ang labas sa bintana. Nararamdaman ko nanaman ang lamig sa kotseng ito kasama siya.
Parang may mali sa nararamdaman ko kapag nasa tabi ko siya, parang may iba sa dibdib ko kapag nakikita ko siya at kapag naririnig ko ang boses niya. Ibang iba sa pagkauhaw ko sa kaibigan.
Hindi kaya?
Umiling iling ako sa mga naiisip. Mali ang mga iniisip ko! Kailangan kong tigilan ang kahibangan ko.
Para malibang at hindi maisip ang bagay na iyon ay chineck ko muna ang selpon ko kung nagreply na ba si diometry sa halos kaydami ng text ko. Nanlumo ako nang nakitang wala pa rin siyang reply ni isa man lang.
Nilingon ko si atom na seryuso sa pagmamaneho. Malapit na kami pauwi. It's my chance to ask him about diometry. Baka tinotoo niyang tanggalin sa trabaho si diometry na ang ginawa ay ipagtanggol lang ako.
Bakit ba ganoon na lang ang galit niya dito? Ano bang ginawa sa kanya ni diometry na ikinagalit niya?
Natatakot akong magsalita about sa topic na iyon baka mas lalong lumagablab ang galit niya.
Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan?
Nilingon ko siya nang buo na ang desisyon kong tanungin siya tungkol doon. He's so calm while driving that i can't disturb him.
I swallowed.
I am about to ask him but his phone ring that made me zipped my mouth again. Napaubo na lamang ako at tumindig ng upo.
Nilingon niya ako bago ang selpon niyang patuloy sa pagtunog. Hindi ko nilingon ang selpon niya kaya hindi ko nakita kung sino ang tumatawag, hindi ko din naman ugali ang mangialam ng iba.
Mabilis niya iyong sinagot.
Hindi ko alam ang pinaguusapan nila ng katawagan niya dahil naka low volume lang at puro lang siya oo kaya hindi ko maintindihan.
Pero kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya.
"Just wait for me there."
Sino kaya ang katawagan niya? Mayroon ba siyang nobya? Kasintahan? Or girlfriend just like that?
Parang nanghina ako.
Sino kaya iyon?
Kinurot ko ang palad para matigil ang katatanong ko sa isip na kailanman ay hindi ko masasagot.
Nakarating kami sa bahay ay tahimik pa rin. Ako na lang ang bumasag sa katahimikan. Nasa labas lang kami ng gate. Hindi ba siya dito magpapalipas ng gabi kagaya ng ginagawa niya dati?
Bakit ko ba natatanong? Stop self!
"Salamat sa paghatid.."
Marahan niya akong nilingon sandali bago siya bumalik ng tingin sa manibela. May iba sa tingin niyang iyon. Para bang malungkot?
Bumaba ako ng kotse niya.
Nakatikom lang ang bibig niya habang nasa manibela ang buong atensyon habang mahigpit ang pagkakahawak niya dito. Hihintayin ko sana siyang unang umalis kaso parang wala siyang balak kaya tumalikod na ako.
Parang ayaw kong pumasok sa loob at parang gusto kong bumalik sa sasakyan at kausapin siya. Parang gusto ko siyang icomfort sa ano mang nararamdman niya. Parang may nakakaiba kasi sa titig niya sa akin. May pinagdadaan kaya siya? O namilik mata lang ako?
Namilik mata lang ako dahil galit siya sa akin.
I was a about to take a step when i suddenly heard his voice. Bago niya binuhay ang sasakyan at umalis.
"Take care."
His voice is cold when he uttered that.
Parang napako ako sa kinatatayuan. Humampas ang malamig na hangin sa akin dahilan kung bakit nilipad ang mahaba kong buhok. Ilang minuto kong pinaulit ulit sa utak ko ang sinabi niya. Napakasarap pakinggan kahit na malamig ang boses niya.
Bakit ko ba naiisip iyon? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko na dapat hindi ko maramdaman?
Ilang minuto kong dinarama ang ilang hampas pa ng malamig na hangin.
Ano kaya ang kasunod nito? Ano kaya ang susunod na kakaharapin ko? Sana ay hindi na kagaya ng mga nakaraan.
Sana ay hindi na mahirap kaharapin...
Paglabas ko ng bahay ay ang pagsakay ni adam sa kotse niya. He is on his poker face as always.
"Hi!" Bungad sa 'kin ni richel pagkapasok ko pa lang sa loob ng classroom. Dumiretso ako sa upuan ko at sumunod siya. Umupo siya sa tabi ng upuan ko. "Good morning."
"Yeah, morning.." bati ko pabalik.
"Dito ako uupo sa tabi mo from now on!"
"H-hindi ba magagalit si cloe sa 'yo niyan?" Nag-aalala kong tanong.
"Ah, si cloe? No! Hindi 'yan! Why would she! She's not going to do that to me or going to slapped me. We already talked about this."
"Ah.." tanging nasabi ko.
Lahat ng mga kaklase ko ay nakapasok na at si cloe ay nasa likuran namin nakaupo. Nakatingin sa akin. May kakaiba sa tingin niya pero agad siyang nag-iwas ng tingin. I felt guilty. Sana hindi na ginawa iyon ni richel dahil may upuan naman na siya. Hindi niya na sana pinag abalahan pang tumabi sa akin. Napabuntong hininga ako.
Pumasok ang professor at agarang nagsimula ng klase. Kaya kailangan kong makinig ng maayos para sa first quarter exam ay may maisasagot ako.
Julyo na ngayon at sa augusto ang exam namin.
Pangatlong subject na ito at panay pa rin pakiusap sa akin si richel kaya nadidistract ako sa pakikinig sa proffesor namin. Gusto ko sana siyang patahimikin ngunit baka magalit siya sa akin kaya pinabayaan ko na lang. Panay na lang ako tango sa bawat kwento niya. Pero baka kasi mahuli kaming nag-uusap at masita. Natatakot akong mangyare ulit ang ganoon.
Bumaling ako sa kaniya. Ngumiti siya. Magsasalita na sana ako ngunit napatalon ako sa kinauupuan ng marinig ang panggalan kong banggit ng proffesor. Agad akong umayos sa pag-upo at ibinaling ang sarili sa harapan. Ramdam ko ang paninitig ng lahat sa akin. Ilang beses akong napalunok.
"Y-yes sir?" Nakaramdam ako ng kaba.
Inayos niya ang eyeglass niya at seryusong tumitig sa akin. "May sarili ka bang itinuturong leksyon kay miss plandoza?"
"W-wala p-po..."
Tumango tango siya. "Kung ganoon ay nakikipag-usap ka na sa katabi mo sa pagleleksyon natin? Minding telling as what you're talking about to miss plandoza?" Panunuya ng proffesor. Ilang beses nanaman akong napapalunok.
Ito na nga ang sinsasabi ko. "W-wala po talaga sir.." naiiyak kong sagot. I'm dead.
"Tama ba ang narinig ko? Wala? So why you're mouth is moving?"
Umiling ako at napayuko. Si richel iyong nakikipag-usap sa akin, hindi ako! Nilingon ko siya. She remained silent. Didn't minding to help me and saved my ass from our proffesor. Pero sino ba ang aamin kung papagalitan?
"Get out of this room! You're expelled of my subject for one week!" He shouted. Nabingi ako sa sigaw na iyon. Nagsimula nang magbulong bulongan ang buong klase. I remained on my sit. "I said get of this room!" Tuluyan na nga akong tumayo.
"I-i'm sorry sir!" At tumakbo ako palabas ng room na 'yon. Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Mauulit at mauulit lang ang dati.
Takbo lang ako ng takbo hanggang makarating ako sa rooftop. Doon ako nagpalipas ng hinanakit. I can't believe it's happening again! Akala ko ay magbabago na ang buhay ko ngunit hindi pala.
Natapos ang pang-umagang klase at sa mga oras na iyon ay nagpalipas lang ako sa rooftop. Doon na rin ako kumain ng reccess, may baon naman ako. Wala akong balak makipagkita sa mga tao. Isang oras bago ko naisipang bumalik ng classroom. Nakakahiya man pero kailangan kong bumalik para sa klase. Baka okay na rin naman. Pero nagkakamali ako ng bigla akong tinapunan ng juice ng kung sino sa uniform ko. Halos sakupin lahat ng basa ang harapan ng uniform ko. Nanlaki ang mga mata kong tinitigan iyon.
"Oh, i'm sorry. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo, bitch." Maarteng aniya ni cloe. Nagtawanan ang buong kaklase at pinagtulungan akong kutsain.
Naiiyak ko siyang tiningnan. I saw a pain and disgust on her face.
"I-its.. okay..." i tried to say.
Nagtatawanan pa rin ang buong klase. "Bagay din naman sa 'yo 'yan eh! Dahil inagaw mo si richel sa akin!"
"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong sabi.
Umirap siya at itinapon pa ang kaunting laman noong juice sa ulo ko. Napapikit ako sa lamig na dala noon. Hinanap ko si richel sa loob ng classroom ngunit wala siya dito. A-anong i-isakandalo ito? At bakit ako?
"Bobo! 'Wag kang mag-maang maangan! You're pretending that you're kind but you're not! Coz you are trying to get richel away from me!" Napapikit ako sa sigaw na iyon.
"N-nasaan si richel? Kakausapin ko siya.." nanginginig ang labi ko. "H-hindi totoo ang mga sinasabi m-mo.." ramdam ko ang pag-init ng mata ko. No, not here!
Mas lalo siyang nagalit at sinambunutan ako. Napasigaw ako sa sakit. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa buhok ko pero hindi iyon maalis sa higpit ng paghawak niya. Nagmamakaawa ako sa kaniya at tuluyan na nga akong naiyak.
"Ano? Magsusumbong ka kay richel ngayon?!" Nanlilisik ang mga mata niya. Wala man lang nag-atubiling tumulong sa amin. Ang iabng studyante ay nakinood na rin. "No, i won't allow you!"
It this a dream?
"H-hindi.. m-mali ang pagkakaunawa mo sa akin—"
"Hanggang ngayon nagbabait-baitan ka pa rin?! Ano?! Ipapakita mo sa lahat na ako ang kontrabida dito ngayon ganoon?!" Naiirita niyang paratang. Halos mabingi ako nang sampalin niya ako. Tumilapon ang glasses ko.
Nalasahan ko ang dugo na nakawala sa labi ko. Hindi ko pa rin mapaniwalaan na nangyayari ito.
"Richel got expelled because of you!!!" She shouted so loud. Mas lalo niya akong sinambunutan at itinapon sa pader. Malakas na nauntog ang ulo ko. Ramdam ko agad ang pagkahilo.
Napaupo ako at napaubo. Nakita ko ang lahat ng mga matang nakatingin sa akin. Ang iba ay nagagalit at ang iba ay natatawa na nakatingin sa akin. Dinama ko ang sakit ng impact ng pagkauntog ko at pagkahila ng buhok ko. Nakita ko ang ibang buhok ko sa sahig. I wan't to cry so loud.
Biglang nagsialisan ang mga studyante at ako na lang ang naiwan. May proffesor na masamang nakatingin sa akin. Iyon iyong proffesor kanina. Nakita ko sa gilid niya si cloe na umiiyak. May galos kanang braso niya at may dugo.
Nanlaki ang mga mata ko.
Pilit ni cloe na ipinagtatanggol ang sarili sa guro ngunit hindi ko na marinig ang iba niyang pinagsasabi na walang katotohanan.
I swear i didn't do that to her! I can't even fight her back because she hurt me so bad! And i can't even move!
The world is so cruel.. so f*****g unfair...
Tumayo ako at kinuha ang bag at glasses kong tumilapon kahit nahihilo pa ako. I want to get out of this place. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng walang tao kundi ako lang. Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero wala na akong pakealam.
The proffesor shouted for my name but i didn't care to anymore to look back. Ang gusto ko ay makalayo sa mga tao. Pilit kong pinagpupunas ang mga luha ko pero hindi natatanggal dahil sa patuloy na pagbuhos.
Paulit ulit na lang. Nakakasawa na ang ganito. Durog na durog na ako. Hindi ko na kaya. Palagi na lang ako itinataboy. Pagod na akong umiyak ng paulit ulit dahil lang sa masasakit na salita. Ganito lang ako eh, marupok.. madaling masaktan, madaling umiyak. Masisisi ko ba ang sarili ko? Hindi eh! Hindi kasi nila naiintindihan ng nararamdaman ko. Tao lang rin ako.. nasasaktan.. hindi naman ako bato at lalo't hindi ako perpekto..
Madali lang akong masaktan.. kahit sa maliliit na bagay.. ganoon akong tao eh..
Patuloy ako sa pagtakbo. Alam kong nakakalayo na ako sa classroom ko dahil sa bilis ng pagtakbo ko. Gusto kong mapag-isa.
Parang gusto ko nang isigaw ang lahat ng hinanakit ko.
Nabundol ako sa matigas na bagay dahilan upang tumilapon ang glasses ko. Napapikit ako. Ramdam ko ang pagtahimik ng paligid. Napahawak ako sa noo ko. Pagdilat ko ng mga mata ay agad kong nakita ang puting uniporme.
A-ano ito?
Tumingala ako at napatalon ng kaunti sa nakita. Napalunok ako at naestatwa. Magkadugtong ang kaniyang dalawang kilay habang nagtatakang nakatingin sa 'kin.
Susunod…