WAVE SIX

2838 Words
“WAIT! Dito ka lang, huwag kang umalis!” nanginginig na kapit ni Andi kay Philmar nang mamatay ang mga ilaw. “Ay, ano ba ‘yan!” “Anong nangyari?” “Bakit bigla namatay ang mga ilaw?” Rinig niyang kumusyon sa paligid. “Relax! I’m not going anywhere,” sagot naman ng binata habang yakap at hinahagod ang likod niya kaya nanatili sila sa kinatatayuan nila. “Ah!” hiyaw niya nang bigla siyang maitulak ng kung sino mula sa likuran niya kaya naman nawalan sila pareho ng balanse ng binata. Napapikit siya. Ramdam niyang bumagsak siya sa ibabaw ng lalaki ngunit may kung anong malamig na bagay ang nadikitan ng mga labi niya. “Oh my gosh!” “Am I dreaming?” “Totoo ba itong nakikita ko?” “Si Phil may kahalikang babae?” Muli niyang dinig na kumosyon kaya kumunot ang noo niya dahil alam niyang siya ang kasama ni Philmar kaya naman unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata. At sa pagbukas niya ng kaniyang mga mata ay maliwanag na ang buong paligid. Maliwanag na kita niya kung paano rumihistro ang gulat sa mga mata ng binata. Agad din siyang bumangon nang mapagtanto niyang magkahinang nga talaga ang kanilang mga labi. Tumayong nakahawak siya sa kaniyang labi saka tumalikod dito. “S-sorry, hindi ko sinasadya.” At dali-dali siyang tumakbo palabas ng bulwagan. Hiyang-hiya sa nangyari. “Andi, wait!” pigil ng binata nang mahawakan nito ang kaliwang braso niya nang mahabol siya nito sa labas ng bulwagan. Humarap siya rito at mabilis na itinaas ang kanang kamay na tila nanunumpa sa watawat ng Pilipinas. “I swear! M-may tumulak talaga sa akin kanina k-kaya natum—” Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang iharang ng binata ang hintuturo nito sa kaniyang mga labi. “You don’t have to explain,” anito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. Pakiramdam tuloy niya ng mga oras na iyon ay magkakaroon na siya ng sakit sa puso dahil hindi na talaga niya makontrol ang paghuhurumintado ng kaniyang puso. Hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha nito sa kaniya. “ARAY!” Gulat na napatingin sa likuran niya si Shanstar nang hindi niya sinasadiyang matapakan ng takong ng stelitto niya ang paa ng lalaking namimilipit na ngayon sa sakit sa paa. Matapos kasi ang eksena ng kaibigan niya kay Phil ay bigla na lang nagsitakbuhan ang mga estudyante para habulin ang dalawang nag-walk out at hindi sinasadiyang naitulak siya ng mga ito. “Naku! H-hindi ko sinasadya!” hinging paumanhin niya sa lalaking hindi pa niya nakikita ang mukha dahil nasa paa nito ang buong atensyon nito. “A-ayos ka lang ba?” segunda pa niya ng wala siyang makuhang sagot mula sa binata. Kasabay ng pag-angat ng mukha nito ang pagtanggal nito ng maskara. “Bakit ba kasi ang hilig ninyong magsuot mga babae ng matutulis na sapatos, huh?!” Nanlaki ang mga mata niya ng mapagsino niya ang lalaki. Si Emer. Ang lalaking hinahangaan niya. Hindi niya akalain na makakaharap at makakausap niya ito. He snapped his fingers in front of her face. “Hey, miss! Alam kong gwapo ako pero uso din ang humingi ng tawad!” Namaywang si Shanstar. Hindi makapaniwalang sinisigawan at tila pinapahiya siya nito. At higit sa lahat, magaspang pala ang ugali ng lalaking hinahangaan niya. “Bingi ka ba! Sinabi ko na na hindi ko sinasadiya, hindi ba? At saka, anong gusto mong gawin ko, huh, mag-gown ng nakatsinelas?!” “Miss, bobo ka ba?! Lilinawin ko lang, huh? Malaki ang pinagkaiba ng salitang sorry sa salitang hindi mo sinasadiya!” Dinuro niya ito. “Hoy, lalaking feeling pogi! Hindi ikaw ang nagpapalamon sa akin para sigawan at sabihan mong bobo! Baka gusto mong makatikim ng mag-asawang suntok?” Sabay pakita ng kamao niya. “Aba’t! Ikaw na nga itong magpapapansin sa akin, ikaw pa itong may ganang manakit?” “Excuse me! Hindi ako nagpapapansin sa ‘yo, ‘no! At saka, ang taas naman ng kumpiyansa mo sa sarili mo na gwapo ka?” Bahagya itong lumapit sa kaniya. “Hindi mababaliw sa akin ang mga babae kung pangit ako.” “Lahat ng tao sa mundo, may itsura! Magkakaiba lang maliban sa ‘yo na exotic!” “Wooh!” “Sakit niyon!” Reaksyon ng mga kalalakihang nasa paligid nila na nakasaksi. “Aba’t—” Hindi na nagawang magsalita pa ni Emer ng pangunahan na siya ni Shanstar. “Sige, sabihin na nating gwapo ka. Kaya lang, aanhin mo namang ang kagwapuhan mo kung ang pangit naman ng pag-uugali mo!” aniya saka tumakbo paalis doon. Humihingal na narating niya ang parking lot saka humilig sa isa sa mga sasakyang nakaparada roon nang bigla na lang tumunog ang sasakyan. Natakpan niya ang magkabilang taenga nang mabingi siya sa alarm nito kaya lumayo siya roon nang mamukhaan niya ang sasakyan. Nang maalala niya ang kotse ng kaskasero noong first day of school nila ay agad niyang tinignan ang plate number niyon. “Ikaw na naman?” Iyon nga ang sasakyan. Humalukipkip siya. “Arte mo naman! Parang sumandal lang sandali, eh!” Sa inis niya ay sinipa niya ang gulong sa harapan sa may bandang kaliwa dahilan para tumunog ulit ito ng mas malakas. Sa takot na may makakita sa kaniya ay dali-dali na siyang lumayo roon at hinanap ang kaibigan. NAPAPIKIT si Andi nang himas-himasin ni Phil ang kaliwnag pisngi niya. Nagbibigay sa kaniya ng masarap na pakiramdam ang init ng palad nito. Hanggang sa naramdaman na lang niya na ipinatong nito ang suot nitong coat sa balikat niya. “Baka magkasakit ka,” anito kaya napamulat na siya ng kaniyang mga mata. Bahagya siyang napaubo dahil iba ang nangyari sa inaasahan niya. “May pantawag ka ba? Naiwan ko kasi ang phone ko sa kotse ni Emer. Tatawag lang ako ng magsusundo sa atin,” sabi nito kapagkuwan. Agad naman niyang kinuha sa loob ng dala niyang pouch ang kaniyang cellphone saka inabot dito. Habang may kausap ito sa kabilang linya ay hindi niya magawang alisin ang mga mata niya rito. Maging ang pagkurap ay hindi rin niya magawa dahil ayaw niyang magising kung panaginip man ang lahat ng pangyayari sa gabing iyon. Hindi lang siya makapaniwala na nasa harapan at kasama niya ang lalaking hinahangaan. At higit sa lahat ay ang lalaking nakakuha ng first kiss niya. “Here, thanks!” pasasalamat nito. “s**t! Let’s go!” hatak sa kaniya ni Phil nang animoy may stampede dahil sa mga estudyanteng humahangos papunta sa gawi nilang dalawa. “Hayon sila!” “Huwag ninyong hayaan na hindi natin makita ang mukha ng babaeng umagaw ng halik ni Phil!” Dinig niyang sabi ng mga humahabol sa kanila. “S-saan tayo pupunta?” tanong niya sa binata. “Sa kotse ko!” Napatingin siya rito sa sinabi nitong iyon. “K-kotse mo? A-akala ko ba magpapasundo ka?” “H-huh? A-ang ibig kong sabihin sa kotse ni Emer! Naalala kong nasa akin pala ang susi ng kotse niya,” anito nang hindi man lang lumilingon sa kaniya. “W-wait! H-hindi ko na kaya! M-masakit na ang mga paa ko,” reklamo niya nang sa palagay niya ay pumutok na ang paltos sa likurang bahagi ng kaniyang kanang paa. Huminto naman ang binata saka mabilis na lumuhod sa harapan niya para tanggalin ang suot niyang heels saka nakaupo pa ring tumalikod sa harapan niya. “Sakay!” “H-huh?” takang sambit niya. “Sumakay ka na sa likod ko, bilis! Malapit na nila tayo maabutan!” Nang maalala niyang may humahabol nga pala sa kanila ay hindi na siya nagdalawang isip na sumakay sa likod nito matapos niyang damputin ang heels niya sa semento. “F-finally!” sambit ni Phil nang sa wakas ay nakalayo na sila sa mga humahabol sa kanila. Iniupo niya ang dalaga sa hood ng sasakyan nito. Oo. Sasakyan niya talaga iyon. Nagdahilan lang siya sa dalaga na makikitawag upang makuha niya ang numero nito since ing-block siya nito sa E-Face. “Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sa dalaga. “M-medyo masakit lang ang paa ko,” anito matapos tanggalin ang maskara nito. “Wait here,” aniya saka kumuha ng band-aid sa compartment niya nang maalala niyang marami siyang binili noong magkaroon siya ng mga gasgas matapos nilang maglaro ng basketball noong mga nakaraang mga araw. “Ayan, okay na,” aniya matapos niyang lagyan ng band-aid ang paltos nito. “T-thank you,” nahihiyang sambit naman nito. Lihim siyang napangiti. Kahit kasi gabi na ay kitang-kita niya kung paano mamula ang mukha nito, na sa tingin niya ay lalong nakakapagpadagdag sa kasimplehan ng ganda nito. “Heto muna ang isuot mo.” Saka niya ibinagsak sa harapan nito ang slide sandal na baon-baon niya palagi sa sasakyan niya. “Careful,” aniya nang tulungan niya itong makababa ng hood. “Lumalalim na ang gabi. Let’s go?” segunda pa niya na tinanguan lang nito. “S-SALAMAT sa paghatid,” ani Andi nang nasa tapat na sila ng dorm building nila. Tumango ang binata. “Wala ‘yon. So, see you tomorrow?” Kumunot ang noo niya. “Huh?” Sa pagkakaalam kasi niya araw ng Sabado bukas kaya wala silang pasok. Ngumisi lang naman ang lalaki saka sumakay na sa sasakyan nito at umalis. Nagtatakang pumanhik siya papunta sa dorm unit nila. Pero pagpasok niya sa kwarto niya ay nagtititili siya at nagpagulong-gulong sa kama niya. “Best night, ever!” hiyaw niya. Ngunit napabalikwas siya nang mapatingin siya sa kama ng kaibigan. Nakalimutan niyang kasama pala niya ito at naiwang mag-isa sa party kaya agad niyang tinawagan ang numero nito. Nakakailang ring pa lang ay narinig na niya ang pagbukas-sara ng pinto. “Besie!” “Besie?” Sabay pa na sambit nila. “Nakauwi ka na pala? Hinanap pa kita kung saan-saan,” anito nang tumabi na ito sa kama niya. “Pasensiya ka na, hinabol kasi kami kanina ng mga die-hard fans ni Phil. Sorry din kung hindi kita agad nasabihan na nakauwi na ako,” paliwanag niya. Hindi ito umimik kaya naman pumitik siya sa harapan nito para agawin ang atensyon nito. “Badtrip ka ba? Kanina pa magkasalubong mga kilay mo, eh!” aniya habang pilit na ipinapantay ang kilay nito. “Bessie naman, e! Mabura ang eyebrows ko!” maktol pa nito. “Ano ngayon kung matanggal? Huwag mo sabihin na matutulog kang hindi naghihilamos?” “Eh, hindi pa ako masyado nakapag-selfie kaya mamaya na ko magbubura ng make-up ko.” “Pero bakit magkasalubong ang mga kilay mo? May nangyari ba sa party kanina na hindi ko alam?” Ngumuso ito at humalukipkip. “Hindi lang basta badtrip. Inis na inis!” “Bakit naman? May nangyari ba habang wala ako kanina sa party?” At ikinuwento nito sa kaniya ang lahat ng pangyayari kanina. “Hindi ko akalain na ang pangit pala ng ugali niya! Kainis!” “Sorry na, Besie! Nang dahil sa akin nasira tuloy ang gabi mo.” Tumingin ito sa kaniya. “Ayos lang. At least ngayon nalaman ko kaagad ang ugali ng mayabang na lalaking ‘yon!” “Ano, change crush na ba?” biro pa niya. “Oo! Nakakainis siya! Akala mo naman sinadiya kong magpapansin sa kaniya. Neknek niya. Hmp!” wika nito habang sinusuntok-suntok ang unan niya. “Sige na sa kama mo na ibuhos lahat ‘yang inis mo. Magsha-shower na ako at nangangati na ako sa dress ko.” “Wait! Don’t tell me, kay Phil ang coat na ‘yan?” puna nito sa coat na tinanggal niya. “Oo, sa kaniya nga ‘to.” Sinundot nito ang tagiliran niya. “Yieh! Anong nangyari sa inyo kanina habang wala ako, huh? Share mo naman!” At ikinuwento rin niya rito ang mga ganap sa kanila ni Philmar kanina. “Ah! Ikaw na talaga, Besie! Ang swerte mo naman!” Napanguso siya. “Anong maswerte do’n? Eh, halos dumugin na ako ng mga babaeng baliw na baliw sa kaniya. Hindi ko nga alam kung makakapasok pa ako sa BSU.” “Bakit, nakita ba nila ang mukha mo?” Napaisip siya. Nakamaskara nga pala siya kanina kaya nakahinga siya maluwag. “Hay. . . Laking tulong din pala ng theme ng Acquaintance Party natin.” “Buti na lang talaga!” segunda naman ni Shanstar. “HAY. . . Ang sarap maligo!” aniya paglabas niya ng banyo. “Ako naman!” ani Shanstar saka dali-daling tinungo ang banyo. Naupo siya sa harap ng vanity mirror saka sinimulan ang pagbo-blow dry sa buhok niya nang bigla siyang makatanggap ng tawag. Napakurap-kurap siya nang makita niya ang pangalan ni Philmar sa caller ID. Wala siyang matandaan na kinuha niya ang contact number nito. Napatigil lang siya nang maalala niyang hiniram nga pala nito ang cellphone niya kanina at may kung ano-anong tinipa bago tuluyang ibalik ang cellphone niya. Akmang sasagutin na niya iyon ng maputol na ang linya. Nakagat niya ang kanang hinlalaki niya, nagdadalawang-isip kong tatawagan ba niya ito o padadalhan na lang ng mensahe. Nanlaki ang mga mata niya nang muli itong tumawag. Inalis muna niya ang bara sa lalamunan niya bago sinagot ang tawag. “H-hello?” “Hey, it’s me, Phil. Did I wake you up?” Umiling siya kahit hindi siya nito nakikita. “H-hindi! Kakatapos ko lang mag-shower.” Narinig niyang bumuntong-hininga ito. “Sorry if I saved my contact on your phone without your permission.” “It’s okay! K-kung hindi mo nga ing-save ang contact number mo baka inignora ko lang ang tawag mo. Hindi kasi ako basta-basta sumasagot ng mga tawag mula sa mga hindi ko kilala.” “Ganoon ba? Mabuti na lang pala. Oh, by the way, tungkol nga pala sa sinabi ko kanina, are you free tomorrow? Gusto sana kitang ayain lumabas kung hindi ka busy?” Naipasok niya ang mga labi sa loob ng kaniyang bibig upang ipitin ang tili niya sa sobrang kilig. Hindi niya kinakaya ang mga naririnig niya mula sa binata. “Andi? Are you still with me?” “Ah, yeah! I’m still here.” “So, are you coming with me tomorrow?” hirit pa nito. “S-sure!” “Really?!” hindi makapaniwalang sambit nito. “Hmm!” “Good! See you tomorrow then,” paalam nito. Napangiti siya. “Okay.” “Dream of me.” “Huh?” gulat na wika niya. “Good night! Sweet dreams!” sa halip ay sabi nito. “I-ikaw rin.” Saka naputol ang linya. Ngayob ay naunawaan na nito kung vakit nito sinabi kanina na magkita sila bukas dahil may balak pala itong ayain siya lumabas. Naitago niya ang kaniyang cellphone nang marinig niyang bumukas ang pinto ng banyo. “Hoy, Besie! Ano ‘yon, huh? Ang lalim na ng gabi may kausap ka pa?” usisa ni Shanstar habang nagpupunas pa ng basang buhok gamit ang kulay pink nitong tuwalya. “H-huh? Kausap? W-wala, ‘no!” Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Anong wala? Dinig na dinig ko na may kausap ka.” Umiling siya. “K-kumakanta lang ako. Oo, tama! Na-LSS kasi ako sa bagong kanta ni Moira Dela Torre na ‘Paubaya’.” Humalukipkip itong tumayo sa harapan niya. “Sino nga?!” Bumuntong hininga siya bilang pagsuko. “S-si ano. . . Si kuwan. . .” Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. “Sino sabi, eh?!” Napakamot siya sa kaniyang batok. “Si Phil!” mabilis na sabi niya habang nakapikit ang mga mata. Ilang segundo na ang lumipas pero wala siyang narinig sa kaibigan kaya isa-isa niyang binuksan ang kaniyang mga mata at nakita niyang nakataas lang ang isang kilay nito na nagsasabing hindi ito naniniwala sa kaniya kaya naman ipinakita niya rito ang contact log niya kung saan naroroon ay pangalan ni Philmar. “Tawagan mo ng malaman mo!” aniya na agad naman nitong ginawa. Ing-loud speaker pa nito ang phone. Isang ring pa lang ay agad na nila narinig ang boses ng binata ngunit agad din iyong pinatay ni Shanstar saka sumigaw ng malakas dahilan para takpan niya ang kaniyang mga tainga. “Ikaw na talaga, Besie! Sabihin mo, anong pinag-usapan ninyo, huh?” Ipinatong muna niya ang unan sa kaniyang mga hita saka ito sinagot. “I-inaya niya akong kumain sa labas bukas.” “Hala, ‘no!” Tumabi ito sa kaniya sa kama. “Hindi mo man lang ako in-inform na nasa getting to know each other stage na pala kayo? Ang bilis n‘yo, huh?” Namula siya sa sinabi nito. Maging siya ay hindi makapaniwala na magiging ganoon kabilis ang lahat. Binunggo nito ang siko niya gamit ang siko nito. “Basta pahirapan mo muna, huh?” Natawa na lang siya sa sinabi nito saka tumango. Pero hindi pa rin siya dapat makampante dahil mahirap ang umasa at masaktan sa huli.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD