“Whooo! Let's party!” sigaw ni Matthew saka lumagok ng alak at hinalikan ang babaeng kasayaw. Kasalukuyan siyang nasa circle club kasama si Kael at isang babaeng doon niya lang nakilala. Nasa gitna sila ng dance floor. Sumasayaw habang nag-iinom. “Take it easy, Matt. Baka makarating ’to sa daddy mo,” bulong ni Kael. Tumigil siya sa ginagawa at hinila ang babaeng kasayaw papunta sa couch. Umupo sila roon at sumunod naman si Kael, hindi niya pinansin ang kaibigan at muling nakipaghalikan sa babae. “Matt, you're getting married. You should stop doing this,” sambit nito sa kanya nang tapikin siya sa balikat. Tumigil siya sa pakikipaghalikan at nilingon ang kaibigan. “Exactly, I’m getting married to the woman I don't even like, kaya dapat lang akong mag-party! Hayaan mo na ako, Kael. Hi

