bc

QUEEN OF THE WAVES

book_age18+
342
FOLLOW
1.0K
READ
family
goodgirl
inspirational
sporty
student
queen
bxg
campus
first love
friendship
like
intro-logo
Blurb

"Handa akong maging kanang kamay mo, huwag mo lang maramdaman na may kulang sa 'yo."

Si Andi Guevarra ay isang surfer na may likas na talento na nakuha sa mga alon. Sa napakabata pa lamang na edad, pakikilahok sa iba't ibang mga surfing at national competitions na ang hilig niya sa tuwing sumasapit ang tag-init kasama ang kaniyang matalik na kaibigang si Shanstar.

Hanggang sa isang hindi inaasahang pangyayari ang sumubok sa kaniyang katatagan na siyang nakaapekto sa pag-abot niya ng kaniyang mga pangarap. Kaya naman, lahat ng mga bagay na nagpapaalala tungkol sa kaniyang nakaraan ay ibinaon niya lahat sa limot. Dumating pa sa puntong halos kitilin na niya ang sariling buhay mawala lamang ang sakit na nararamdaman.

Malalagpasan ka niya ang lahat ng pagsubok na iyon o hahayaan na lamang niyang iagos ng alon sa dagat ang kaniyang mga pangarap palayo sa kaniya?

One girl. One dream. One story that will surely rub the deppest part of your heart. But this is not just about love and dreams. It is also about having a great family. . . a family where life begins and love never ends.

