Maaga siyang bumangon ng araw na ’yon para magluto ng almusal at baon ni Sky. Balik ulit siya sa pag-aasikaso sa kapatid at babalik din siya sa karinderya para muling magtrabaho. Paninindigan niya ang pagsisinungaling niya tungkol sa mga Del Frado para hindi na mag-usisa pa ang mga ito.
Pagkatapos niya magsaing at magluto ng ulam, naglagay na siya sa baunan ni Sky. Saktong nagising na rin ito kaya lumapit na ito sa mesa. Pinaghain niya ito at nagtimpla na siya ng kape na para sa kanilang dalawa.
“Ate, aalis ka?” tanong nito ng mapansin na bago siyang ligo.
“Oo, pupunta ako sa karinderya para magtrabaho ulit. Hindi pwedeng dito lang ako sa bahay,” sagot niya.
“Ganun ba po? Sorry, ate. Naubos ang perang iniwan mo sa akin, ah,” wika nito.
“Hayaan mo na ’yon,” sagot niya. Tumango lang ito at nagpatuloy na lang sila sa pag-aalmusal.
Pagkatapos ni Sky mag-almusal ay nagpaalam na rin ito sa kanya. Nagligpit naman siya ng pinagkainan at hinugasan na iyon para wala siyang trabahong iiwan bago siya umalis. Nang masiguro niyang tapos na siya, nagpasya na rin siyang umalis para magpunta sa karinderya. Sa paglalakad niya, wala siyang ibang hiling kundi sana ay may bakante pa kina Aling Perla para sa kanya.
“Stella? Ano ang ginagawa mo rito?” bungad ni Perla sa kanya. “Pasok ka muna at maupo. Nag-almusal ka na ba?” tanong pa nito. Tumango naman siya ng makaupo siya.
“Bakit ka naparito? May nangyari ba?” tanong nito. Tiningnan niya ito.
“P-pwede pa po ba ako bumalik dito? W-wala na po akong trabaho dahil nagbawas po muna ang mga Del Frado ng kasambahay,” sambit niya.
“Aba! Oo naman. Hindi talaga kami kumuha ng tao dahil para sa ’yo talaga ang bakante rito. Pero ang bilis naman at biglaan yata,” sagot nito.
“Oo nga po. Tatawagan na lang daw po ako kung sakaling kailangan na ulit,” saad niya. Hindi niya sinabi ang totoo dahil ayaw niyang magbago ang tingin nito sa kanya.
“Siya, maupo ka muna kung ayaw mong kumain. Wala pa rin naman ’yung dalawa,” sambit nito. Tumango naman siya at ngumiti. Iniwanan na rin siya nito at nagpunta na sa counter.
Hindi naman nagtagal ay dumating na sina Jenny at Maris. Napansin niya na nakasimangot si Maris ng makita siya. Nang makalapit ang mga ito ay ngumiti siy at tumayo. “Hello! Kumusta kayo? Babalik na ako ulit dito,” bungad niya.
“Talaga? Bakit naman? Hindi ba maganda roon?” tanong ni Jenny.
“Okay naman po, ate, kaso nagbawas muna pansamantala,” sagot niya. Tumango na lang ito at pumasok na para magsuot ng apron. Tiningnan niya si Maris at inirapan siya nito. Nagulat siya sa inasta nito pero hinayaan na lang niya. Sumunod na lang siya sa kusina para kunin ang apron niya.
–
Lumipas ang maghapon na naging maayos naman ang trabaho niya. Kahit pansin niya ang pagbabago ng trato ni Maris sa kanya. Palagi itong nakasimangot at nakairap sa kanya. Hindi niya maintindihan kung ano ang problema nito pero hinayaan na lang niya. Labas na sila at nagsasarado na ng karinderya. May pabaon ulit sa kanilang ulam si Perla kaya hindi na siya mamomroblema sa ulam nila.
“Ingat kayong tatlo, lalo ka na, Stella,” wika ni Perla sa kanila. Nakangiti naman siyang tumango. Ngumiti ito at tinalikuran na sila.
“Mauna na rin ako sa inyo,” paalam naman ni Jenny.
“Sige. Ingat ka, Ate Jen,” sambit niya. Nang maiwan sila ni Maris ay hindi na siya nagtankang kausapin ito. Nilampasan niya ito at aalis na sana siya ng tawagin siya nito. “Sandali, Stella.” Tumigil siya at lumingon dito.
“Bakit—”
“Bakit bumalik ka pa? Sana nanatili ka na lang doon!” singhal nito sa kanya. Nagulat siya sa ginawa nito.
“Ano bang problema mo sa pagbalik ko? Hindi naman kita inagawan ng posisyon dito,” sagot niya.
“Talaga? Eh, sipsip ka kay Aling Perla! Alam mo, sana hindi ka na lang bumalik! Dahil nung nawala ka, nakuha ang atensyon nilang lahat. Pero dahil bumalik ka, naetchepwera na naman ako!” sigaw nito at nilampasan siya.
Doon niya na-realized kung bakit ganun ito umasta, dahil hindi pala natutuwa sa pagbabalik niya. Napabuntonghininga na lang siya. Akala pa naman niya ay kaibigan niya ito pero hindi pala. Mukha isa ito sa inis na inis sa existence niya. Napailing na lang siya bago magpatuloy sa paglalakad pauwi ng bahay nila.
Nang makauwi siya, nadatnan niya ang kanyang ama sa sala nila. Nakahiga sa mahabang upuan at tulog. Halata rin na lasing ito dahil may bote na naman ng alak sa lapag. Dumiretso siya sa kusina at dinala roon ang ulam bago bumalik sa sala. Pinulot niya ang bote at inayos ng higa ang ama. Pagkatapos ay bumalik siya sa kusina na makalat din. May plato at kalat-kalat na kanin, marahil kumain ang kanyang ama bago ito nakatulog. Hindi na siya nagreklamo pa sa sarili dahil sanay na siya sa ganoon. Isa pa, wala namang magbabago kahit dumaing siya. Pero iniisip niya kung ano nga ba ang tuluyang makakapagpabago sa ama.
**
Samantala, si Matthew naman ay hindi makapag-focus sa opisina dahil sa nangyari. Nakaramdam siya ng guilty ng masisanti si Stella pero wala siyang magawa. Hindi niya maalalaa ang buong nangyari. Ang alam lang niya ay nag-iinom sila.
“Dapat, humingi ako ng tawad sa kanya. Kung may nangyari man sa amin, ang gago ko. Mabait si Stella kaya dapat lang ako mag-sorry sa kanya,” sambit niya bago bumalik sa pagtatrabaho. Tumayo na siya at lumabas ng opisina.
Pupuntahan niya ang mga alak na ide-deliver sa ibang bansa. Kailangan niyang i-check kung maayos ba ang pagkakabalot ng mga iyon at kung kumpleto dahil ayaw niyang mapahiya. Dadalhin kasi ang mga ito sa New York.
Pero hindi pa man siya nakakarating ng makatanggap siya ng text mula sa ina.
| Umuwi ka ng maaga, Matt. We have something to talk about. |
Pagbasa niya sa text nito. Napabuntonghininga muna siya bago nagtipa ng reply.
| Yes, mom. I’ll just check here then I will go home. |
Ni-send na niya iyon. Hindi na siya nagreklamo o nagtanong dahil hindi rin naman siya sasagutin ng ina. Dahil sa nangyari sa kanila ni Stella, mas lalong naging mahigpit ang ina sa kanya. Para siyang babae kung paghigpitan nito. Hindi pa naman alam ng kanilang ama ang nangyari kaya hindi pa siya nito nakakausap. Hindi rin niya alam kung ano ang plano ng kanyang ina pero kung ano man ’yon, sana hindi iyon makakahadlang sa hobbies niya dahil hindi rin niya alam kung paano matatanggihan ang ina dahil sa nagawa niya. Napabuntonghininga na lang ulit siya bago dumiretso sa ibaba.
Nang masiguro niyang maayos ang mga alak sa kahon, umalis na rin siya para umuwi sa kanila. Ayaw muna niyang bigyan ng dahilan ang ina para pagdudahan siya nito dahil ayaw niyang madagdagan ang paghihigpit nito. Pagdating niya sa kanila, nanibago siya na hindi niya nakita si Stella. Naging magkaibigan sila at naging sandalan niya ito sa mga problema niya pero wala siyang magawa ngayon.
“Good evening, manang. Si mom?” tanong niya kay Divina. “Nasa office niya. Hinihintay ka na nga niya,” sagot nito.
“Sige po. Thanks, manang,” sagot niya. Tumango lang ito kaya iniwan na niya ito at umakyat na siya sa taas.
Pagdating niya roon, wala ang kanyang ina kundi si Myra lang. "Saan si mommy?’” tanong niya.
“Nagpapahinga dahil tumaas ang dugo. Nasobrahan yata sa pag-iisip. Bakit?” tanong nito sa kanya.
“May pag-uusapan daw kami,” sagot niya.
“Bukas na lang siguro dahil tulog,” wika nito.
“Sige, ate. Pahinga muna ako,” sagot niya.
“Okay, bumaba ka na lang kapag kakain na tayo,” wika nito. Tumango na lang siya at dumiretso na sa kwarto. Humiga siya roon at agad siyang nakatulog marahil sa sobrang pagod sa trabaho.