Can I be your language partner?
Beep..beep..."Ohhh,shame!! Nakalimutan kong i offline ang App..nakakainis.." pabulong pero gigil na inoff ni Portia ang phone nya..nakakapuyat din talagang kumita ng dollars sa app na na discover nya.Pero worth it dahil ito ang nakatawid sa kanyang quarantine days habang binubuno nya ang modules nya sa TESOL.Nang naka 120-hours certification na sya ay medyo lumakas ang loob niyang aplayan ang isa pang Japaness ESL company na tumatanggap ng flexible schedule.Tinignan nya kung sino ang nag miskol..pakshettttt...ang crush nya palang Algerian.Omigosh....omigosh...sana tumawag ulit! Anong oras na ba? 2pm na sa orasan ,lokah! I public call ko kaya ulit? Habang nagba- browse sya ay nakita nya na marami na pala syang messages.Oh, .."Hi,Teacha! Teach me english please! " Sino naman kaya itong bubwit na to? Tignan ko nga ang profile mo.I will be going to Canada soon.Somebody please help me practice for my IELTS? I-message ko ba sya?Hmm...tignan ko muna profile photo..Nakabaliktad ang mukha..tsk tsk tsk..scammer ka tyak...gigil nitong nilampasan ang message.Hay,buhay! ilang beses na ba syang nai scam kasi? Hindi na sya nadala..Beep..isang notification.Moo is following you..wow ha..na-sense kaya nito na nireject ko sya? Try ko nga i- thank you.Ganun kasi si Portia.Nagpapasalamat kahit kanino kasi in the future,bentahe nya yun dahil natatandaan sya ng callers at nagiging favorite tutor sya.Sincere kasi talaga sya kapag nagtuturo na.Beep..'can i call?' Nagpasalamat lang ako ,call kaagad? "Ok,audio call will do.", Sagot ko naman sa kanya agad.Excited much ba? Beep..beep..beep..medyo 3 rings daw muna para hindi halatang excited much..Hi,I'm Teacher Portia! Nice meeting you here.! "..Dead air...."Hello?"...dead air again..."Open your video ,please?"yay! Bedroom voice,papa yta ito ah!!!.."Oh .sorry..I open my video only to my booked students..are you going to book my class?", banat ko naman sa kanya.."Uhmm...I wanna meet you first".Taray ng lolo oh!!!"Okay,then let us first use the first 5 minutes with a little introduction,ok?Then I will open my camera.", Mahabang litanya ko sa kanya.Pause...pause..pause..di bale umaandar ang metro mo kuya!! Kikita padin ako sa tokens na inuubos mo sa dead air ,grrr! "Hey,I do not talk to a fake tutor.,open your camera'",demanding ba?????
"Alright..Alright,I will ..wait.." Medyo nakuha ko pang magtanggal ng muta sabay salpak ng aking salamin..sinuklay suklay ng bahagya ang buhok at saka inopen na ang camera.
"There, I am now here..Mr Moo?, Shall I call you by that name? Or is it just an alias? A pet name?" Oh em gee...ito na yata ang pinaka asul na mga matang nakita ko..na may makapal na kilay, tantalizing eyes!! Ang gwapo ni kuya,waaaaa!! Napipi na yata ako sa pagtitig..Nangungusap na mga mata..at nagtataka na ito.."Now,what?" Abah abah...suplado ! Hindi man lang ba sya nagandahan sa akin? Kapal...hahaha!
Usually kasi,pag open ng camera,palaging bukambibig ng caller ay," oh my gosh you are beautiful! Your photo is true!", Na sasagutin ko naman ng,"Oh thank you..", na may pa -demure effect pa! Hahaha. Pero ito ay kakaiba sa kanila..mukhang suplado.ni hindi ngumingiti.Ay sya ka!!!Magkakasundo kaya kami nito????
"Alright,I need your help ",prangka nitong tuloy."Sure,how can I help you?..Umpisa na ng magandang usapan ito,yeheyyyyy!! "Actually,I handle my private classes in another application.Are you willing to shift? Or you want it here?"..Since,maluwag sa app na ito at everybody is welcome,ganun ang ginagawa ko...matipid magsalita ang isang ito.Suplado yata talaga sya neh!! Wa epek ang twinkle twinkle ng mata ko sa kanya,and pa demure na ngiti,ang pa simpleng alog ng hinaharap...wala,wa epek talaga lahat .mukhang exposed yata ito sa mga magagandang babae.Ah oo nga, Magaganda talaga ang mata ng mga Algerians...pero itong isang ito outstanding..as in hallelujah...
So,ayun,sumagot din naman sya.."Okay,let us try it here first.I purchased some tokens."Yun,oh..ang taray ng lolo.."Alright, then we have a deal?, You can set the schedule now,since we have a 3 hour-time difference let me see,how about 7 pm?" "No,no,no..I will set the time,ok "I want an early class." Oh as in early?????,bulong ko.."How about 8am here?", medyo iritableng tanong nya." Oh.. 5am here,Oh no!!!! bulong ko naman sa konsensya ko..."How much will it be for an hour a day?" Sa wakas ,nag- mention ng bayad..huhuhu.."I usually charge 3 dollars an hour,that's the lowest ,no more lower offers." Okay,it's a deal but I wanna use Skype when i use up all my tokens here."Good! then it's a deal.Let us first have some conditions before our class,ok..blah blah blah..."Those are understood already,no need to mention.Are you a licensed teacher?"..Aba,aba naman,sa halagang 3 dollars ba naman kinekwestyon pa nya ang legalidad at kalidad koh? Pero cool ko syang sinagot."Yup,been teaching for 11 years already.You wanna see my license?",o ano ka???? "Nah....no need,just prove that you can make a difference.I've had enough of those scammers here.." Ayun,kaya pala iritable.'Okay,sir, since your token is counting,let us not waste our time here,shall we start?" Then the first time we stared directly with each other,para na akong sinisilihan sa hotness! Super chili hot sauce makatingin.Hindi man lang mapa smile.Aalamin ko sikreto mo,grabe ka nakaka offend ka na ha..Nakapagbilang naman ako ng admirers kahit paano no? Bakit ikaw parang walang kakilig-kilig na ebidensya sa mata?Nawiwindang tuloy ako ,parang nawawala ako sa topic..pero mahusay ang loko ha..hmmmm...mukhang may igagaling pa nga talaga sya.Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya hehe.."Are you done?How do I fare?", natameme ako dun ha...huling-huli nagpapantasya.."Oh,sorry! Did I mention that I use Paypal account for charges?" Iwas-pusoy kong bawi sa kanya hahaha!"Sure,send me your Paypal Account then.I will deposit 50% down payment for 30 hours session."..Josh mio,solved na ang bill ko sa kuryente ngayong buwan praise god!!!!!! "Alright,thank you Moo.Send me your lesson preference in speaking ,ok.I have some materials already but it will be better if you will suggest some preferences too."Humihingal kong sabi sa kanya habang sya naman ay may parang gustong ipahabol din."Actually, audio files will be sent to your email in advance.Can I have your email address?"Mukha ba akong excited?????????!!!!!"I prefer IELTS test materials.Okay?" ,tipid nitong sagot.
Sa buong buhay-ESL ko ,sa two years ko ngayon lang ako nautal ng ganito..as in speechless.hindi ko namalayang hawak-hawak ko na pala ang laylayan ng damit ko at itinaas upang punasan ang pawis sa baba ko na unti-unti nang namumuo at isang galaw na lng ay tutulo na talaga sya! Kakahiya ka,Portia! Nag sorry naman ako kasi di ko na talaga kinaya,pinunasan ko na.Yun!! hindi ko inexpect na ngingiti sya!! Ahahay!! sa wakas,ang lolo marunong din palang ngumiti.eh teka,bakit nga ba sya napangiti? Ayun, nalaman ko din naman ang dahilan..Isang iglap lang yun! Mailap na ngiti...kuripot! Habang nagpapaliwanag ako ng assessment ko sa kanya ay nakatingin naman sya na parang tuod.Walang kagalaw-galaw..Pero bago nya binaba ang phone,ito ang nagpakilig ng todo sa aking NBSB status talagaaaaa! "By the way,is purple your favorite shade?"!! Hindi ko na nasagot yun ah..kasi sa hiya ko nai cancel ko na ang call.Kasi naman...kasi naman...purple ba ikamo??? purple lang naman ang bra kong size 36 A ngayon!!!!!!
Kring! Kring! Kring! ",Ate naman,o pakipalitan mo nga ng music yang alarm mo!Kakabulahaw ka ha " Si E3rd yun,kapatid ko."Loko mo,paano ko magigising kung music yun? " "Ungggg...,basta ate pakipatay naman yannn!" "Ito na,ito na i o off ko na po."
Hmp! kaaga aga nga kasi ,4 am pa lang,need ko nang bumangon,maligo at mag toothbrush huhuhu....dahil sa 3 dollars.Ginto kaya ang tulog sa kagaya kong insomniac! Sabi nga ni E3rd,insomniac na,nocturnal pa! Grabe sya!Humanda ka,Moo! Sisilawin kita sa suot ko ngayon.Purple pala ha...hindi!!! gold ang fave color ko no? as in rich! Tse!
Manyak! Akala ko pa naman maginoo.
Akala ko,Japanese lang ang on the dot sa oras! Si Moo ,ganun din.I chat him 5 minutes before our class.Nag reply agad sya na kanina pa sya nka online.What???
Sinabi ko ba na mag aga sya ng online? Grabe ha..
Sinadya ko na magsuot ng medyo daring pero hindi halata.Plain pink lang naman na blouse,pero hapit sya at emphasized take note: emphasized ang size ng bra ,oh diba??? Modest nmn sya pero leave it to his imagination baby ang peg hahaha ..
Now,I can sense na siya naman ang pinagpapawisan.Panay ang punas ng panyo.So early ha,kuya naku ha..I ask him."Is something bothering you?" Nakaka shock ang reply nya mga teng!! "Yeah...do you wear something in it?" " Prangka naman nito! "I am saying,if you wear something inside?" "Why bother? I do.Let us start the class,okay?" Mataray na sagot ko sa kanya.Ke aga aga ha..Hmp!"Please change clothes.I do not like it.It doesn't help me learn!" Ano ito? nagkatawang-lupa ba ang isang pari mula sa kumbento ni GomBorZa?Conservative,na may pagka green,na ewan!??Hirap mo ispelingin kuya!! Natameme ako dun ha...kasi parang lumalabas sa sineseduce ko sya.Eh totoo naman..hmp...hahaha! Okay,eh di magpalit..magpalit daw eh..hindi ko na in off ang camera.Tumayo ako at pumunta sa direksyon ng aking cabinet tutal out of vision nmn na nya.Pero ang kaluskos pala,minsan mas nkaka turn on? hula ko lang ha..kasi pagbalik ko,mas parang hinihingal na sya?.. Napansin ko pati napaka casual nyang makipag-usap.Para lang bf na naninita..Feelinggera ko talaga oo hhhhh..."Is that how you deal with anybody online?" "What? like this? " Minustra ko sa knya ang pagbibihis ko."No,actually it is my first time that somebody asked me to change clothes just because he does not like pink."Sabay taas ng kilay ko sa kanya."No,it is not the color! damn..."
"Are you sure you wanna practice?? You sound so fluent already.
"It is your job to give me more."
Suplado.
Supladong konserbatibo na ewan.
Mamaya mo irapan kita ng nakamamatay dyan eh..
Nakalipas naman ang first session ng matiwasay pagkatapos.At sa kapilyahan ko,sinagot ko ang tanong nya kahapon.Pero kumbaga sa pang pinale,bago kami mag bye bye ko binigay ang sagot.
"Oh ,I almost forgot! I lost connection suddenly yesterday, so I was not able to reply.
My fave color is not purple,actually I love gold..Rich gold as in jewelries you know?
He stared at me for a long time..."Really? Is it the color of the day?"Sabay flick ng mahahaba nyang pilik-mata.Para bang nang aakit na titigan sya ng aking malilikot na mata.
pakshet,paano ba sinasagot kapag ganun na ang linyahan?
Nag blush pa yata ako.
Kasi tumawa sya ng malutong!
Akala ko ,akin ang huling salita!
Kanya pa din gali!!!
"Are you sure you are not lame? Are you sick? Can't you walk?
Let me see if you are capable."
Weeh,anong connect sa aming pinag-uusapan? Ah basta yun ang lumabas sa bibig kong matabil eh.
Tumayo sya bigla! Wow,siguro mga 5'8" sya! Tapos,umikot pa na parang model na ngra ramp..
Lalo tuloy ako nabighani..ano bah..puso ko, pakisambot po!!!
"Okay, what else do you wanna ask?"
"Nothing more,I was just curious.that's all.."
"I want a mock interview tomorrow.Can you do it?"
"Sure,no sweat."
"And I appreciate the new phrases you taught me today."
Marunong naman palang mag appreciate ang loko eh.
"Thank you- " hindi ko pa natatapos sabihin ay natabig ko na ang baso ko ng kape na medyo maligamgan na at malapot na sa creamer.
"What the hell-"
"Why?"
Saka ko tinignan ang nabasa..ang shorts ko pala,super shorts..hindi nmn kasi nakikita yun sa online kung hindi tatayo eh..malay ko bang mababasa ako?
Aaminin ko,bakatan talaga ang hinaharap ko sa shorts ko..kasi super comfy magsuot ng ganun eh..mainit kasi..saka sa haba ng binti ko,kapag ngpajama pa ako,baka tubuan ako ng balahibong mahahaba sa pawis!! Ano,tikbalang???
At hindi ko intensyon na makita nya yun.
Pero ito na nga,napamulagat ko pa sya eh bombayin na nga ang mata imagine na mas lumaki pa..ang pupil parang vampire in the city..may sariling lingas.
Speechless...at napaestatwa pa ako sa harap ng laptop ko.Nagtitigan kami ng nakakapasong titigan.
"Hey,wait up okay..I will try to change fast..2 minutes!"
Sabay takbo ko sa CR.Nakakaihe naman yung titigan na yun!
Hindi ko alam kung 2 minutes lang ba akong nawala.Kasi parang lubid na yata ang inihi ko.Pagbalik ko sa harap ng computer ko, nagko coffee na din sya.
"Actually,our class ended already but thank you for waiting."
Hindi ko na alam ang isusunod kong sabihin.
Sya din parang nangangapa na din at walang masabi.
Sabay pa kami nagsalita:
"Can we just extend ?"
"Let me extend for the lost time"
Okay haha..Sabay din kaming natawa.
eng eng...
may nakikita ba kayong halo?
? sa ulo nya o sa ulo ko?
I enjoyed the rest of our talk.
Medyo naging comfortable na din ako sa kanya.Mukhang ganun din sya sa akin.
Routine ko na ang early class ko with him.Magaling naman na sya,katunayan mataas ang mock test nya although mahina sya ng konti sa fillers,sa new phrase ganyan..kasi puro conventional ang napanuod daw nya sa YouTube.
Nagiging parte na sya ng sistema ko.Sa gabi,tuloy pa din ang online ko with my Japanese tutees..Sa buong maghapon naman,dahil bakasyon pa eh nag- rereview ako sa mga topics na gusto nya.Politics,Engineering..Since gusto nya maging ambassador in the future daw.
Hate ko ang mga subjects na yun,pero unti-unti kong niyayakap.
Ayoko kasing mapahiya.At gusto ko din na syempre prepared sa pagtuturo.
Hay...parang nagiging early riser na din ako ngayon.Tuloy pa din ang app ko sa gabi ,kinikilig pa din ako sa chatmate kong Algerian.Minsan,naging topic namin ang app na yun.Nagkapikunan pa kami kasi he insists na nag eenjoy ako dun dahil may crushes ako at kinikilig daw.Na tinatanggi ko of course.Minsan ino off ko ang camera ko para hindi nya makita na napipikon na ako sa kanya.
Nakaka praning..parang boyfriend na nagseselos minsan,panay ang tanong kung sino-sino ka chat ko,bakit hindi ako nakaka reply minsan..Ay ,ano ba feelinggera lang ba talaga ako? o may something na sa amin...??? Hala,online love affair? kalokah..
Nabuking ko sya nang minsang may nag friendly chat sa akin.Nagre reply naman talaga ako no? Kahit kanino,kasi kabastusan naman na hindi sumagot.At kadalasan,eh nakakakuha ako ng estudyante that way..being polite is the shortest cut to earn someone's trust.
Tapos,yun pala,ay sya din yun!! Si Moo..sabi ba naman nya,are you flirting? Why do you sweet talk that man! Who? that one you chat.How did you know? It is me...see?So,in the end,ako pa ang napikon kasi bakit nya ako sinusubukan?Eh hindi naman kami.Walang kami,ilusyon ko lang na meron. ...
Napansin ko malapit na matapos ang kontrata namin sa tutorial..nase sense ko na balisa sya katulad ko..may parang gusto syang sabihin? Ako din,parang hindi mapakali...
"Hey,are you alright?"
"Yeah," sabi naman nya.
"Moo,our last session will be tomorrow."
"Yeah..umm....well...",bitin naman nyang reply.
"So, goodluck on your IELTS exam,Moo.."
"I hope you pass and go to Canada soon."
patlang
patlang ulit....
"Listen,I sent you the full payment a while ago.."
"Okay,thank you,Moo ",hindi ko na alam ang idudugtong ko eh..
As if he wants to say something...
Ako din,may gustong itanong sana.
After this,pwede pa ba kami mag chat? Ano na? Ganoon ganoon na lang siguro,purely business naman ito diba.
Sabi nya ,call you tomorrow..okay.
Pero awa ng Diyos,mag- iisang linggo na,hindi pa sya kumokontak ulit...ano na kayang namgyari sa mokong na yun?
Ako na ang di nakatiis.
'The subscriber cannot be reached...'...
Oh,well ..yae sya.Ni ha ni ho waley man lang nagpaalam? Lugi sya eh..may one hour pa dapat na session sya sa akin eh..hinanda ko pa naman ang pang farewell dress ko na plunging neckline...
Magpapasukan na pala...nawala sa isip ko ang tutorials pansamantala.
Ang hirap nang biglang magsi shift ng turo from online tapos magmo.modular naman sa school.
Hindi na yata ako makakapag-asawa nito.
Sabi nila,naku kapag guro ka,tatanggapin mo na ikaw ay mabubuot ...!
Ay hindi ako papayag ah..
Ngayon pa,na madalas sa gabi nakakaramdam na ako ng kakaiba.Gusto ko na ng kayakap huhuhu.....
Nagising ako isang madaling araw sa lakas ng tunog ng ring ng cp ko.
"Ate!!! ano ba? akala ko ba wala ka ng klase?", Si E3rd ulit.
"Hello", halatang paos dahil bagong gising eh...
"Hi!"
Nalaglag yata ako sa kama ,dyos ko!
"Oh ,hello..finally...", pa simple ko kunwaring sagot..pero huwag ka kulang na lang sumigaw na ako kung hindi ko lang iniisip na bk sumabog ang ihi ko eh..
"How're you doin'?
"You owe me an hour today"
"Huh? ,me?",medyo nawala yata ako sa huwisyo.
"Who else?"
"Oh,yeah..yeah..what happened to you?"
"I am now in Canada!".
"What?? that fast?"
"Yeah...Just 4 days ago.."
"Wow..."
Speechless ako,para akong nalungkot na ewan..
Pangarap ko din kasi yun talaga..Ang makapag abroad.
"Dis you miss me?"
"What???",loko yun ah bakit nya alam?
"I am kinda bored here..I will show you my place.."
Maganda naman sa lugar nya..Nova Scotia..
Nasa waterfront sya..shocks...lalo syang gumwapo sa klima doon.
Namiss ko ang mokong.
Nakita ko din na parang na miss nya ako ...hhhh
"Moo .Your place is so beautiful..i love the waterfront view..
"Hey, now our time difference is a lot bigger."
"Google says 11 hours," reply ko naman agad sa kanya.
"Atta girl hahaha..."
"Huh? kabilis naman nito ma slang?
"I miss you,my brainy tutor"
"Well...you have an hour left", mataray kong reply.
"I am looking for a job here..I am bored..I have no one to talk to."
"Not yet,but when you get hold of your routine and you meet people,you will enjoy your time there."
"Sure,but still it is different when i talk to you."
May puso puso bang lumilipad o ako lang ang nakakakita?
Hmmmmm.... ?
"Why?"
"I miss our little chitchat."
"I will work in school..."
"What time is your start?"
"I will go to school at 8am."
"Can I call you there during your breaktime?"
"Sure."
Napahawak ako ng mahigpit sa phone ko.Kasi ambilis ko naman pumayag...
Kasing bilis ng pintig ng puso ko .
Buong umaga yata parang nakalutang ako sa ere! Ganito ba yun sinasabi nila na inlababoooo....eng-eng! kaloka naman ako..hindi naman ako losyang na nauubusan na ng numero sa kalendaryo? Pero ang feeling ko eh ganun na din pupuntahan ko kapag nagpatuloy ako sa aking opisyo na ito.Sabi nila 1 out of 20 teachers lang talaga nakakapag-asawa pa kapag nauna sa serbisyo eh.Natatakot na din ako ha.Biro mo ugod ugod na ako bago ko magkaroon ng chance na habul-habulin ang isang batang nasa kalikutan ng idad huhu...tapos sasabihin ng classmates nya, baby boy yung lola mo sinusundo ka na! Aray! Baka sa susunod na ihatid ko anak ko,sasabihin nya "no need,mommy! Ako na lng po mag-sa,kaya ko na po ito! "
hehehe...Ano nga kaya magigimg itsura ng anak ko no?
Pajontis na lang kaya ako sa isang Afam hmmm....
kahit wala na lang jowa...basta may anak.
So ayun, nakarating ako ng school...spacing out...ang ending ? nakalampas ako sa gate ng school!
Lakarin ko na lang tutal isang kanto na lang din naman pabalik...
Pawis much....nasira na yata pati eyeliner ko kumupas na kasama ng pawis kakapunas!
"Kringgggg...."halaaa,Moo calling ...paano ba yan..anong oras na ba ngayon sa Canada?? bakit kasipag nito mag kol...naku ,kamuntik ko na makalimutan ,sinabi nga pala nya if pwede sya tumawag sa school during break time!
" Hi,there!, what's up?"
" Hi,teacher! Wanna see my place? "
"Hmmm..ok Moo I can spare you some minutes,wait up..." inadjust ko muna ang aking bag na dala,nilipat ang phone sa kabilang balikat at inipit ng tenga habang ako ay naglalakad..
"Hey, is it okay?"
"Sure,I just want to cross the street wait ,ok.."
Pagbalik ko ng tingin sa cp ko ,nahuli ko ang expression sa mukha nya..parang amazed na amazed sa place namin..
"Well?..how do I rate?"
"What? ,not you..your place..nice place out there...seems all people look friendly too."
Napalinga-linga ako..oo nga halos lahat ng batang kasabay ko tumawid at nasa may likod ko nakangiti, nagtatawanan at nagkuliwentuhan habang naglalakad.
"Fascinating place..I'd love to be there one day..."
Di ko na naintindihan yung huling sinabi nya kasi dun ako makatitig sa mamula-mula nyang pisngi na parang frosted na yata sa lamig..
sa kanyang matang parang laging nakangiti at may gagawing di maganda..
sa kanyang nagsisimula nang tumubong bigote...
"Teacher!???"
"Uh...yes??"
"Sorry.."
"It's okay, I will just call you later when you get there,ok .
"Ok"
Click..
Yun lang, natapos na pala at para akong namalikmata pa sa pagtunog ng bell sa school...shame,shame ,shame..time na pala! First time ko mahuli ha..kasalanan mo ito puso kong talandot eh hhhh...
Parang teenager na may crush...naku ine g konting pino..
Sabi ko sa sarili ko,next time na tatawag ka,pipilitin ko na hindi humanga ng obvious...harot!!!
Nakakapagod ang buong linggo..bukod sa hindi mo namamalayang weekend na pala ay parang na-drain agad ang beauty mo sa dami ng asap reports!Nakakapanibago..parang hindi pa nakakabalik ang old self ko!
Dahil nga face to face na at hindi na maawat, nagbawas ako ng schedules ko sa online classes everyday..Nag oopsn lang ako ng tables ko ( we call it tables sa classes) kapag nakapahinga na ako pag-uwi like 8-10 ganyan .or kapag may insomnia attack ako ,12-1am kasi mostly ay ganun gusto ng Arabic students ,very convenient yun sa kanila.Nag accept din ako ng skype tutorial sa isang Russian national na nirecommend ng friend ko na nasa China.Engineer daw ito at hirap makipag-usap sa mga clients na nasa China dahil limited ang english speaking ability.Tinanggap ko kasi 300 rmb ba naman per hour..at MWF schedule lang naman sa gabi from 6-7 pm or minsan 7-8 depende sa client's availability.Mostly speaking practice sa mga vowel sounds at consonants na hirap bigkasin ang gusto ni client.
Suplado nga lang pala talaga ang mga Russian!Kasi minsang nag lag ang net ko ,minasama na nya..parang may words sya na hindi ko maintindihan pero alam mo yun? parang minumura ka na nya?
Ang maganda lang sa kanya,after the lesson gibsong agad nya ang datung sa wechat account ng friend ko.ha ilang seconds lang ay naipadala na sa paypal ko! Hindi kasi pwede ng direkta..mahigpit sa verified bank accounts sa Chine.Eh Illegal pa naman dun ang friend ko..
yun nga lang 10 years na sya dun walang nagsusumbong..kapwa pinoy lang naman daw magpapahamak sa iyo dun!
How true? kasi daw ang intsik takot din madawit sa ganyang hulihan..pati sila kulong o multa kapag nagpatira ng illegal.
Nakakalibang din yung naiiba ang teaching environment ko sa gabi.Kasi sa umaga nakakaloka ang mga studyante! Bukod pa ang mga pakialamerang mga guro na ke huhusay manlait ng strategies ng me strategies hehe..
Maganda din kapag free talk ang gusto ng tutee..nae-enhance na din pati speaking skills ko.