chap-preview
Free preview
WAVE ONE
HAWAII is known as the birthplace of surfing, it makes perfect sense that Hawaii is also home to some of the best places to catch waves in the world. Kaya naman naisip ni Andi at ng buo niyang pamilya na magbakasyon doon ngayong summer season. Nakapag-asawa kasi ang kapatid ng kaniyang ina ng tagaroon kaya kahit kailan nila gustuhin na magbakasyon doon ay pwede. Pamilya kasi sila ng mga surfer kaya naman nakaugalian na nila iyong gawin sa tuwing sasapit ang Marso at Mayo. Pero sa gitna ng matinding sikat ng araw ay naisipan niyang mag-surf kasama ang mga kapatid na nasa pampang ngayon kausap ang mga kaibigang mga kapwa surfer din. Babago lang kasi magkita-kita ang mga ito kaya naisipang magkwentuhan muna. Nasa malalim na bahagi siya ng karagatan nang maisipan niyang huminto muna upang damhin ang init ng araw na naghahatid sa kaniya ng magandang pakiramdam. Habang naghihintay siya ng malaking alon ay naisipan niya munang dumapa sa kaniyang board, pakanta-kanta pa siya nang marinig niya ang life guard na nagsasalita gamit ang isang mega phone. Habang nagsasalita ito ay naaninag niyang may tinatanaw ito sa malayo gamit ang isang teleskopyo. Kunot noong tinignan niya ang life guard at napailing na lang dahil hindi niya masyadong maintindihan ang sinasabi nito dahil na rin sa lakas ng ihip ng hangin. Masyado na 'ata siyang napalayo kaya naman kinampay niya ang kaniyang mga kamay upang lumapit kaunti para malinaw niyang maintindihan ang nais nitong iparating. Nagtatlong guhit ang noo niya nang mapansing parang natataranta ang mga tao sa pampang. Nagsipag-ahunan na maging ang mga kapatid niya at mga kaibigan nito sa tubig. Lahat ito'y kumukumpas na umahon at bilisan ang kanilang mga galaw. "Ano'ng nangyayari?" tanong niya sa sarili. Tumingin siya sa mga kapwa surfer na nasa tubig din, nagmamadali at halata ang takot sa galaw ng mga ito. Napansin din niya mula sa mga taong nasa pampang ang pagkakadikit ng mga palad ng mga ito na animoy mga nagdadasal habang nilalagay sa ibabaw ng kanilang mga ulo. Kasabay n'on ay ang pagturo nila sa kaniyang likuran. Ayaw niyang isipin na baka tama ang pumapasok sa isip niya pero imposible dahil alam ng lahat na walang killer shark sa lugar kaya nga ito dinadayo ng marami. "Shaaaark!!!!!" sigaw ng lalaki na humahangos sa pagsagwan gamit ang kamay nito na nasa bandang likuran niya. Tulad niya ay takot na takot din ito. Hanggang sa ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang mapansin niya ang isang matulis na bagay na nakaangat sa tubig mula sa likuran ng lalaki na alam niyang galing sa isang mabangis na nilalang mula sa ilalim ng karagatan. Hanggang sa dumoble ang kaba niya nang tuluyan na ngang naglaho sa paningin niya ang kawawang lalaki dahil nakain na ito ng pating. Parang doon lang din siya nagising sa katotohanang nasa bingit na pala siya ng kamatayan. Kumampay lang siya nang kumampay, inubos niya lahat ng lakas makawala lang sa mabangis na nilalang na iyon. Sunod-sunod na rin ang pagtambol ng kaniyang dibdib. Alam niyang malayo pa sa kaniya ang pating pero nauubusan na siya ng lakas, nanghihina na ang buo niyang katawan dahil sa pinaghalo-halong emosyon. "Help!" Kasabay ng pagsigaw niyang iyon ay ang pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi pwedeng doon na lang matapos ang buhay at ang mga pangarap niya, marami pa siyang nais makamit sa buhay. Nakita niyang sumakay na ng speed boat ang mga kapatid at kaibigan nito para saklolohan siya ngunit hindi n'on nabawasan ang kabang bumabalot sa pagkatao niya lalo na at nasa paligid lang niya ang pating na anumang oras ay pwede siyang kainin ng buo. Hanggang sa hindi na niya inaasahan na sa isang iglap ay inataki na pala siya ng nasabing nilalang sa kaniyang kanang braso bago pa siya mailigtas ng kaniyang mga kapatid. Na ang pinagsamang asul at berdeng kulay ng tubig ay napalitan na ng kulay pula. PAWIS na pawis ang buong katawan ni Andi pagmulat niya ng kaniyang mga mata dahil sa bangungot na iyon. Napalunok siya at dali-daling kumuha ng bottled water mula sa mini refrigerator niya malapit sa kaniyang kama. Inubos niya ang laman niyon upang mahimasmasan saka huminga nang malalim. Matapos iyon ay mabilis niyang inispeksyon ang sarili lalo na ang kaniyang kanang braso. Nakahinga siya nang maluwag ng isa lamang iyong matinding panaginip. Wala siya sa dagat, buo ang kaniyang katawan at lalong walang pating na humahabol sa kaniya. Nang mapansin niya ang oras ay muli siyang bumalik sa pagkakahiga upang ipagpatuloy ang kaniyang naudlot na panaginip dahil masyado pang maaga para bumangon siya. Buong gabi kasi siyang nanuod ng Barbie in a mermaid kagabi. Kwento ng isang surfer na may lahing sirena. Bata pa lang siya nang makahiligan na niya ang paglalaro ng surfing kaya naman kung titignan mo ang kwarto niya ay napapalibutan ito ng kulay asul mula sa dingding at sahig dahil sa nakapintang malalaking alon. May mga koleksyon din siya ng mga surfboard sa kabilang bahagi ng kaniyang kwarto tulad ng town-in, fish, retro, short board, evolutiva, malivu, gun longboard and stand-up paddle. Sa kabilang bahagi naman ang mga tropeya niya na hugis surf board o hugis alon na napalalunan niya sa mga event na sinasalihan niya. At ang pinakamalaki sa lahat ng nakuha niya ay ang pinakagusto niya dahil iyon ang kauna-unahang trophy niya bilang kampyon sa kanilang baryo noong labing dalawang taong gulang pa lamang siya. Nakatira kasi sila sa Siargao kung saan isa ang lugar na iyon sa surfing spot ng Pilipinas. Laking dagat siya kaya naman halos lahat ng sports ng mga kabataan at matatanda roon ay surfing ang kinagisnan. May mga Barbie dolls surfer display collection din siya na nasa kabila naman niyang kabinet na niregalo rin sa kaniya noong mga nagdaang kaarawan niya simula pagkabata. TAMAD na inabot ni Andi ang alarm clock sa kaniyang bedside table nang hindi pa rin ito tumitigil sa pagtunog saka iyon pinatay. Umupo siya sa kaniyang higaan saka humikab, nag-unat at nagkusot ng mga mata. Bahagya siyang nakaramdam ng kirot sa kanang balikat niya, inikot-ikot niya iyon upang mapawi ang sakit. Marahil nadaganan niya iyon sa kaniyang pagtulog. "Anak, gising ka na ba? Bumangon ka na at kanina pa nag-aaya si Lilo maglaro!" Narinig niyang sigaw ng kaniyang butihing ina mula sa pinto ng kaniyang kwarto. "Opo!" balik na sigaw niya ngunit hindi pa rin siya kumikilos. Si Lilo ay ang pinsan niyang babae na anim na taong gulang na nagbabakasyon ngayon sa kanila sa Siargao. Anak ito ng kapatid ng kaniyang ina na nakatira ngayon sa Hawaii. Sa Hawaii kasi sila nagbakasyon noong nakaraang taon kaya ngayong taon ay ang pinsan naman niya ang nagbakasyon sa kanila. Inayos niya ang aniyang kama saka inasikaso ang sarili. Pagkatapos niyang mag-ayos ay naglagay na siya kaagad ng sunblock sa buong katawan niya. Pagbaba niya sa dinning area ay bitbit na niya ang kaniyang surfboard.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
101.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook