Chapter 12: Dampi ng Labi

2372 Words
* LUMIPAS ang isang linggo na mas naging close sila ni Matthew. Sa tuwing umuuwi ng late si Matthew at saktong lalabas siya para magbanyo o uminom ay nag-aabot sila, kaya naman madalas niya itong ipagtimpla ng kape at nagkukuwentuhan din sila. Tulad ngayon, linggo ng gabi at magkasama sila sa gilid ng swimming pool. Nagkukuwentuhan sila habang humihigop ng kape si Matthew. “Hindi ka ba nagsasawang mag-inom? Parang ang hilig mo mag-inom,” wika niya. Humigop ito ng kape at tumingin sa kanya saka ngumiti. “Kaya nga ako nasa alak business kasi ito ang hilig ko. Naging maganda naman ang resulta, although hindi naman ako nagpapasobra sa pag-iinom,” sagot nito. Napatango siya sa sinabi nito. Sabagay, may punto naman ito. Bakit pa nga ito lalayo ng business kung iyon naman ang hilig nito. “Ikaw, ano ang gusto mong trabaho o pangarap mo sa buhay?” tanong nito. Natigilan siya at namangha sa sinabi nito dahil hindi niya inakalang magiging interesado ito sa kung anong pangarap niya. Madalas kasi kapag nagkukuwentuhan sila ay puro sa trabaho ang napag-uusapan nila. “Ahh, okay naman ako kahit ano’ng trabaho ang mapasukan ko dahil ang pangarap ko ay para na lang sa kapatid ko,” sagot niya. Napakunot ang noo nito. “Wala ka bang pangarap para sa sarili mo?” tanong nito. Mapait siyang napangiti. “Meron, kaso ang labo haha. I mean, malabong matupad ngayon dahil sa physical na anyo ko,” aniya. “What’s wrong with your body? Well, you're maybe chubby but you have a good heart. Wala naman sa ganyan ang basehan para hindi matupad ang pangarap ng isang tao,” wika nito. “Weh? Hindi ka tatawa kapag sinabi ko?” tanong niya. Tumango ito kaya pinagsingkit niya ang mga mata niya. “Promise?” paniniguro niya. Tumikhim ito at umayos ng upo. “Alright, I won't promise. Depende sa sagot mo. Isa pa, we're friends so kung tumawa man ako wala lang iyon,” sagot nito. Napangiti siya habang naiiling. “Alam ko tatawa ka pero sige sasabihin ko pa rin. Gusto ko talaga mag-model hehe,” wika niya at tumawa ng peke. “Kaso my body won't agree with me kaya okay na ako na pangarap na lang ng kapatid ko ang tutuparin ko,” dagdag niya. "Oh, wala naman pala masama sa pangarap mo. Anyone can be a model, lalo na sa generation ngayon. Kahit chubby ginagawang model. Well, naririnig ko nga sa mga empleyado na chubby is the new sexy,” anito. “Hindi ka natawa? Kasi noon, palagi akong tinatawanan kapag sinasabi ko ang gusto ko. Si Sky nga lang ang naniniwala sa akin,” kuwento niya. “Because it's not funny. Anyway, ilan kayong magkakapatid?” tanong nito. “Ah, dalawa lang kami at lalaki siya,” aniya nang biglang umilaw ang cellphone nito na nasa mesa. Nakita niyang may text message na pumasok. Napatingin din doon si Matthew at dinampot nito iyon. Sinamantala niya iyon para magpaalam dahil nakita niya rin ang oras at ala una ng madaling araw. “Sir, mauna na po ako. May trabaho pa po ako bukas. Pahinga na rin po kayo at sana po matapos na ang problemang kinakaharap ninyo,” sambit niya. “Oh, sure, thanks for the coffee and for being here. I appreciate you. Goodnight, Stella,” sagot nito. Ngumiti lang siya at tumango saka tumalikod. Iniwan niya ito roon at dumiretso na siya sa loob ng bahay. Pagpasok niya sa loob ng bahay ay dumiretso na siya sa kwarto nila upang makapagpahinga dahil maaga pa siyang babangon bukas. ** Samantala naiwan si Matthew mag-isa na nakaupo. Napahawak siya sa kanyang sentido at napabuntonghininga nang mabasa ang text ni Rina. Sa totoo lang, hindi pa tapos ang problema niya kaya hindi siya pumupunta sa diamond club at umiinom lang ng konti kasama si Kael pero walang babae. Ayaw niyang mag-enjoy sa babae habang may problema. Mabuti na lang at kahit paano ay may nakakausap siya kapag umuuwi siya ng bahay, dahil hindi niya rin magawang sabihin sa pamilya ang problema. Sapagkat hindi siya masyadong pinakaealaman ng mga ito kapag may problema siya sa kompanya. Text message from: Secretary Rina Sir, gusto na rin po mag-full out ng shares ang ibang shareholders. Lilipat po sila kay Mrs. Santos dahil sa magada nitong offer. Bigla rin pong bumagsak ang sales natin for this month. Bukas po, may maaga pong meeting with sa dalawang natitirang shareholders ng company. They want to talk to you. Iyan ang laman ng mensahe ni Rina sa kanya. Hindi na niya alam ang gagawin. Mukhang mahirap kalaban si Mrs. Santos pero ano ang magagawa niya? Ginawa lang naman niya kung ano ang sa tingin niyang mabuting gawin. Muli siyang napabuntonghininga bago nagtipa ng reply kay Rina. Text message to: Rina Okay. Thanks for the update. Magpahinga ka na. Reply niya rito. Sumagot pa ulit ito pero hindi na siya nag-reply at nagpasyang ng tumayo. Magpapahinga na siya dahil baka lalo lang sumakit ang ulo niya kung iisipin niya ’yon ngayon. Bukas na lang niya haharapin ang lahat ng problema. ** Kinabukasan, maaga pa lang ay natunugan na ni Stella ang pag-alis ng sasakyan ni Matthew. Nagtaka siya dahil mag-aalasais pa lang, kadalasan ay umaalis ito ng alasyete. Ipinagkibitbalikat na lang niya iyon at nagtimpla na ng kape. Pagkatapos ay naisipan niyang lumabas para sana magdilig ng halaman habang nagkakape pero madilim ang kalangitan. Tila nagbabadya ng ulan kaya hindi na siya lumabas. At hindi nga siya nagkamali, dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nilamig siya dahil sa lakas ng hangin kaya napayakap siya sa sarili. Nakaramdam din siya ng antok dahil sa lamig ng panahon kaya pinaspasan niya ang pagkakape. Pagkatapos ay kinuna na niya ang panglinis saka umakyat sa second floor para linisin ang kwarto ni Matthew. Nasunod ang hiling nitong siya ang maglinis ng kwarto nito kaya palagi tuloy mainit ang dugo ni Clara sa kanya. Hinahayaan na lang niya dahil alam niyang wala siyang ginagawang mali. Isang linggo na niyang ginagawa ’yon kaya halos kabisado na niya ang dapat gawin sa silid nito. Dahil lunes na, papalitan niya ang kurtina at bedsheets nito. Iyon ang utos ni Elvira sa kanila. “Hmm, ilang babae na kaya ang naiuwi niya sa kanila at naipasok sa kwarto na ito? Marami na siguro,” bulong niya habang nagpapalit ng kobrekama. Naikuwento rin kasi nito ang kalokohan nito pagdating sa babae at aminado itong chick boy siya. “Kapag nagseryoso si Sir Matthew, maswerte ang babaeng magiging asawa niya. Dahil mabuti itong tao kahit pa nanggaling sa mayamang pamilya. Bagay lang talaga sa kanya ang kapareho ng estado niya,” dagdag niya pa habang patuloy sa ginagawa. Nang matapos siyang magpalit ng kobrekama ay isinunod niya ang kurtina. Saka siya nagwalis sa loob at nag-mop. Nilinis na rin niya ang banyo nito. Sunod ay tiniklop niya ang mga damit nito na natapos na labahan para bago siya lumabas ay malinis at maayos na lahat. Dinouble check niya muna ang loob bago siya lumabas. Isinarado niya ang kwarto at lumipat siya sa sunod na kwarto. Pero saktong lumabas din si Mira sa isang kwarto. Papasok sana siya sa kwarto ni Elvin nang pigilan siya nito. “Si Clara naglilinis diyan. Habang iyong kay Ma'am Myra ay naka-locked pa. Tulog pa yata. Nalinis ko na kina Ma'am Elvira kaya sa baba na tayo,” wika nito. Napatango siya at sabay na silang bumaba mula sa second floor. Dumiretso sila sa sala para doon naman maglinis. Dahil umuulan, wala siyang trabaho sa labas. Umalis na si Rissa kaya tatlo na lang silang naglilinis sa taas at nagpapalitan ng trabaho. Pero wala naman nagbago sa trabaho nila, pwera lang sa tanging siya lang ang pwedeng maglinis sa kwarto ni Matthew. Bumalik Napansin nila si Manang Divina na nasa b****a ng pinto ng front door at nakatingin sa kalangitan. Nilapitan niya ito dahil napansin niyang may hawak itong bayong. “Manang, may problema po ba?” tanong niya. “Oh, wala na kasing laman ang ref, hindi ako nakapamili kahapon. Nag-request si Marvin ng may sabaw kaso wala ng gulay at karne. Nahihirapan pa naman ako mamili kapag ganitong maulan dahil madulas sa palengke,” sagot nito. “Ganoon po ba? Kung gusto ninyo po ako na lang muna mamamalengke. Ilista ninyo na lang po ang mga kailangan bilhin,” suhestiyon niya. Nagulat ito sa sinabi niya pero ngumiti lang siya. “Sigurado ka? Hindi mo naman ito trabaho,” sambit nito. “Ayos lang po sa akin. Makakapaghintay naman po ang trabaho ko,” aniya. "Oh, sige, salamat. Ito na ang listahan ng lahat ng kailangan mo. Nakalis na ’yan kagabi pa,” wika nito at ibinigay ang pera at listahan sa kanya pati ang bayong. Tumango naman siya at lumabas. Kumuha siya ng payong sa b****a ng front door. “Aalis na po ako,” paalam niya. “Sige, mag-ingat ka, hija,” paalala nito. Tumango lang siya at tuluyan nang umalis. May sasakyan at driver naman ang mga Del Frado, pero nagkataon na sira ang sasakyan at umuwi sa probinsya ang driver nila kaya wala talaga silang service ngayon. Marunong naman siya mamalengke kaya nagpresinta na siya. * Sa kabilang banda naman, napahinga ng malalim si Matthew dahil kahit paano ay nag-stay sa kanya ang dalawang natirang shareholders kasama sina Mr. Benitez at Mr. Andrews. Hinayaan na lang niya ang ibang investors niya na umalis sa kompanya niya at lumipat kay Mrs. Santos. Alam naman niyang kaya niyang bawiin ang mga nawala basta matapos lang ang problema niya. “Sir, okay na po. Naibigay ko na po ang kailangan nila. Hindi na po sila babalik dito para kulitin kayo,” wika ni Rina. Tinutukoy nito ang mga umalis na investor. Tumango siya at tipid na ngumiti. “Okay, thanks. Anyway, this coming end of the month, i-update mo ako sa sales para makita ko kung worth it ba na tinanggap ko sina Mr. Benitez at Mr. Andrews sa company ko,” paalala niya. “Copy po, sir,” sagot nito. “Gusto ninyo po ba ng kape? Masarap pong humigop ng mainit na kape ngayong umuulan,” sambit nito. Agree siya roon pero gusto niya ang kape ni Stella kaya umiling siya. “No thanks, Rina,” sagot niya habang nakangiti. Tumango lang ito at iniwan na siya. Paglabas nito napasandal siya sa swivel chair niya. Finally, wala na siyang masyadong iisipin. Kailangan na lang niyang ma-maintain ang sales nila dahil malaki ang ibinaba nito. Pero bago ’yon, deserve niyang mag-party ngunit tatapusin muna niya ang ilang trabaho sa opisina bago magdiwang. Kaya bago pa siya dalawin ng antok ay nagsimula na siya magtrabaho. – Pagpatak ng alasais, saktong natapos ang ginagawa niya kaya agad niyang kinuha ang cellphone para mag-text sa ina na hindi ulit siya makakasabay kumain. Hindi na niya hinintay ang reply nito at tumayo na. Lumabas siya ng office niya at naglakad papunta sa elevator. Sapagkat, it's party time. Isang linggo siyang hindi nakapunta sa diamond club kaya babawi siya ngayon. Ilang babae na rin ang tinanggihan niya kaya ngayon oras naman para bumawi siya sa sarili niya. Pagbaba niya ng parking, dumiretso siya sa kotse niya at sumakay. Bago niya paandarin iyon ay nag-text muna siya kay Kael na magkita sila sa diamond club. ** Habang nagsasalin si Stella ng tubig sa mga baso ay hindi niya maiwasang makinig sa sinasabi ni Elvira. “Let's eat. Hindi makakasabay si Matthew kaya huwag na natin siyang hintayin,” wika nito. Saktong natapos siya sa pagsasalin kaya umalis na siya roon pero hindi mawala sa isip niya ang kanyang narinig. – Hanggang sa matapos silang kumain at oras na ng pahinga ay hindi pa rin mawala ang narinig niya. Hindi tuloy siya makatulog at tila naging routine na ng katawan niya na hintayin si Matthew lalo na at alam niyang nasa labas ito. Bago siya lumabas, sinilip muna niya si Clara at Mira kung tulog na ito. Nang masiguro niyang malalim na ang tulog ng mga ito ay dahan-dahan siyang lumabas. Dumiretso siya sa kusina at nagtimpla ng kape na para sa kanya saka siya naupo sa isang upuan. Habang nagkakape siya, nagawi ang tingin niya sa orasan na nasa dining area at nakitang alas dos na ng madaling araw pero wala pa si Matthew. Bilang kaibigan, nag-aalala siya rito. Pero naghintay na lang siya para maipagtimpla ito ng kape kung sakaling nakainom na naman ito. Nang mangalahati siya sa pagkakape ay nakarinig siya ng pagparada ng sasakyan kaya agad niyang inubos ang kanyang kape at hinugasan ang tasang ginamit. Pabalik na sana siya sa kanyang kwarto nang maaninag niya si Matthew na pumasok ng pintuan. “Bakeeet ang dilyim? May ashwang ba rito?” sambit nito at halatang lasing dahil ngongo na magsalita. Biglang lumiwanag sa sala kaya nakita niya ang itsura nito. Nakasandal sa pader sa b****a ng pinto habang mapungay ang mata. Nang mapansin siya nito ay ngumiti ito. “Styella?” tawag nito at ngumiti. Napailing siya bago ito lapitan. Isinarado niya ang pinto at tiningnan ito. Hindi niya in-expect na malalasing ito ng ganito pero nagawa pang mag-drive. Inalalayan na lang niya ito para ihatid sa kwarto nito. "Styella…ikaw pala ’yan? Bakeeet ang ganda mo ngayong lasing ako?” sabi nito at tumawa. “Kaso ang taba mo,”dagdag nito. Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. “Kaya ko pa maglakad, nakapag-drive nga ako,” wika nito at lumayo sa kanya. Hinayaan niya ito at totoo ngang kaya pa dahil nakatayo pa ito mag-isa. “Look at me. I can walk to my room!” sambit nito at nagsimulang humakbang ng hagdanan. Hindi siya nagsasalita at nakaalalay lang dito dahil baka dumulas ito. Napahinga siya ng makarating ito sa taas kaya hinila na niya ito papunta sa kwarto nito. Inihiga niya ito sa kama at iiwanan na sana niya nang pigilan siya nito. Hawak nito ang braso niya at bago pa lang sana siya magsasalita nang hilahin siya nito palapit kaya napasubsub siya dahilan para maglapat ang mga labi nila. Nagulat siya sa nangyari kaya sinubukan niyang lumayo pero niyakap siya nito ng mahigpit at nagsimulang gumalaw ang labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD