Tila matagal itong nag isip bago muling nagsalita.
"What's your full name again baby?" Tanong nito na ikinamaang niya, nasa harap nito ang ID niya.
"Heather Alonzo, nasa id ko na diba?" Parang malapit na maubos ang pasensya niya.
"Yes it's here, pero anong trabaho mo?" Nakakunot ang noo na tanong nito sa kanya.
"I'm a freelance model." Sagot niya. Alam niyang marangal ang trabaho niya at wala siyang dapat na ikahiya doon. As long as wala siyang tinatapakan na tao.
"Freelance model, hmmn at ano ang kapalit ng pagbabala mo sa akin?" Tanong nito mamaya maya. Di niya naiisip na humingi ng kapalit sa kanyang impormasyon na dala.
"Wala, sinabihan kita kasi di kaya ng konsensya ko na may maloko na naman ang pinsan ko at ng pamilya ko. Ngayon bahala kana sa buhay mo kung di ka maniniwala." Naiinis na sabi niya.
“And you expect me to believe,” dugtong niya, “that you want nothing in return.”
"Haist ang kulit din pala ng lahi nito, hay naku."
Nagtaas ng kilay si Eric.
“Go on.”
“Gusto kong matigil ang ginagawa nila,” diretsong sabi niya. “At gusto kong mailayo ang pangalan ko at ang sarili ko sa ganyang klase ng pamumuhay.” sagot niya.
Sandaling katahimikan.
“Interesting,” sabi ni Eric. “But let me be clear.” Lumapit siya nang isang hakbang.
“I don’t play savior. And I don’t trust strangers.”
“Hindi rin po ako naghahanap ng savior,” sagot niya na naiinis na din. “At hindi rin po ito tungkol sa ganun, alam ko kasi ang kalibre ng pinsan ko, gagawin niya ang lahat para makuha ang target niya.”
“Good,” sagot ni Eric agad. "Do you think di ko kayang paimbestigahan ang pinsan mo bago ko patulan? I'm not a fool baby, alam ko kung kailan ko dapat pasukin ang kweba at alam ko kung kailan hindi. Now may solusyon kaba sa sinasabi mo na problema?" Tanong nito.
"What? Haist ano ba, binalaan na kita and that's the solution. Now bahala kana sa buhay mo malakas naman pala ang radar mo nagsayang lang ako ng laway ko." Sabi niya na tumayo na.
"Not so Fast baby. Wala pa naman akong sinasabi na pwede kang umalis." Sabi ng lalaki na ikinamaang niya.
Tumalikod si Eric, naglakad papunta sa bintana.
“So tell me,” sabi niya habang nakatanaw sa siyudad, “why you? Why not just… walk away from them? Bakit mo ako binalaan?”
“Ginawa ko na ang lumayo sa kanila.” sagot niya dito. “Nag-aral ako sa Manila. Lumayo ako. Tinanggihan ko ang mga ‘opportunity’ nila.”
Lumingon si Eric.
“And yet you’re here.”
“Dahil hindi sila titigil,” sagot niya. “At kapag may target sila, lahat ng nasa paligid nadadamay.”
Tahimik si Eric.
“Kasama na kayo,” dagdag niya.
“Do you have proof?” tanong nito.
“Oo,” sagot niya sabay bukas ng envelope. Inilabas niya ang printed screenshots ng messages sa kanilang group chat, may recordings pa nga, itinerary drafts.
Eric glanced at them. Isa-isa. Mabagal.
“Paris,” bulong niya.
“Zurich.”
“Ten million monthly allowance.”
Napatawa ito ng pagak.
“They planned my life better than I did.”
“Sanay po sila,” sagot niya dito. “Hindi po ito ang una.”
Bumalik ito sa desk at inilapag ang mga papel.
“So,” sabi ni Eric, “you want to beat them at their own game. Pero paano kung sabihin ko sayo na may kapalit ang appointment na to?” sabi nito na tumayo, naglakad patungo sa kinauupoan niya at yumuko sa upoan niya dahilan para makulong siya sa malaki nitong katawan.
"Kapalit? Wala akong pera, magkano ba? Next week pa ang sahod ko." Kinakabahan niyang tanong dito. Namamawis na ang mga singit singit niya sa nerbiyos niya. Tumawa ang lalaki sa kanyanh sinabi.
"I don't need your money baby, diba gusto mo akong iligtas sa pinsan mo?"
"O-oo kaya nga ako nandito diba!"
"Good, marry me. Para di na ako mapag interesan ng pinsan mo." Nakangising sabi nito. Nanlalaki naman ang kanyang mga mata nang marinig ang sinabi nito.
"Ako?" Tanong niya, bago tumawa.
"Joker po pala kayo Sir Eric." Sabi niya, pero ang kabog sa puso niya ay sobra sobra.
"Alam mo siguro na di ako nagbibiro. Lalo na kung tungkol sa s*x life ko." Sabi pa ng hudyo na may mapaglarong ngiti sa labi.
"Pervert!"
"Ow come on, what's wrong with s*x life? It's normal besides gusto ko na din namang lumagay sa tahimik." Sabi ng lalaki na ikinalaki ng kanyang mga mata.
"Paano kung ayokong magpakasal sayo?" Tanong niya dito.
"Hmmn ano nga ba? Let's say na pwede nating gawan ng paraan ang mga modeling offers mo. How about banning you in every modeling agencies?"
Parang nanlamig ang kanyang paligid nang marinig ang sinabi ng lalaki. Lahat ng mga nerves niya ay na paralyzed sa kanyang narinig.
"Ano? Gago kaba? Tinulongan kana nga na makaiwas i hostage mo pa ako?!" Naiinis na bulyaw niya dito. Ang pag momodelo niya lang ang bumubuhay sa kanya.
"I like pierce lady, I love tiger." Parang nakakalokong sabi pa nito.
"Di pwede gagatasan ka ng pamilya ko." Sabi niya na pinanlalakihan ito ng mata.
"Pwede naman kitang ilayo sa kanila, total gusto mo namang tulongan ako diba? Then lubos lubosin mo na." Nakangising sabi nito.
Alam niyang wala siyang ibang pagpipilian lalo at ang pagmomodelo lang niya ang nag sustain sa pag aaral niya. At tama ito, once na maikasal na sila ay tiyak niyang titigil na ang pinsan niya. Siya naman ang kukulitin ng mga tita niya.
"Papayag ako, wala naman akong choice diba? Pero ako po ang maglalagay ng limitasyon,” sagot niya.
Nagkrus ng braso si Eric.
“Explain.”
“I want Prenuptial agreement,” sabi niya agad. “Wala po akong karapatan sa kahit anong ari-arian ninyo, kahit piso, kahit shares o kahit regalo. Two years lang ang duration ng kasal then.” dugtong niya. “After that, annulment, no contest or drama.” sabi niya dito. Nakita niya ang tila pagkagulat nito sa kanyang sinabi.
Tahimik.
“You’re very specific,” sabi ni Eric.
“Dahil ayokong magkaroon ng butas, at ayokong gamitin ako ng pamilya para huthotan ka.” sagot niya.
Naglakad si Eric palapit, huminto sa harap niya.
“What if I say no to your terms?”
Huminga si Heather nang malalim.
“Then I did my part pakasalan mo ang sarili mo, bahala ka nga sa buhay mo, aalis na ako at may shoot pa ako bukas.” naiinis na tumayo siya.
Mukhang di naman yata ito seryuso sa banta nito sa kanya. After nito ay kakalimutan niya na ang lahat. Bahala ang lalaki kung magpapaloko man ito sa pinsan niya.
“That’s it?” tanong niya.
“Opo,” sagot niya. “Hindi ko po kayo pipilitin na maniwala.”
Matagal na tinitigan ni Eric ang mukha niya.
“You’re not nervous,” sabi niya.
“Natatakot po ako,” sagot ni Heather. “Pero hindi ako nagsisinungaling.”
“Most women who walk into this office,” sabi ni Eric, “want something fame, money, security. And all that.”
Tumango si Heather.
“Alam ko po, and you?” tanong niya.
“Tssk we have a lot of time to figure it out." Sabi ng lalaki.
Napailing si Eric, bahagyang napangiti, unang beses.
