Lumipas ang ilang araw at ngayon na ang araw na pupunta sila sa ibang bansa para sa kasal. Ngunit hindi niya magawang maging masaya, sapagkat hindi niya kasama ang kanyang ama sa ibang bansa. “Papa, sumama na lang po kayo. Kaya naman po siguro gawan ng paraan,” pakiusap niya sa kanyang ama habang nag-aayos ng ilang pirasong damit niya. Wala si Sky dahil pumasok ito ngayon. Mabuti at nakapagpaalam na siya rito kagabi pa. “Sinadya ko talagang hindi sumama, anak. Ibinilin kita kay Melvin dahil alam ko rin naman na hindi ka niya pababayaan,” sagot nito. “Pero bakit po?” tanong niya. “Ayokong iba ang isipin nila sa atin. Wala tayong pera para mamasahe ng sarili. Sapat na sa akin na pakakasalan ka,” wika nito na hindi niya lubos maunawaan. “Hindi ko po kayo maintindihan, papa. Bakit pa po

