LUMIPAS ang third semester nila ay masayang bumyahe ang pamilya at mga kaibigan ni Andi papuntang Hawaii upang doon na simulan ang training nila ni Shanstar since tapos na sila sa unang taon nila sa kolehiyo. Pagkarating na pagkarating nga sa rest house ng tiyahin ay dali-dali lang nilang nilagay sa mga kwarto ang kanilang mga gamit saka sumugod agad sa dagat. Nagbiyahe rin naman kasi sila na nakapang-beach outfit na na pinatungan lang nila ng bistida kaya pagkakuha nila ng board nila ni Shanstar ay agad na silang lumusong sa tubig. Naisipan kasi nilang maglaro at magtampisaw muna para mamayang hapon nila simulan ang insayo. Kasama rin nila ang tatlong kolokoy na walang tigil na nagpapaturo sa kanila ni Shanstar na magsurf gamit ang long board. Long board kasi talaga ang ginagamit para

