Muling umilaw ang kanyang cellphone, at same number ang nakalagay.
"Too plain for me!" Yun ang message. Di niya alam kung kailan niya na add ang lalaki sa kanyang social media accounts. Mas nagulat siya nang malamang naka in a relationship ang status niya.
"Hala bakit naka in a relationship ako?!" Gulat niyang bulalas.
"Haha aasarin nga sana kita kagabi, kagabi ko lang din nakita yan pag open ko. Akala ko naglihim kana sa amin." Tumatawang sabi ni Ghela.
"Ngayon nga lang ako nag cellphone ulit e. Kaurat naman ayaw mapalitan." Himutok niya nang di magawang mapalitan ang kanyang status.
May message tuloy ang mga tiyahin niyang uhaw sa lalaking maraming pera.
"Siguradohin mo na maraming datong yan a. "
Kung kakapalan ng mukha ang labanan ay panalo na talaga ang mga ito. Parang mga paninda lang sila kung ilako ng mga ito. Pag siya nainis ay construction worker ang ipakilala niya sa mga ito. Good luck sa high blood pressure ng mga ito.
"s**t, ayaw talaga! "
Makailang ulit niyang sinubokan pero bigo siya.
"See you tomorrow! " Yun ang text na tila nagpalamig ng katawan niya.
Bakit see you tomorrow? Wala silang anumang agreement ng lalaki na magkikita sila bukas. Marami siyang commitments lately lalo at bukas ay isang lingerie brand ang client nila. Sa isang high end condo ang location nila, ayos na naman sa kanya ang ganun lalo at malapit lang sa apartment nila iyon. Makakatulog parin siya ng maaga.
"May shoot ako bukas." Reply niya dito. Wala pa yatang ilang segundo ay may reply n kaagad ito.
"I know."
"What do you mean?"
"Secret!"
Lalo tuloy siyang na frustrate sa nabasa, di niya kabisado ang pupuntahang venue kinabukasan. Mabuti sana kung medyo alam niya ang lugar para at least alam niya kung saan siya pwedeng magtago. Sa totoo lang ay di niya alam kung paano haharaping muli ang lalaki, lalo na pag naiisip niya ang kanilang naging verbal agreement.
Wala naman talaga sa plano niya ang pagpapakasal pa, unang una bata pa siya, ikalawa marami pa siyang pangarap sa buhay na gusto niya pang makamit while single siya at ang pinakamahalaga ay di naman sila magkarelasyon para magpakasal. Ang isa pa naman sa gusto niyang ma achieve sa buhay ay ang maikasal sa lalaking mahal niya.
Alam niyang maraming paraan ang lalaki para masunod ang gusto nito. At duda siya sa text nito ngayon, oo gwapo ang lalaki, mayaman at pasok na pasok sa standard niya sa isang lalaki maliban sa isang katangian nito. He is well known for being ruthless, arrogant and dominant.
"What to do? Argh what if magkikita nga kami paano na?"
Pabalik balik siya sa loob ng kanyang kwarto, good thing umalis si Raya at umuwe sa Tita nito habang si Ghela naman ay nakipagkita naman sa anak ng amo ng nanay nito. Mag isa lang siya sa apartment ngayon, di na naman yung bago kasi minsan magkakaiba din ang kanilang mga pinupuntahan lalo na siya.
"Bahala na nga!"
Pinilit niyang matulog sa kabila ng mga what ifs na tumatakbo sa utak niya. Kailangan niyang maging fresh para sa photoshoot bukas, may mga eyebags na di kayang ikubli ng makapal na make up. Malamang ay di ganun kakapal ang gagamitin na make up dahil pantulog naman ang kanilang products.
Maaga siyang nagising kaya nakapag yoga kunwari siya. Yoga yogahan lang dahil wala naman siyang proper training or so. Basta uupo lang siya sa mat ng ilang minuto at mag meditate ay tapos na. Gusto niya lang na relax ang utak niya bago man lang sumabak sa walang tigil na posing sa shooting mamaya.
She arrived an hour before the call time. Nagsabi ang manager niya na di makakasama dahil may achuchu ito sa buhay, ayos nga yung wala ito ngayon. Mas payapa at productive ang boung maghapon niya pag wala ang baklang manager niya.
"Hi Heat, sabay na tayo!"
Si Chloe, kapwa niya model ang babae, dati di sila nagpapansinan masyado. Naging close lang sila nung minsan na inaway niya ang manager nito matapos itong buhusan ng iced tea sa ulo. Inaway at sinamahan niya pa si Chloe na magsampa ng reklamo. Simula nun ay naging extra close na sila, maganda din naman na marami kang kaibigan kaysa marami kang kaaway.
"Kanina kapa?" Tanong niya dito.
"Medyo, anyway nakita mo naba ang client?" Tanong nito nang nasa loob na sila ng elevator.
Actually wala siyang paki sa mga client lalo pag si Bakla ang nag arrange, alam niyang di ito kukuha ng ikakapahamak ng kanyang mga alaga na client. Sigurista din kasi, kaya bihira niyang tingnan ang client info pag pumiperma siya ng kontrata. Kakaurat din kasi ang dami ng pages ng mga kontrata.
Alam naman niya halos ang mga basic rules ng nga endorsement, at ang mga karaniwang rules ng kompanya sa model/brand endorser.
Depende pa rin sa kontrata, pero may mga standard na pinapasunod
Like Exclusivity / Non-Compete o bawal mag-endorse ng kalaban normal lang naman ang ganun. Kung skincare ka, bawal ka mag-ads ng ibang skincare brand sa loob ng 6 months to 2 years.
Meron din yung category exclusivity, Minsan beauty lang, minsan buong consumer goods na. Wala namang problema sa kanya yun, pero as much as possible ayaw niya munang pasukin ang skin care products. Ayos na siya sa mga clothing brands muna. Maybe someday pag ready na siya.
Image at Conduct Clause panindigan yung brand image Dapat "on-brand" ka. Kung family brand sila, bawal scandal, drugs, o controversial posts.
Morality clause pwede i-terminate ng kompanya yung kontrata kung may nadamay kang issue na makakasira sa brand.
Social media rules may approval process bago mag-post about sa product. Bawal din i-bash yung brand o kalaban. Yun naman applicable pag mga artista, social media influencers o kilalang personality ang mag model. Pero sa kagaya niyang di naman kasikatan walang problema sa ganun. Iilan lang naman ang followers niya.
Usage ng Likeness approved lang yung gamit at hindi basta-basta magagamit ng kompanya yung mukha/pangalan mo sa ibang product na hindi kasama sa deal.
May time limit din ang ganun usually 1-2 years lang pwede gamitin yung campaign materials mo. After nun, pull-out na.
Isa sa mga rules na nakalagay ay ang performance at Availability.
Number of posts/shoots/events Naka-specify kung ilang IG posts, t****k, TVC, o mall tour ang kailangan. Lalo pag sikat ay marami talagang mga ganung event.
First priority ka dapat Pag may shoot o event yung brand, dapat i-priority mo sila vs ibang gig. And the most important is the confidentiality Bawal mo i-leak yung bagong product, TF mo, o details ng campaign bago mag-launch.
"Wala e, I mean di ko binasa na masyado ang kontrata." Nakangiwing pag amin niya. Humagikhik naman ang babae sa sinabi niya.
"Same haha, pero kanina natanong ko manager ko, si Mr. Lacsamana pala ang may ari ng building na to. At siya ang client natin." Sabi nito na parang ikinatulig niya yata.
Kaya pala sinabi ng lalaki na see you tomorrow, so most probably ay nandun din ang lalaki sa mismong venue.
"Sinong Mr. Lacsamana?"
Alam niyang di lang si Eric ang Lacsamana sa mundo, maybe it's his brother or maybe cousin nito.
"Eric Lacsamana." Sagot nito.
Parang nanlamig siya nang marinig ang pangalan ng lalaki. Alam naman niyang masyadong maliit ang mundong ginagalawan nila ng lalaki, kaya di na nakakapagtaka kung mag cross ang landas nilang dalawa.
Napadasal tuloy siya ng taimtim sa nalamang impormasyon ngayon. Alam naman niya na wala siyang kasalanan at wala siyang dapat ikatakot sa lalaki. Bagamat masungit ang lalaki ay harmless naman ito.
"Nandiyan kaya sya mamaya?" Tanong niya sa babae. Di niya alam kung paano niya haharapin ang lalaki if ever ngang mag cross ang landas nilang dalawa. Di siya prepared baka mamaya tanungin na naman siya nito tungkol sa deal nila. Lalo na ang tungkol sa pag alok nito ng kasal.