bc

[BL] The Royal Blood

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
fated
forced
second chance
shifter
vampire
mythology
pack
magical world
like
intro-logo
Blurb

Habol-hiningang tumatakbo ang isang binata sa kailaliman ng gabi. Halos mawalan na siya ng lakas habang ang kanyang kaliwang kamay ay mahigpit na nakakapit sa kanyang leeg—kung saan patuloy ang pag-agos ng maninit at malagkit niyang dugo. Ang tanging hangarin niya ngayong gabi ay ang magliwaliw, para pansamantalang makalimutan ang pait ng kanyang mga problema. Ngunit sino ang mag-aakala na ang dalawang lalaking kanyang makakasalamuha ay hindi tao, kundi mga nilalang na sa kwento mo lamang maririnig o mababasa—mga bampira.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Habol-hiningang tumatakbo ang isang binata sa kailaliman ng gabi. Halos mawalan na siya ng lakas habang ang kanyang kaliwang kamay ay mahigpit na nakakapit sa kanyang leeg—kung saan patuloy ang pag-agos ng maninit at malagkit niyang dugo. Ang tanging hangarin niya ngayong gabi ay ang magliwaliw, para pansamantalang makalimutan ang pait ng kanyang mga problema. Ngunit sino ang mag-aakala na ang dalawang lalaking kanyang makakasalamuha ay hindi tao, kundi mga nilalang na sa kwento mo lamang maririnig o mababasa—mga bampira. Sa simula'y hindi siya naniwala. Isang kalokohan. Ngunit nang maramdaman niya ang matalim na kagat, ang kirot na sumiklab at ang mainit na dugong umagos mula roon, unti-unting bumaon sa kanyang diwa ang katotohanan. Bumigat ang kanyang paghinga, parang may malamig na kamay na humahawak sa kanyang dibdib. At sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng takot—takot na baka hindi na niya muling masilayan ang araw. Kahit halos mawalan na ang binata ng malay, ay pilit pa rin siyang tumatakbo. Paminsan-minsa’y natitisod siya, nadadapa, ngunit agad bumabangon. Walang katao-tao ang paligid. Ang liwanag ng mga lumang poste at ng buwan lamang ang nagsisilbing gabay sa kanyang daan. Ngunit sa bawat hakbang, kasabay ng kaba sa kanyang dibdib, ay ang mga kaluskos na tila umaaligid sa paligid. Alam niyang hindi siya nag-iisa. May mga matang nakamasid, nag-aabang. Parang mababangis na hayop na unti-unting nililigiran ang kanilang biktima. Sa huli, natumba siya sa ilalim ng isang malaking puno. Hindi kalayuan, ay may mahabang bangko na gawa sa kahoy at bakal. Pilit niyang inabot ito, isinandal ang nanlalambot niyang likod habang naghahabol ng hininga. Sa di-kalayuan, natanaw niya ang istasyon ng pulis. Gusto niyang tumakbo roon, humingi ng saklolo, ngunit ang kanyang katawan na mismo ang bumigay dahil sa pagod, sugat, at kawalan ng dugo. “Baby, not running anymore?” bulong ng isang tinig sa kanyang kanang tainga. Kasabay nito ang mainit na hiningang dumampi sa kanyang balat. Parang kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan ang takot. Napalundag siya sa gulat, ngunit nawalan ng balanse at napaupo sa lupa. Sa harapan niya'y dalawang pares ng pulang mata—kumikinang na parang hiyas sa gitna ng dilim. Sa ilalim ng liwanag ng poste, lumitaw ang dalawang matangkad na lalaki, nakangisi ang mga ito, at ang isa ay may bakas pa ng dugo sa gilid ng labi. Mas lalong bumigat ang kanyang paghinga. Kaninang pagod lang ang kanyang dinadala—ngayon ay parang may bakal na nakadagan sa kanyang dibdib. Ang pagtibok ng kanyang puso ay mas lalong bumilis, tila gustong kumawala at tumalon palabas ng kanyang dibdib. Paatras siyang gumapang, pilit na kumukuha ng distansya upang muling makatayo. Tumatagaktak ang pawis mula sa kanyang noo. Ang bampira na nasa sa harapan niya ay nilamutak ang sarili nitong labi gamit ang dila, tinikman ang natitira pang natuyong dugo. Biglang nanlabo ang paningin ng binata, para bang tinakpan ng usok ang kanyang mga mata. Ang kanyang natitirang lakas ay nawala na parang bula. Nanlupaypay ang kanyang mga binti, at bago siya tuluyang mawalan ng malay, isang tinig ang pumunit sa katahimikan: “Who are you?!” sigaw ng isang bampira Isang lalaki ang nakatayo sa tabi ng nakahandusay na binata, nakasuot ng itim na amerikana—tila galing sa isang mataas na posisyon sa opisina. Sa kanyang kamay ay isang payong, nakabukas kahit hindi naman umuulan. Tumitig siya sa nakahandusay na binata, malamig at maawtoridad ito ng nakatingin sa lalaki. Nagbago ang aura ng dalawang bampira. Mula sa pagiging mapang-asar, naging alerto sila. Tumindig ang kanilang mga balahibo, lumabas ang mahahaba nilang kuko at ang matutulis na pangil. Ang mala-hiyas nilang mga mata ay lalo pang kumislap habang ang mga ugat sa kanilang leeg ay nagsilabasan. “A fledgling dared to hunt in my land,” wika ng lalaki, banayad ngunit puno ng awtoridad. Akmang susugod ang dalawa, ngunit bigla silang napaluhod at napasubsob sa lupa—tila may napakabigat na puwersang dumagan sa kanilang katawan. Sa bawat hakbang ng lalaki papalapit sa dalawang bampira ay mas lalong bumibigat ang presyong dinadala ng mga ito. Pinilit nilang bumangon ngunit walang silbi ang pagpipilit nila. Sa ikatlong pagtatangka nila'y maririnig ang kanilang mga butong nagkabitak-bitak. Ang isa sa kanila'y nagsuka pa ng dugo—hindi na kinaya ng kanyang katawan ang pwersang tumutulak sa kanya. “Who made you?” maikling tanong ng lalaki habang itinutok ang dulo ng kanyang payong sa pisngi ng isa sa mga bampira. Pilit nitong iniangat ang ulo upang sagutin siya, ngunit sa mismong sandaling iyon, tumarak ang matulis na dulo ng payong sa kanyang mata. Isang nakabibinging sigaw ang kumawala mula sa halimaw. Hindi natinag ang lalaki. Inikot pa nito ang payong at mas pinabaon ang pagkakatusok. Umaagos ang mapulang dugo mula sa butas ng mata. “You dare hunt here? Do you think you can do whatever you want on my land?” saad niya habang hinugot ang payong, kitang-kita sa butas kung saan hinugot ang dulo ng payong, ang durog nitong mata at ang pag-agos ng maraming dugo. Sa isang iglap, tinarget niya ang leeg ng bampira at pinugutan ito gumulong ito papalapit sa paanan ng lalaki at gamit ang kaliwa nitong paa ay ipinatong niya sa pugot na ulo ang kanyang paa. Nakita ito lahat ng isa pang bampira ay napasigaw ito ng ilang segundo, ngunit— “Silence.” Isang maawtoridad na boses ng lalaki ang kumawala. Sa isang utos lang, at tuluyang nawala ang boses ng halimaw. Ang kaninang matinis at nakaririnding sigaw ay napalitan ng nakakabinging katahimikan. Lumutang na ang ulo ng kanyang kasamahan at biglang lumapag sa kamay ng lalaki. Patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa hiwa. Hindi maaninag ng bampira ang kabuuang mukha ng lalaki, ngunit malinaw niyang nakita ang isang ngiti. Isang mapanganib at malamig na ngiti. “I don’t need your life,” bulong ng lalaki, “your head is enough to answer my questions.” dagdag pa nito. Napakagat ng labi ang natitirang bampira. Nang nagtama ang kanilang paningin, isang kakaibang lamig ang bumalot sa kanya. Ang mga mata ng lalaki’y kulay lila, kumikislap na tila alitaptap sa gitna ng dilim. Ipinikit niya ang kanyang mga mata, handang tanggapin ang kamatayan. Ngunit lumipas ang ilang minuto at hindi pa din niya nararamdaman ang inaasahang kamatayan. Hindi na nagtangka pang buksan ng bampira ang kanyang mga mata, mas diniinan pa niya lalo ang pagpikit nagbabasakaling hindi niya maramdaman ang nakaambang karit ni kamatayan. Unti-unting nanlalamig ang kanyang katawan, sa huli hindi namalayan ng bampira na nawalan na pala siya ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
611.9K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
54.5K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
25.4K
bc

NINONG

read
353.2K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
71.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
325.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook