“THIS can’t be. . .” hindi makapaniwalang sambit ni Philmar nang positive ang lumabas sa ultrasound na isinagawa kay Vivian. Tinignan niya ang dalaga at nakataas lang ang isang kilay nito na para bang sinasabi nito na hindi ito nagkamali. “Dok, pwede pa bang ulitin? B-baka kasi may mali lang,” hirit pa niya. “Mr. Delos Reyes, tatlumpung taon na ako sa aking serbisyo kaya hindi pwedeng magkamali ang findings ko sa aking pasyente.” “Pagpasensiyahan mo na ang ‘Asawa’ ko, dok. For sure hindi lang talaga siya makapaniwala na magkaka-baby na kami. First baby kasi namin,” singit ni Vivian nang hindi na siya nakaimik. “Get out!” mariing sambit niya rito. Wala na siyang pakialam kung anuman ang isipin sa kaniya ng doktor. Hindi kasi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. Wala naman na itong na

