Wala na siyang inaksayang panahon, alam niyang magmamadali ang mga kaanak niya sa plano ng mga ito sa lalaki, alam niyang gipit na gipit ngayon ang pinsan niya. Nakakabwesit lang isipin na di man lang sumagi sa isip nito na magbanat ng buto. Sa halip ay kailangan pa nitong mang biktima ng taong lumalaban ng patas para pang tustos sa mga luho nito.
"Mara, sure na yung appointment ha." Pangungulit niya sa kaibigan.
Nag message siya dito kaninang madaling araw at nag reply naman kaagad ito na pumayag ang pinsan nito na makasingit siya sa appointment ni Eric Lacsamana. Di siya pwedeng magtagal at kinakailangan niyang bumalik para sa kanilang final exam. The only time she has is now, kaya wala siyang dapat na aksayahin pa.
"Oo na madam, sabi ni CJ kailangan two hours before the meeting ay nandun kana. Baka tanungin kapa nun kung ano ang agenda ng appointment mo sa boss niya. Ayos ayusin mo talagang bruha ka, ayokong magalit si CJ sakin." Banta pa ng kaibigan sa kanya.
Napangiwi siya sa sinabi nito alam niyang baka maisumpa ito ni CJ pag nalaman ang kanyang walang kwentang pakay doon. Alam niya naman na wala siyang proof na may ganun ngang plano ang pinsan niya, unless mag umpisa na ang pinsan niya sa balak nito.
Nang maisip iyon ay tila gusto niyang umatras sa kanyang plano, pero alam niyang pwede siyang sakalin ni Mara pag umatras siya ng last minute. Di paman din niya alam kung ano ang patakaran ng lalaki sa buhay, tanging ang mga nakalagay sa mga write ups ang impormasyon na meron siya tungkol dito. Maaaring totoo, pero maaring exaggerated lang ang mga iyon para may mailagay lang.
"Kaya mo yan Heat, go nalang with the flow." Bulong niya sa sarili niya nang makita ang gusali ng opisina ng lalaki.
A very tall building, kasing tall ng kanyang kaba. Parang ngayon din ay gusto niyang maglaho nalang bigla. Di naman niya masisisi ang pinsan niya sa plano nito, tipikal na complete package ang lalaki. Gwapo at matipuno, iyon ang tamang definition nya sa lalaki nang makita niya ng nagdaang gabi ang larawan nito. Marahil kung makikita ng mga kapwa niya modelo ang lalaki ay ang magiging term ay makalaglag panty na ka gwapuhan.
"May appointment po Ma'am ?" Untag sa kanya ng receptionist na siyang naabutan niya sa paglabas niya mula sa elevator.
"Yes, Miss Heather-"
"Ah ito, Miss Heather, nakita ko na. You may proceed to the right side and just knock Ma'am." Sabi ng receptionist na may magiliw na ngiti. Kung sana ay ganito din ka accommodating ang mga tao sa loob ng opisina ni Eric. Di pa niya na meet si CJ pero alam niyang mabait ito. Sa kwento ni Mara syempre lalo at pinsan nito ang lalaki.
"Salamat bhe, ahm masungit ba ang boss nyo?" Kinakabahan man ay nagawa niyang itanong. Natawa naman ang babae sa tanong niya.
"Pinay po pala kayo. Ang ganda nyo po Ma'am para kayong international model hehe. Mabait naman si Sir Eric masyado lang siyang strict lalo na sa trabaho."
Lalo siyang kinabahan sa sinabing iyon ng babae. Alam niyang wala namang ka kwenta kwenta ang kanyang pakay doon. Gusto niya lang na mailigtas ang lalaki mula sa mga kaanak niyang mukhang salapi. Gusto man niyang pigilan ang mga ito ay wala naman siyang ibang paraan para gawin iyon kundi ang balaan nalang ang lalaki.
Kinakabahan man ay boung tapang niyang itinuloy ang pagpasok sa loob ng opisina ng lalaki. From picture to personal, alam niyang immune na siya sa mga gwapo na lalaki. Sa uri ng trabaho na meron siya ay kabi kabila ang mga lalaking nakakasalamuha niyang gwapo at matipuno.
"Heather?"
Napaigtad siya ng makita ang pamilyar na lalaki, alam niyang may asawa na ang pinsan ni Mara pero di niya maiwasang di humanga sa gandang lalaki nito. Nag iwas nalang siya ng tingin dito bago ngumiti.
"Hi CJ, ako si Heather kaibigan ako ni Mara." Sabi niya na inilahad ang kamay dito.
"Ah I see, anyway di na kita tatanungin kung ano ang appointment na to. Pero binabalaan kita, kung aakitin mo lang si Boss ay ngayon palang umatras kana." Sabi nito, bagamat nakangiti ay alam niyang may pagbabanta.
"Don't worry di ko type ang boss mo." Nakangiwi niyang sagot dito. Tila nakahinga naman ito ng maluwag sa kanyang sinabi.
Walang wala sa isip niya ang mag love life, oo minsan trip niyang mang flirt lang lalo pag ang lalaki ay mapaglaro sa kapwa niya babae. Marunong din siyang mang uto. Pero alam niyang si Eric Lacsamana ay isang taong di niya pwedeng i flirt. May limit naman ang kanyang kalandian.
"Pumasok kana sa loob, maagang umalis ang nauna sayo na ka meeting niya kaya pumasok kana." Sabi nito. Bago paman siya makapag react ay naitulak na siya nito sa loob ng opisina ni Eric.
Tahimik ang opisina ni Eric Lacsamana yung klaseng katahimikan na parang sinadya para marinig mo ang sarili mong iniisip. Nakatayo pa rin siya sa gitna ng silid, hawak ang bag niya, diretso ang tindig kahit ramdam niyang nanginginig ang tuhod niya.
Si Eric naman, nakasandal sa desk, nakapamulsa, tahimik na sinusuri siya. Parang umurong ang lahat ng tapang niya nang malapitang mabistahan ang mukha ng lalaki.
“You’re are here without proposal?” mababa ang boses nito at mas nakakatakot kaysa sa mga nakasigaw na kilala niya.
"Ah e, I don't think we need proposal para sa pakay ko.' nanginginig man ay nagawa niyang sumagot.
"O really, what is it?" Tanong nito na titig na titig sa kanyang mukha na tila naiilang siya dito.
"Ahm, this is about my cousin Clarissa." Panimula niya. Di na siya nagpaligoy ligoy pa.
"Clarissa? Clarissa what? Wala akong kilalang ganun." Sabi pa ng lalaki na kunot ang noo. Marahil ay iniisip nito ang mga dating kakilala kung may ganung pangalan ba.
"Clarissa Alonzo, she is my cousin-." Paliwanag niya.
"Wait, I don't know any Clarissa Alonzo." Mabilis na sansala nito. Parang gusto niyang mapakamot pero di pwede. Nagpaganda siya para di siya i reject ng lalaki sa kanyang appointment.
"Malamang, patapusin mo kaya muna ako." Sabay irap niya dito. Tila nagulat naman ito sa kanyang ginawa.
"Scam ba to? If it is wag ako, may kalalagyan ka talaga sa akin." Banta nito. Inirapan niya itong muli.
"Bakit naman ako mag aaksaya ng Oras ko para mang scam? Pwede naman akong magtrabaho nalang para magkapera." Naiinis na tuloy siya sa lalaki.
"Okay go on, ano ang agenda natin?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
"Nandito ako para balaan ka, I know you not yet encounter Clarissa Alonzo. Pero may masama silang binabalak sayo, balak kang gawing human bank ng pinsan ko."
Sa wakas ay nasabi din niya ang kanyang pakay. Sana naman ay kaagad na nitong na gets ang lahat.
"Human bank?"
"Oo huhuthotan ka nila, hanggang sa maubos ka." dagdag niya pa.
"Really di kaba kasali sa plano nila?" tanong pa nito sa kanya. Parang lumalabas pa yata na kasabwat siya ng mga kaanak niya. Parang maling desisyon ang pagpunta niya sa lalaki para balaan ito. Di niya tuloy alam kung kanino siya maiinis, sa pinsan niya ba o sa lalaki, parang siya pa ang nalagay sa alanganin.