JOHN LIOYD POV..
Pagdating ko sa condo ko ay nadatnan ko si Jahzara na nagluluto. Dahan dahan akong lumapit sa kaniyà at niyakap na nakatalikod. kaya siya nagulat.
"Ano ka ba John, gusto mo ba akong mamatay?"
''Mamatay sa sarap sweetheart'' tawa kong sagot.
'' Maligo ka muna, pagkatapos ay kakain na tayo''
''Okey sweetheart" hinalikan ko muna siya bago umalis sa kusina.
Nagmakapasok na ako sa kuwarto ko ay napansin ko ang mga gamit ni Jahzara. Oo mayroon siyang damit at gamit dito pero ngayon ay parang hinakot na niya lahat ng gamit niya sa bahay nila Carol.
Pagkatapos namin kumain ay nanood muna kami ng tv.
'Ano oras ang duty mo sweetheart?'' tanong ko
''First shift ako ngayong week sweetheart.''
''Okey dito ka ba maglalagi sweetie?''
'Pwede ba sweetheart dito muna ako titira''
'' Ano ka ba sweetheart. Di ba sinabi ko na sa iyo to. Ikaw ang nagmamay ari nito. Nailipat ko na sa pangalan mo. Gusto ko lang malaman kong pinalayas ka nila sa bahay nila Carol.?''
''Hindi ako pinalayas sweetheart, kusa akong umalis. Naisip ko na hindi na maganda na doon pa rin ako nakatira dahil may relasyon na tayo. At may ugnayan pa rin kayo ni Carol.''
''Sweetheart please trust me mahal na mahal kita. Para mapanatag ka hihiwalayan ko na siya kahit sa phone.''
I trust you sweetheart. Hintayin mo na lang siyang bumalik dito, saka mo siya kausapin hindi maganda na makipaghiwalay ka sa phone."
'' Okey kung yan ang gusto mo. Matulog na tayo."
__________________________
Minsan na umuwi ako ay hindi ko nadatnan si Jahzara. Alam ko naman na 3rd shift siya. Kaya tinawagan ko ang phone niya. Cannot be reach. Ilang ulit ko ng tinawagan hindi pa rin macontact. Kinabahan na ako. Si Cathy naman ay ring lang ng ring ang phone niya siguro ay nakaduty siya. Kaya nagpunta na ako sa hospital. At nakita ko naman si Cathy.
''Oh bakit ka andito Lloyd 3rt shift pa si Jahzara ha.'' takang tanong niya.
''Kaya nga ako nandito dahil tatanongin sana kita kung alam mo kung nasaan si Jahzara.''
''Hindi ko alam Lloyd. kagabi ko na lang siyang nakita at nakausap, bago ang duty niya.''
''Ha ganoon ba. sige aalis na ako. Pagnagkita kayo, pakisabi na lang na hinahanap ko siya o tawagan mo ako.'
'' Okey ingat, baka may pinuntahan lang yon. At nasa bahay ninyo na yon.''
Bumalik na ako sa condo ko. Wala pa rin dito si Jahzara. Ilang ulit ko pang tinawag, hindi talaga makontact.
Nakatulogan ko ang paghihintay. Nang magising ako ay wala pa rin, lalo na akong kinabahan. Hindi muna ako papasok sa opisina ko. Kailangan ko malaman kung nasaan siya. Pumunta ako sa hospital. At nalaman ko na nagresign na pala siya, hindi ba alam ni Cathy or may itinatago siya sa akin. Kailangan kong makausap si Cathy, kaya pinuntahan ko sa bahay nila. Nadatnan ko si William na kausap si Cathy at hinahanap rin niya si Jahzara.
" Please naman Cathy sabihin mo kung nasaan si Jahzara, nagmamakaawa ako sa iyo." sabi ni William.
" Hindi ko talaga alam. Nag aalala na rin ako. Baka may nagyari na sa kanyang masama." sagot naman no Cathy.
" Ok ibigay mo nalang ang number na pwede kong tawagan sa pamilya niya o kaya ay address niya sa probinsya nila."
"Kung number wala akong alam. Kung address naman ay sa pinsan ni Carol ka magtanong."
Sa mga narinig ko na usapan nila, ay umalis na ako. Kailangan kong unahan si William na mahanap si Jahzara. Kaya dumasretso na ako papuntang Ilocos. Pero walang Jahzara doon. Ang mga magulang niya ang nadatnan ko.
"O hijo, napasal ka. anong atin?" tanong ng tatay ni Jahzara.
"May pinuntahan lang ako sa Vigan 'tay, kaya dumaan na ako dito sa inyo. kumusta po kayo Tay?" pagsisinungaling ko.
" Okay lang naman kami hijo, dito kana magpalipas ng gabi bukas kana luluwas."
"Hindi na po 'tay, nakakahiya naman, wala naman si Jahzara dito."
" Okay lang yong hijo hindi kana iba sa amin, pagtiyagaan mo na lang tong bahay namin. At yan naman anak kung si Jahzara hindi ko alam kung anong problema niya. Tumawag sa amin noong nakaraang linggo. At nagpaalam na magpakalayo layo daw muna at huwag daw kaming mag alala dahil gagawin lang daw niya iyon para sa kaligtasan natin. Mahal na mahal niya daw kasi tayo anak. Wala ba siyang nababanggit sa iyo." ang mahabang sabi ng tatay ni Jahzara.
" Sa totoo lang Tay kaya ako nandito ngayon dahil hinahanap ko siya, kasi bigla na lang nawala, hindi ko siya macontact at nagresign rin siya sa hospital. Wala naman po siyang nababagit n problema niya. Anim na buwan n siyang umalis sa bahay nila Carol 'tay di kaya ay may kinalaman ang pamilya ni Carol kung bakit siya umalis.
" Hindi ko alam anak mahirap magbintang. Pakisamahan na lang natin sila ng mabuti at magmatiyag" sabi naman ng tatay ni Jahzara.
"Hahanapin ko siya 'tay kahit gagastos pa ako. makita ko lang siya."
"Yan ang huwag na huwag gagawin anak. Ilaan mo na lang para sa kinabukasan mo ang gagastusin mo. Mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita. Babalik at babalik din siya kung naayos na niya kung ano man ang dahilan ng pag alis niya. Panalangin nalang natin maayos ang kalagayan niya at masulusyonan niya kung ano man ang problema niya anak.
" Tay hindi ako mapalagay kong hindi ko alam nasaan siya at kung ano na ang kalagayan niya.
Mahal na mahal ko po si Jahzara 'tay.
"Alam namin yan anak. Kaya nga siya nagpakalayo layo dahil sa pag mamahal niya sa atin. ayaw niya na may mapahamak sino man sa atin. Kung may balita kami anak sasabihin namin agad sa iyo, sana ganoon la rin sa amin."
" Makakasa po kayo 'tay.
"At sana hindi magbago ang damdamin mo para sa kanya. at hindi ka mapagod sa kahihintay. Hindi natin alam kung kailan siya babalik. Pero pag.may nakita kang iba at mas matindi ang nararamdaman mong magmamahal ay sumige ka anak huwag mong pigilan."
Hindi na ako nakasagot sa sinabi ng tatay ni Jahzara. Oo mahal na mahal ko si Jahzara. Pero kagaya ng sabi ng tatay niya hindi namin alam kung kailan siya babalik. At hindi ko rin hawak ang kapalaran ko sa panahon na wala siya at hindi ko makakausap man lang.