“ANG SWERTE mo talaga kay Phil, Besie!” sambit ni Shanstar nang makabalik na sila ng Maynila. Hindi na rin nagtagal sa dorm si Phil dahil nangako ito sa pamilya nito na sabay-sabay silang maghahapunan. Naging masaya naman ang long weekend niya kasama ang pamilya, kaibigan at isama pa ang lalaking kinagigiliwan niya ngayon. Isa sa naging bonding nila sa Baler ay ang surfing kung saan tinuruan niya si Phil ng basic trick. Sinabi rin nito na gusto siya nitong makitang lumaban. “Sana nga siya na talaga ang Prince Charming ko,” aniya matapos isilid ang mga damit niya sa kabinet. “Malalaman natin ‘yan after three months!” Sandaling nagbilang siya at tama nga ito. After three months ay magde-debut na siya. Iyon na ‘yong araw na sinasabi ng kaniyang ama na tamang edad para makipagrelasyon siya

