CHAPTER 15

628 Words
WILLIAM POV Ng tawagan ko si Jahzara, pagkarating ng pagkarating ko galing Hongkong ay cannot be reach na ang phone niya. kaya pinuntahan ko ang bahay nila Carol kung saan siya nakatira pero six months na daw siya umalis doon. Kinabahan na ako dahil wala naman siyang sinasabi sa akin. Kaya sunod kung pinuntahan ay ang hospital na pinagtratrabahuhan niya pero wala na daw doon, kaya hinanap ko si Cathy na bestfriend niya pero naka leave daw siya ng one week. Hindi ko naman alam kung saan nanakatira si Cathy. Kaya ayon ng hintay ako ng one week at bumalik na naman ako sa hospital. Salamat at andito na si Cathy. " Cathy pwede ba tayong mag- usap" sabi ko. "Sorry William, naka duty pa ako, kung tungkol kay Jahzara ang pag-uusapan natin ay wala akong alam." "Please Cathy sabihin mo sa akin ang nalalaman mo." " May trabaho pa ako William, balikan mo ako after 2 hours." "Okey babalik ako. Thank you Cathy. _________________________ After 2 hours ay binalikan ko na si Cathy. Ng makita ko na siya ay niyaya ko munang kumain. At nagpunta nga kami sa malapit na restauran. Habang hinihintay namin ang aming order ay nag salita si Cathy. "Gayan ng sinabi ko kanina William. Hindi ko alam kong nasaan si Jahzara. Kami rin ay hinahanap siya. Kaya ako nakipag-usap sa iyo ngayon ay upang magtulungan tayo." "Nagpunta ako sa bahay nila Carol. Ang sabi nila ay anim buwan na siyang wala doon at sa hospital naman ay three days na daw siyang nagresign." "Tama ang sinabi nila William. Saka ko lang nalam ng hindi na siya pumapasok." "Alam mo Cathy kung saan sila nakatira sa Ilocos?" " Hindi ko rin alam William ang parents lang ni Carol ang nakakaalam." "Kung ganoon ay puntahan ko ang mga parents ni Carol. Gusto mong sumama?" "Hindi William. Please huwag na huwag mong ipapaalam sa family n Carol na hinahanap natin siya." "What do you mean Cathy. May kinalaman ba sila sa pagkawala ni Jahzara." "Hindi ko alam, kasi ng umalis si Jahzara sa bahay nila ay napansin ko ng lagi siyang tulala. Kung tinatanong naman siya ay lagi niya sinasabi na pagod lang siya." " Okey kung ganoon ay gagawa na lang ako ng paraan. At babalitaan kita. asahan ko rin ang pakikipagkoperasyon mo. " Okey William thank you.' At hinatid ko na si Cathy sa bahay nila. Pagkatapos ay tinawagan ko ang private detective namin at ipapahanap ko si Jahzara. _________________________ Anim na buwan na ang nakalipas ay wala pa rin balita kung na saan si Jahzara. Pinuntahan ko na rin kung saan nakatira ang magulang niya at nakausap. "Ako po si William Monteverde, kaibigan po ako ni Jahzara." pakilala ko sa magulang ni Jahzara. " Kung si Jahzara ang sadya mo hijo ay wala siya dito." sabi ng nanay niya. "Wala po ba siya sinabi kong saan siya pupunta." tanong ko "Wala hijo, ang huling sabi niya.ay mawawala daw siya ng matagal. at huwag daw kaming mag alala may aayusin lang daw siya na ikabubuti namin lahat." " Wala po ba kayong alam n naging problema niya." " Wala hijo at hindi nagsasabi ang batang yung hangga't kaya niyang sulusyonan." ''Ganoon ho ba, sige po aalis na ako. Maraming salamat po. __________________________ Isang taon na ang nakalipas. wala pa rin improvement sa paghahanap ko kay Jahzara. Nakailan balik na rin ako sa bahay nila sa Ilocos. Nawawalan na ako nagpag asa na mahanap siya. Kaya pinatigil ko na rin ang paghahanap sa detective dahil wala rin akong napapala. Nagdesisyon na lang ako na hintayin ang pagbabalik niya kung babalik pa. Kailangan na rin akong mag move on, dahil maraming umaasa sa akin. Tama na ang isang taon na nailaan ko sa paghahanap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD