Chapter 19

1362 Words
Pagkalipas ng isang buwan… Naging maayos ang kompanya ni Matthew. Kahit nawala si Mrs. Santos ay hindi naman masyadong naapektuhan ang negosyo niya. Kinalimutan na rin niya ang kung anong meron sa kanila ni Stella dahil mas nag-enjoy siya sa pagiging single niya. Kung totohanin man ng kanyang ina ang plano nito, at least nakapag-enjoy pa siya. “Ahhh…ahhh… ohhhh sir…you're so good!” daing ni Clara. Sa isang buwan na lumipas, madalas siyang akitin nito. Ayaw sana niyang patulan dahil sa nangyari pero dala na rin ng alak at pananabik, pinagbigyan na niya. Hindi naman siya nagsisi dahil magaling ito. “Basang-basa ka na, hmmm…” bulong niya pagkatapos halikan ang dibdib nito. Napahigpit ang kapit nito sa balikat niya kaya mas isinagad niya ang alaga niya sa butas nito. Napaungol si Clara sa ginawa niya. “Oh my! Sir, malapit na po ako! Shiiiit! Faster!” daing nito. Napangisi siya at sinups*p ang ut*ng nito saka mabilis na gumalaw sa ibabaw nito. Pabilis nang pabilis hanggang sa maabot nila ang rurok ng sarap. Hinugot niya ang alaga niya at ang condom saka humiga sa kama. Napangiti naman si Clara habang hinihingal. “Kung ako sana ang pinili mo kaysa sa mataba na ’yon, wala sana kayong problema,” wika nito ng tumayo para magbihis. Ito ang isa sa ikinatuwa niya kay Clara, hindi na nagpapaabot ng umaga sa kwarto niya. Umaalis agad pagkatapos nilang mag-sexy time. “Tss. Wala akong problema ngayon. Paki-lock ng pinto kapag lumabas ka,” wika niya. Ngumiti ito sa kanya. “Kailan ulit natin ito gagawin?” tanong nito. Kung may ikinatutuwa siya, mayroon din siyang ikinaiinis dito. Masyado itong dikit sa kanya na parang gusto siya lang ang babae nito. “I don't know. Just leave,” aniya. Napasimangot ito pero hindi uubra ang pag-iinarte nito sa kanya. Dahil babae pa rin itong pabebe para sa paningin niya. Pagkatapos nitong magbihis, lumabas na ito ng kwarto niya. Sinarado nito ang pinto. Napatingin siya sa orasan at nakitang ala-una na ng madaling araw. Napahikab siya kaya nagpasya na siyang matulog. ** Samantala, alauna na ng madaling araw pero gising pa rin si Stella. Nakaupo siya sa upuang nasa kusina. Masama kasi ang pakiramdam niya. Kanina niya pa iyon nararamdaman sa trabaho kaya nag-half day siya. Sumasakit ang ulo niya at parang tamad na tamad siyang kumilos. Ang totoo ay ilang araw na niya itong nararamdaman kaya naman bumili siya ng pregnancy test kanina bago siya umuwi. Hindi pa kasi siya dinadatnan mula nung may nangyari sa kanila ni Matthew at June 6 pa noong huli niyang period. July 20 na pero wala pa rin. Natatakot siya sa magiging resulta pero ginawa pa rin niya. Pumasok siya sa banyo at ginawa ang procedure. Tatlong pregnancy test ang binili niya, mura lang naman iyon kaya naisingit niya sa budget nila. Nang magawa niya na ang nakalagay na instructions sa kahon, hinintay na lang niya ang resulta. Isang pt lang muna ang ginamit niya. Nang lumabas ang resulta, nanlaki ang mga mata niya nang makitang two lines iyon pero medyo malabo ang isa kaya kinuha niya ang dalawa pang pt at ginamit na rin. Sa muling pagguhit ng resulta, iisang resulta lang ang lumabas. It's positive. Tumayo siya at lumabas ng banyo. Bumalik siya sa upuan at nanlalambot na napaupo roon. “Hindi pwede ’to,” bulong niya. Ngunit, naramdaman niya ang pagbaliktad ng sikmura niya kaya agad siyang tumakbo sa lababo, nabitawan niya ang pt sa mesa. Naduwal siya pero wala naman siyang isinusuka. Nagtagal iyon ng limang minuto kaya hindi niya namalayan ang pagdating ng kanyang ama. “Ano ang nangyayari sa ’yo, Stella?” tanong nito. Bahagya siyang nagulat sa boses nito. Agad siyang nagmumog at humarap dito. Sinulyapan niya ang pt at hindi pa ito napapansin ng ama. Napansin niya rin ang pagbabago sa ama. Dahil ilang araw na itong walang inom at maaga kung umuwi. Tulad ngayon, hindi ito nakainom at maagang natulog. Naalimpungatan lang siguro dahil sa kanya. “M-masama lang po pakiramdam ko,” wika niya. Kumunot ang noo nito at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa noo. “Mainit ka nga, hindi kaya masyado ka ng napapagod sa trabaho mo? Magpahinga ka kaya muna?” sambit nito na lalong ikinagulat niya. “May trabaho naman na ako kaya ako na ang bahala sa inyong magkapatid, dahil responsibilidad ko naman kayo,” dagdag nito. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya at sasagot na sana nang muli siyang maduwal. “Ilang araw ka nang ganyan,” wika nito. “Teka, kukuha ako ng tubig,” dagdag nito. Pero nagmumog na ulit siya dahil baka makita nito ang pt ngunit pagharap niya sa ama ay nakita na niyang hawak na nito ang pregnancy test niya. “Buntis ka, Stella?” tanong nito. Nag-iwas siya ng tingin. “H-hindi p-po?” Pakiramdam niya, naubusan siya ng dugo sa mukha dahil ramdam niya ang kaba. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa ama ang nangyari dahil natatakot siya sa magiging reaksyon nito. “Sigurado ka? Kanino anng mga ito? Impossible naman na mabuntis ka dahil alam ko wala kang pinapakilala na boyfriend. May tinatago ka ba?” tanong nito. Napaiwas siya ng tingin dahil hindi siya masyadong sanay na magsinungaling. “W-wala po at hindi po, ’pa. Papahinga na po ako,” wika niya at lumapit dito para kunin ang pt pero pinigilan siya nito. “May nangyari ba, anak?” mahinahong tanong nito. Napakagat labi siya at naging emosyonal. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun siya pero pumatak ang luha niya. Agad niya rin itong pinunasan. “May nangyari ba sa pagtatrabaho mo sa mga Del Frado? Nagtataka na ako kung bakit ka umuwi, hindi ko lang alam kung paano magtatanong dahil nga masyado akong lango sa alak pero anak, napapansin ko ang pagbabago mo mula nang bumalik ka rito. Kaya nga pinilit kong tigilan ang bisyo ko dahil baka masyado ko na kayong napapabayaan. Kaya sabihin mo, may nangyari ba?” tanong nito. Lalong bumuhos ang luha niya dahil sa pagiging mahinahon nito. Hinihintay niyang magbago ang ama pero hindi niya inasahan na ganun kabilis siyang pakikinggan sa hiling niya. Kaya hindi niya mapigilan mapaiyak sa tuwa. Pero hindi pa rin niya maitatanggi sa ama ang tunay na nangyari. “P-papa, baka lagnat lang po ito. Iinom lang po ako—” “Sagutin mo muna ang tanong ko, anak. Hindi ako t*nga para hindi malaman kung para saan ang mga bagay na ito. Alam kong dito binabase ang pagbubuntis!” wika nito ng putulin ang sinasabi niya. Umiling siya. Natatakot siya sa posibilidad na pwedeng maging reaksyon ng ama. Hindi na rin tumigil sa pagpatak ang luha niya. “Sumagot ka!” sigaw nito kaya napapitlag siya sa gulat. Yumuko siya at tuloy-tuloy na bumuhos ang luha niya. “M-may nangyari po sa amin ni Sir. Matthew,” wika niya at mabilis na nag-angat ng tingin. “Pero… ’Pa, hayaan na po natin. T-tapos na rin naman po ’yon,” pakiusap niya sa ama. Hindi ito umimik at mariin siyang tinitigan. Nagpakawala ito ng buntonghininga. “Sige, matulog na muna tayo. Bukas natin ’to aayusin at pag-uusapan,” sambit ng kanyang ama. Nagulat siya sa reaksyon nito pero ipinagpasalamat niyang hindi ito nagalit. Hinatid siya nito sa kwarto nila. Pagpasok niya, isasara na sana niya ang pinto nang magsalita ulit ito. “Pero hindi ko palalampasin ang nangyari, anak. Bukas na bukas, mag-uusap tayo at kakausapin din natin ang pamilyang iyon.” Nanlaki ang kanyang mga mata at umiling. Napahigpit din ang hawak niya sa mga pt. “Papa, huwag na po—” “Matulog ka na, Stella.” Pagputol nito sa sinasabi niya at tinalikuran siya. Nakaramdam siya ng takot para sa desisyon ng ama dahil kilala niya kung paano ito magalit. Alam niyang hindi ito papayag sa nangyari. Sinarado niya ang pinto na hindi mapalagay ang kanyang dibdib. Hanggang sa paghiga niya ay kinakabahan siya. Pinilit niyang matulog ngunit hindi siya dinadalaw ng antok dahil sa mga iniisip niya. Pero sa pagpikit ng kanyang mata at sa malalim na pag-iisip, hindi niya namalayang nakatulog na rin siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD