"Hello! Earth to Heather!"
Napakurap kurap siya nang marinig ang tila iritable na sigaw ng kanyang manager na si Monith.
"Kanina kapa nag space out, pwede bang mamaya mo na isipin yang tumatakbo takbo diyan sa utak mo? Kailangan pa nating mag biyahe."
Halatang naiinis na ito. Sanay na naman siya sa tantrums nito, sobrang hirap pakisamahan ng bakla niyang manager. Sobrang higpit lalo na sa nga schedules niya, may mga pagkakataon na kahit alanganin ang project ay kinukuha nito without her consent. Okay lang naman sa kanya lalo at gipit din naman talaga siya at kailangan niya ng kaperahan lately.
Pero darating at darating ang punto na mapapagod ka nalang bigla at natatanong niya ang kanyang sarili, kung deserve ba niya talaga ang ganung treatment sa kanya ng bakla. Sobrang toxic ng ugali nito na nakakasira na ng kanyang peace of mind. Maraming mga alaga nito ang kumakawala na dito, at ang iba naman ay nagbabalak na kumawala na din.
Kabilang siya sa mga gustong kumawala na din. Nakaka drain na yung parang robot na kontrolado ang bawat kilos. Akala niya makakaya niyang pakisamahan at pakibagayan ang mga kapritso nito. Yung huling modelling stunt ang nagpamulat sa kanya sa katotohanan. Halos fifty percent lang ang ibinayad sa kanya ng manager niya. Di pa siya inabisuhan nito at nalaman niya nalang mula sa ibang mga agent.
Sobrang disappointed niya pa nung kinumpronta niya ito, sinabihan siya nito na di siya sikat, kaya magpasalamat nalang daw siya dahil may mga project itong nahahanap para sa kanya. Alam naman niya ang kalibre niya pagdating sa kanyang career as a model. Alam niyang marami siyang mga nakukuhang projects just by using her face and body.
"Di ka paba nagsasawa diyan sa linta mong manager?" Tanong ni Gela sa kanya.
Isinama niya ito kanina after ng klase dahil nanghihiram ito ng sapatos niya. Kinuha niya pa sa kasamahan niyang model ang sapatos Kaya kailangan nitong sumama sa kanya. Aware naman ang mga kaibigan niya sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Pero may mga itinatago din naman siyang iba.
"Nagsasawa na, pero wala pa akong time ngayon na maghanap ng bagong manager ko." Sagot niya bago uminom muli ng tubig.
Tumayo na siya at nagtungo sa venue. Nakakangalay at nakakangawit ang ginagawa niya pero ito yung kanyang profession at masaya siya sa bayad kaya tiis muna. Para sa ikauunlad ng kanyang buhay kailangan niyang mag sakripisyo. Di niya pwedeng iasa sa iba ang kanyang buhay, she has to strive para mabuhay.
"Tingin sa kanan, bend ng konti!"
Mabuti at madali namang sumunod sa instructions ang kanyang kasama ngayon. Di kagaya last time na nakakailang take muna bago makuha ang gusto ng kanilang client. Akala niya dati simple lang ang ganung trabaho, yun bang picture picture lang. Kaya when she got a chance to enter modelling ay kaagad siyang sumugal. At unang project palang extra challenge na sa kanya.
Pinatakbo siya ng ilang ulit para sa isang video concept. Medyo control din ang kain niya dahil strict ang diet niya para sa figure niya. Kung siya ang tatanungin ay wala naman siyang paki kung tataba man siya, kaya lang sa uri ng trabaho niya ay wala siyang ibang choice kundi ang i control diet. Siya din naman ang mag suffer if magpadala sya sa temptation ng pagkaing masasarap.
"O that's it, and cut!"
"Pack up na guys!"
Iyon yata ang pinakamasarap pakinggan na words para sa kagaya niyang alipin ng tulog. Naging mailap sa kanya ang tulog simula nung encounter nila ni Eric Lacsamana. Lalo pa ngang lumala nung nakatanggap siya ng mga mamahaling alahas mula sa lalaki na may kasama pang pa I love you wife na note. Masyadong ginugulo ng lalaki ang kanyang payapa at tahimik na buhay.
Idagdag pa sa alalahanin niya ang kaalaman na lumuwas na ang pinsan niya. Malamang para i pursue ang plano nito kay Eric Lacsamana. Di niya alam kung anong pwedeng gawin sa mga kaanak niyang bloodsuckers. Wala man lang nagtatangka na itama ang mga kamalian ng pinsan niya.
"Ang tahimik mo parang kinakabahan tuloy ako." Untag ni Gela sa pananahimik niya.
"Gaga, nag iisip lang ang tao e." Sabi niya na nangalumbaba. Nakauwe na sila sa boarding house, pero mailap sa kanya ang antok. Siguro dahil sa pag iisip ng mga bagay bagay sa mundo. Masyadong maligalig ang kanyang espirito at di matahimik ang kaluluwa niya.
"Nag iisip ka pala, hehe!" Pang aasar nito. Mabilis niya itong binato ng tsinelas, mabuti at wala ngayon si Raya. Kung sila ni Gela ay struggle lang na easy easy ang problema ni Raya ay mas malala. Nahihimatay sa hawak ng lalaki ang kaibigan nilang iyon.
Akala niya nung una ay coincidence lang ang lahat pero nung magkaroon ng assessment sa school ay nalaman nila ang kalagayan nito. Unang araw palang ng klase ay sinasabi na sa mga nagiging kaklase ng kaibigan niya ang tungkol sa androphobia nito. Mahirap lalo at di naman sila sa exclusive for girls school nag aaral. Di maiwasan na may makasalamuha na lalaki.
Pinagtangkaang gahasain si Raya noon, at iyon ang isa sa tinitingnan na rason kung bakit na acquire ng kaibigan ang phobiang iyon ng kaibigan nila. Para na silang magkakapatid na tatlo. Pinangako niya sa sarili niya na alagaan niya ang kaibigan at mananagot sa kanila ang sinumang mananakit dito.
"Parang ang sarap mag adobo ngayon. Tara labas tayo mamimili tayo ng rekado, ako na ang magluluto." Sabi niya dito.
Nanlalaki naman ang mga mata nito na marahas na lumingon sa kanya.
"No way, ayoko na kumain ng asin na adobo mo ui, maawa ka naman sa bato namin." Sabi nito sa kanya.
"Grabe talaga kayo sakin." Kunwari ay nagtatampo niyang sabi dito.
Alam niyang walang tiwala ang mga kaibigan niya sa luto niya. Masasabi niyang malas ng konti ang mapapangasawa niya, wala siyang ibang alam sa kusina kundi ang kumain, unlike sa dalawa niyang kaibigan na pawang masasarap magluto.
"Ewan ko ba kasi sayo, ilang ulit na naman naming itinuturo sayo ang recipe pero wala e, masyado kanang hopeless case para sa kusina battle. Maupo ka nalang diyan. " Sabi pa nito na itinuro ang lamesa.
Napatingin siya sa screen ng cellphone niya nang makitang umilaw iyon. Napamulagat siya nang makita ang post ng pinsan niya. Nasa isang restaurant ang babae, kung di siya nagkakamali ay isang kilalang restaurant iyon na pag aari ng mga Lacsamana. Mukhang wala na talagang makakapigil sa kakapalan ng mukha nito.
Ilang beses na din niyang pinag isipan ang tungkol sa kasal na pinag usapan nila ni Mr. Lacsamana. Yung pros and cons ng lahat, at syempre mas pipiliin niya ang maikasal sa lalaki. Tsaka nalang siya mamomroblema pag nandiyan na. Basta maging malinaw lang ang lahat ng kani kanilang mga kondisyon sa kasal. Kung iisipin nya naman ay may advantage din naman sa kanya ang lahat.
"Your cousin is making a move." yun lang ang text, pero kahit numero lang ang nakalagay ay kilalang kilala niya ang regalo.
"E ano naman ngayon?!" pagkausap niya sa sarili.
Sino ba naman kasi ang nababagay sa isang kagaya nito. masyadong napalalibutan ang lalaki ng mga babaeng nababagay dito. Hindi siya belong sa mga babaeng yun. Wala siyang pamilyang maipagmamalaki dahil manloloko lang ang pamilyang meron siya.