**
Ala Syete ng umaga, nagsasalo-salo sa hapag ang pamilya Del Frado. Kumpleto silang pamilya sa umagang iyon dahil ni-request ni Elvira na sabay-sabay silang mag-almusal. Ngayon niya na kasi sasabihin sa lahat ang final niyang desisyon para kay Matthew.
“May pag-uusapan ba tayo, mom?” tanong ni Elvin sa gitna ng pagkain.
“Yes,” sagot niya at tumingin kay Matthew na abala sa kinakain.
“What is it, mom? It is about the arranged marriage you are talking about?” tanong ni Myra.
“Oo. Final na ang desisyon ko. Nakausap ko na si Patricia na may importante kaming pag-uusapan once na makauwi sila. Sila na lang ang hihintayin natin,” sagot niya. Nanatiling tahimik si Matthew.
“Do you agree with it, Matt?” tanong niya. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Do I have a choice, mom?” tanong nito.
“Yes at alam mo na ang sagot doon.” Hindi na ito sumagot pa bumalik na sa pagkain.
“Hon, ikaw ba wala nang sasabihin about this?” tanong niya sa asawa. Nag-angat ito ng tingin sa kanya.
“Basta wala kayong problema o ginawang problema para sa planong ito then hindi ako kokontra,” tanging sagot nito. Napalunok siya sa sinabi nito. Kung malalaman nito ang ginawa ni Matt, hindi niya alam kung paano dedepensahan ang anak.
“Mabuti naman. Sige, kain lang kayo,” aniya at ngumiti pero may kaba sa dibdib.
Ngunit sa kalagitnaan ng pag-aalmusal nila, nakarinig sila ng ingay sa labas.
“Lumabas kayo diyan! Panagutan ninyo ang anak ko!” sigaw mula sa labas at kasabay ang pagyugyug sa gate nila.
“Ano ’yon?” tanong niya.
“Titingnan ko,” sagot ni Marvin at tumayo pero tumayo rin siya. “Sasama ako.”
Pareho silang naglakad palabas pero sumunod din ang tatlong anak nila. Naglakad sila patungo sa gate at nakita nilang pinipigilan ng guard nila ang lalaking nagpupumilit makalapit.
“Kakausapin ko lang ang mga Del Frado. Kailangan nilang panagutan ang anak ko!”
“Papa, tama na po, huwag na tayo mag-eskandalo.” Narinig niya ang pamilyar na boses ni Stella. Umarangkada ang kilay niya at lumabas.
“What is it, Stella?” tanong niya pero umiiyak at umiiling ito habang pinipigilan ang ama. “Mga hampaslupa, dito ninyo pa talaga napiling mag-eskandalo? Baka idemanda namin kayo!” sigaw niya.
“Elvira, that's enough. Kausapin natin sila ng maayos. Hindi ito masusolusyonan kung init ng ulo ang paiiralin,” wika ni Marvin. Napairap siya at nanahimik.
“Umalis na po tayo rito, papa. Hayaan na lang po natin,” wika ni Stella sa ama pero tinatabig ng lang nito ang kamay niya.
“Mayaman lang kayo pero hindi ninyo kami matatakot. Dahil baka kayo ang ipademanda ko kung hindi ninyo pananagutan ang anak ko!” sigaw ulit ng ama ni Stella.
“Okay, calm down, sir. We can talk about it inside. Come in, doon tayo sa loob,” mahinahong sambit ni Marvin.
“Hindi na. Dito pa nga lang iniinsulto na kami paano pa kapag sa loob. Ang tanging gusto ko lang pakasalan ng anak ninyo ang anak ko!”
“What? No! I can't let that happen!” sigaw niya. Hindi siya papayag na maikasal si Matthew kay Stella.
"Stella, ano ito? Nag-sorry na ako sa nangyari, bakit kailangan pang umabot sa ganito?” tanong ni Matthew. Napatingin siya kay Marvin at iba na ang tingin nito sa kanya. Umiwas siya ng tingin dahil natatakot siya rito.
“At bakit hindi? Binuntis mo ang anak ko kaya dapat panagutan mo! Hindi porket mapera kayo hindi na kayo pwede managot sa mga kasalanang ginawa ninyo!”
“Hindi ako papayag na sa isang katulad ninyong dukha mapunta ang anak ko. He’s getting married soon kaya tigilan ninyo ang ilusyon ninyo!” sigaw ulit niya pero this time, hinawakan na siya ni Marvin para pigilan.
“I said, that's enough! Let me handle this problem. At mamaya, mag-uusap tayo,” wika nito at binitiwan siya. Natahimik siya at nakaramdam ng kaba sa tono ng salita nito.
Dahil kilala niya ang asawa niya. Ayaw nito ng gulo o problema lalo na kapag involve ang mga anak nila.
**
“Papa, tama na. Umuwi na tayo,” sambit ulit ni Stella sa ama pero ayaw talaga nito magpapigil.
“Kung hindi ninyo pananagutan ang anak ko, idedemanda ko kayo at sisirain ko ang pangalan ninyo. Hindi ako kasingtaas ninyo pero kaya kong gawin ang lahat para sa mga anak ko! Kaya ngayon pa lang, magdesisyon na kayo dahil hindi ako nagbibiro sa mga sinasabi ko!” sigaw ng kanyang ama.
“Calm down, sir. Huwag kayong sumigaw. Pag-usapan natin ng mahinahon sa loonb—” Pinutol ng kanyang ama ang pagsasalita ni Marvin.
“Hindi. Kilala ko kayong mga mayayaman. Idadaan ninyo lang kami sa pera, pwes sinasabi ko na ngayon, hindi ninyo kami mababayaran. Anak ko ang pinag-uusapan dito at babae siya kaya gusto ko panagutan ninyo siya. Madali naman ako kausap, kung ayaw ninyo edi magdemandahan na lang tayo,” wika ng ama niya.
“Hindi naman kailangan umabot—”
“Edi sumagot kayo. Pakakasalan ba ng anak ninyo ang anak ko o hindi para tapos na ang usapan,” sambit nito. Natahimik si Marvin at tumingin sa anak. Isang tingin na tila may nais sabihin.
“Sige, pumapayag kami,” sagot ni Marvin. Nagulat siya sa naging tugon nito habang bakas din ang gulat kay Elvira.
“What? No! Huwag kang pumayag, hon! Peperahan lang tayo ng mga ’yan! Look at them, mga mukhang hampaslupa ’yan!” sigaw ni Elvira.
“Shut up, Elvira!” sigaw ni Marvin. Natahimik ito at napayuko. “Hindi ka nakatutulong! Kayo ang gumawa ng problemang ito na inilihim ninyo sa akin tapos kokontrahin mo ang desisyon ko? I said, let me handle this. Magpapakasal si Matthew kay Stella sa ayaw at sa gusto ninyo. Dahil kung siya naman ang gumawa ng gulo na ito kaya dapat lang na siya rin ang magtuldok nito!” dagdag pa nito.
“Pero dad, I don't like her. I can't marry her—”
“Isa ka pa, Matthew. Tumahimik ka. Sa pagkakataong ito, hindi kailangan ang opinyon mo. Ako ang masusunod dahil matagal ko kayong pinagbigyan sa mga gusto ninyo. Ngayon, ako naman ang masusunod,” sambit nito at tumingin sa kanila.
“It’s now settled. Magpapakasal sila. Pero kami ang magdedesisyon kung saang simbahan sila magpapakasal at mag-uusap pa ulit tayo tungkol dito. Ayos ba sa ’yo ang ganun, sir?” tanong ni Marvin sa ama.
“Ganyan lang ang gusto ko. Aalis na kami. Babalik kami rito sa isang araw para muling pag-usapan ang nangyari. Huwag na huwag kayong magbabalak na bumaliktad dahil kaya kong tapatan ang gagawin ninyo,” sambit ng ama. Hindi nakaimik ang mga Del Frado kaya hinila na siya ng ama.
Hindi niya nagawang pigilan ang ama dahil talagang desidido na ito sa gusto nito. Iyak lang siya nang iyak dahil hindi niya naisip na aabot sa ganito ang nangyari sa kanila. At idagdag pa na nasaktan siya sa naging reaksyon ni Matthew dahil tila diring-diri na rin ito sa kanya. Kung kumilos ito ay tila wala silang pinagsamahan at tila hindi sila naging magkaibigan.