“You know what’s funny?” sabi nito.
“Ano po?”
“You’re the first person who came here trying to lose, imagine prenuptial agreement ang hiningi instead of a luxury car or a grand villa.” sabi nito na naiiling.
“So,” tanong ni Heather, mahina, “lalayas naba ako o totohanan ang banta mo?”
Alam niya kung gaano kahalaga sa isang lalaki ang kalayaan. Lalo na sa panahon ngayon na halos libre na ang s*x lalo na kung gwapo.
Umupo si Eric sa desk chair, nag-isip sandali.
“Let me set conditions,” sabi niya.
Tumango agad siya, wala naman siyang paki doon.
“One,” sabi ni Eric, “no emotional expectations. We don’t pretend. We don’t act in love behind closed doors.”
“Opo,” sagot niya.
“But we can have s*x if you want." Marahas siyang napalingon dito.
"Umasa kang wala akong planong makipag s*x sayo." Inirapan niya pa ito, nakita niya ang pilyong ngisi sa labi nito.
"We'll see that, two,” dugtong nito. “public appearances only when necessary.”
“Opo.”
“Three,” sabi niya, bahagyang tumigil, “you will live separately.”
Nagulat si Heather pero tumango pa rin.
“Okey.”
“And lastly,” sabi ni Eric, diretso ang tingin, “you leave when it’s over. No looking back.”
Nanlaki ang mata ni Heather pero ngumiti siya. Just what she expected.
“Kasama po ‘yan sa plano ko,” sagot niya.
Tumayo si Eric.
“I’ll have my lawyers draft the prenup,” sabi niya. “You’ll review it with yours.”
“Wala po akong lawyer,” sagot niya dito.
Napatingin si Eric sa kanya.
“Then I’ll assign one, an independent.”
Tumango siya.
“Salamat.”
“Don’t thank me yet,” sabi ni Eric. “This isn’t kindness. This is risk management,"
Ngumiti siya dito, bahagyang may biro.
“Pareho po tayo.”
Tahimik.
“You do realize,” dagdag ni Eric, “that once this goes public, your family will hate you.”
Huminga siya.
“Sanay na po ako.”
Tumingin si Eric sa orasan.
“We’ll announce the engagement in two weeks,” sabi niya. “You’ll need to be ready. at di ako papayag na wala kang monthly allowance.””
“May pera naman ako,” sagot niya, walang pag-aalinlangan.
"May allowance ka sa akin as my wife period."
"Bahala kana nga!" Naiinis na naman siya.
Habang papalabas na si Heather, biglang nagsalita si Eric.
“Heather.”
Lumingon siya.
“If you’re lying,” sabi ni Eric, kalmado pero mabigat, “I will find out.”
Tiningnan niya ito diretso.
"Ano namang mapapala ko kung gagawa gawa ako ng kwento. Ito at ako pa nga ang napahamak diba?!" Naiinis na inirapan niya itong muli. Napaigtad siya nang maramdaman ang yakap ng lalaki sa kanya.
"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan na tanong niya dito.
"I just got engage, I think I deserve a kiss from my fiancee." Sabi nito na mas humigpit ang yapos sa beywang niya.
"Gago kaba? Bakit-" naputol ang sasabihin niya nang ito na ang humalik sa kanya. Mapusok at halata sa kilos nito na bihasa na.
Parang kakapusin siya ng hininga nang pakawalan nito, pinunasan pa ang kanyang labi.
"This mouth is mine alone, masarap pala, hmmn want more?" Bulong nito. Para siyang sinisilihan na patakbong lumabas ng opisina ng lalaki.
Alam niyang di madali ang taguan ang lalaki, pero ngayon ay yun ang gagawin niya. Naguguluhan siya sa kanyang sarili at sa mga nangyari. Wala siyang makapang galit sa kapangahasan ng lalaki sa kanya. Parang binabayo parin ng kaba ang kanyang dibdib kahit na di na niya kaharap ang lalaki.
Nakakapagpawala ng katinuan ang ginawa ng lalaki sa kanya kanina. Parang gusto niyang maramdaman uli ang labing iyon, ang mapangahas na mga palad nito.