Jahzara Pov..
Dahil sa masasakit na salita at pagbabanta nila Mr. and Mrs. Favis sa akin ay umalis na ako agad sa bahay nila at samantalang tumira sa condo ni John Lloyd habang inaayos lahat ng kailangan ko, para makapag work sa ibang bansa. Si Cathy lang ang pinagsabihan ko, nang mga sinabi nina Mr. and Mrs. Favis sa akin at ang plano ko magtrabaho sa ibang bansa at siya rin ang tumutulong sa akin. Hiniling ko rin kay Cathy na huwag na huwag niyang sasabihin kahit kanino, pati pamilya ko. Naunawaan naman ako ng bestie Cathy ko. Dahil alam niya na may mapapahamak na mahal ko sa buhay, pag nagkataon.
Nang maayos na lahat ng mga papeles na kailangan ko ay pinatago ko kay Cathy at pati mga gamit ko na dadalhin ko sa pagalis. Nagresign na ako sa trabaho ko.
Ng araw na alis ko ay si Cathy ang may dala lahat ng gamit ko at nauna na rin siya sa airport, at doon na lang kami magkita.
Lumabas ako sa condo na walang ano man dala kundi ang sling bag ko lang. naka short at sleveless lng ako. sumakay ako sa taxi at ng pahatid muna sa mall, at bumili ng pwede kong pamalit sa damit ko, at ng palit sa cr ng mall. At lumabas na ako, sumakay na naman ako ng taxi, ngayon sa airport na ako nagpahatid. Andoon na rin si Cathy.
"Bestie mag iingat ka sa pupuntahan mo at balitaan mo ako sa lahat na nagyayari sa iyo. Andito lang ako bestie. huwag na huwag mong sarilihin ang problema mo."
" Okey bestie salamat sa lahat. please lang bestie maki balita sa pamilya ko. at huwag mong sasabihin kong nasaan ako."
"Makakaasa ka bestie, basta lagi mo akong tatawagan at ichat."
"Maraming salamat bestie, sige na pasok na ako. "
"Have a safe trip bestie, ingatan mo sarili mo. Malalampasan mo rin ito. Just pray and ask his guidance, siya lang ang magiging karamay mo sa pupuntahan mo Jahzara."
" Tatandaan ko lahat ng sinabi mo bestie. and pray for me too. at sana may babalikan pa ako."
"Kung talagang para kayo sa isa't isa bestie, kahit anong pagsubok ay malalampasan ninyo."
"Tadhanan na ang bahala bestie, kung talagang mahal niya ako ay makapaghihintay siya. Gagawin ko ito para sa pamilya ko at sa kanya, hindi ko kaya na may mapahamak sino man sa kanila."
"Nauunawaan kita bestie. Kung sa akin nagyari yan ay ganyan din ang gagawin ko, mas gugustohin ko rin magsakriposyo kaysa may mapahamak isa sa mahal ko."
" Sige na bestie, pasok na ako baka maiwan pa ako ng eroplano."
At naghiwalay na kami ni Cathy. kaya hinayaan ko na malaglag ang mga hula ko na kanina ko pa pinipigilan.
Aalis ako dito sa pinas, pero maiiwan naman ang puso ko. Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa pupuntahan ko?
Nang pasakay na ako sa eroplano ay taimtim na akong umusal ng dasal. Gaya ng sabi ni Cathy wala akong ibang masasandalan kong hindi ang Panginoon.
Dahil mahaba ang byahe ko ay matulog muma ako.
" Jahzara puntahan mo daw sila Uncle at antie sa library" sa ng pinsan ni Carol.
Kaya pinuntahan ko sila na kinakabahan. Kumatok muna ako ng tatlong beses. bago binuksan ni Mrs. Favis. At pinapasok niya ako.
"Maupo ka Jahzara may importante tayong pag-uusapan" sabi ni Mrs. Favis.
Umupo naman ako sa harap nilang mag -asawa na kinakabahan .
" Ano po ang pag uusapan natin sir, ma'am" tanong ko sa kanila.
"Ano ang mayroon kayo ni John Lloyd?" tanong ni Mr. Favis
"Magkasintahan at nagmamahalan po kami, sir"
Tumayo si Mrs. Favis at sinampal ako ng magkabilaan. "Ayan para magising ka ambisyosa, ilusyonada. Tignan mo nga ang sarili mo. Ikaw mamahalin ni John Lloyd. ang sabihin mo inakit mo siya at ginamit ang sarili mo. Lalaki si John Lloyd na may pangangailangan kaya ka niya pinatulan."
" Wala kang utang na loob pinag-aral ka namin ganito pa ang igaganti mo, alam mo naman na boyfreind siya ni Carol. hindi ka na lang nakahanap ng iba?" sabi naman ni Mr. Favis.
"Sir pasensiya na po, Hindi naman pwedeng turuan ang puso kung kanino titibok at tungkol naman sa sinabi ninyo ng pagpapa aral sa akin ay maraming salamat po, pero pinagtrabahuhan ko po iyon ibinibigay ninyo, "
" Ha ganun ba? Sinasagot mo na kami wala kang respeto. Kilala mo naman siguro kami kung gaano kami kaimplowensya at kung ano ang kaya namin gawin. At ito ang masasabi ko sa iyo gagawin namin lahat para sa ikakaligaya ng anak namin. At alam mo na si John Lloyd ang magpapasaya sa kanya." sabi ni Mr. Favis.
"Ano po ibig ung sabihin?" tanong ko sa kanila
" Mamili ka makipagbreak ka kay John Lloyd at maging safe ang pamilya mo, o ipagpatuloy mo ang relasyon ninyo at isa isa mawawala ang mga mahal m?"
"Wala akong pipiliin. mahal ko ang pamilya ko at mahal ko rin si John Lloyd. At hindi ninyo mapipilit si John Lloyd na mahalin ang anak ninyo. Dahil mula sa umpisa ay pinakikisamahan niya lang si Carol.?
" Walang hiya ka" sabi ni Mrs. Favis at sinampal na naman niya ako. " Gaga, ginagamit mo lang ang katawan mo, para magka pera, una si William, ngayon si John Lloyd. Ano mga posisyon ang ginagawa mo para masarapan sila at hahanap hanapin nila. at pag nagsawa na sila iiwan ka na rin gaga."
"Pag isipan mo mabuti Jahzara. Kung pamilya mo o si John Lloyd. May time ka pa hanggat hindi pa umuuwi si Carol. Pero para masmadali kang makapagdesisyon ay uumpisahan ko ng pahirapan ang pamilya mo." sabi ni Mr. Favis.
________________________
"Miss gising, nanaginip ka yata ng masama." sabi ng katabi ko.
Nabigla naman ako at nagmulat ng mata. Oo nanaginip ako, at pinagpawis na pala ako at nanginginig. Hindi ako nakasagot sa katabi ko, kaya nagsalita naman uli at inabutan ako ng tubig.
"Uminom ka muna ng tubig miss para mahimasmasan ka" sabay abot sa akin ang bottled water. Inabot ko naman at uminom.
" Miss ok ka na." tanong na naman niya.
"Ok na ako sir salamat. masama lang anh panaginip ko."
"Are you sure? Charles Tower pala."
"Jahzara Pajaro, salamat uli."
" Walang ano man. Parang ang bigat ng problema mo. Magsabi ka lang baka may maitulong ako."
" Tama ka mabigat ang problema ko, umalis ako sa atin na hindi alam ng mga mahal ko sa buhay. at isang ang nakakaalam ng pag alis ko ang matalik kong kaibigan"
"Bakit naman ano ang dahilan kong bakit hindi mo ipinaalam?"
"Ayaw ko kasi na may mapahamak sino man sa kanila. May nagbanta kasi sa amin. Pasensya kana sa akin kung nasabi ko sa iyo ang problema ko."
"Ok lang mas maganda nga para gumaan ang pakiramdam mo. Handa akong marinig ang buong istorya at handa rin ako na tulungan ka."
"Hindi mo ako lubos na kilala Charles, bakit mo ako tutulongan."
" Magaan ang loob ko sa iyo. tutulongan kita sa abot ng makakaya ko. Mag usap tayo pag nakarating na tayo sa America. at sa bahay ka na rin tutuloy. Kami na ang bahala sa iyo. Huwag kang mag alala mababait ang pamilya ko. sa ngayon ay magpahinga muna tayo, hangga't nasa himpapawid pa tayo.