bc

The Billionaire's Punishment

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
forbidden
love-triangle
contract marriage
one-night stand
reincarnation/transmigration
family
HE
escape while being pregnant
time-travel
teacherxstudent
love after marriage
system
age gap
fated
forced
opposites attract
second chance
pregnant
arranged marriage
shifter
curse
playboy
badboy
kickass heroine
sporty
neighbor
stepfather
mafia
single mother
heir/heiress
blue collar
drama
tragedy
sweet
lighthearted
serious
kicking
bold
single daddy
werewolves
campus
city
medieval
office/work place
pack
small town
cheating
childhood crush
disappearance
enimies to lovers
lies
rejected
secrets
soul-swap
superpower
war
ancient
love at the first sight
affair
friends with benefits
addiction
assistant
actor
substitute
like
intro-logo
Blurb

Anicane Wolmer, edad labing siyam na taong gulang. Simpleng babae na ang hangad ay mahalin ng kanyang pamilya. Ngunit sadyang ayaw ibigay sa kanya. Kaya tinanggap na lang niya ang kanyang kapalaran na ang tingin sa kanya ng tunay na pamilya ay isang basura o walang silbi. Subalit nawindang siya isang umaga nang sabi ng kayang ama na balak siyang ipakasal nito sa anak ni Mr. Azrael Blanco dahil sa malaking pagkakautang ng pamilya nila.  Subalit ayaw sa kanya ng anak ni Azrael Blanco dahil ang gusto nito ay ang kanyang kapatid sa Ama. Paano niya ipagsisigawan na ang taging iniibig niya ng lihim ay si Mr. Azrael Blanco na ama ng lalaking mapapangasawa niya.     May pag-asa pa kaya si Anicane na makamtan ang pag-ibig na inaasam lalo na’t kapag nakikita siya ng kanyang soon to be father-in- law ay palagi itong galit sa kanya. Makakaiwas pa kaya siya sa kasal na hindi niya gustong mangyari?    Abangan

chap-preview
Free preview
Isang Kilong Bigas
Pana'y ang buntonghininga ko habang nakatingin sa mga paninda kong bigas. Napansin ko lang, simula kahapon at hanggang ngayon ay sobrang hina ng bentahan dahil siguro sa bagong tayo na bigasan na halos katabi lang din ng maliit kong tindahan ng bigas. . Napag-alaman kong mas mura roon ang bigas kaya halos doon na sila bumubili. Mabilis kong tiningnan ang benta ko ngayon araw. Lalo akong nalungkot nang makita kong nasa dalawang daang piso lang. Nang tingnan ko rin ang oras ay nakita kong ala-singko na ng hapon. Mukhang walang pag-asa ngayon araw. Humakbang ang aking paa papalabas ng tindahan ko. Nang tumingin ako sa katabing tindahan ay nakita kong maraming bumibili roon. Nakakainis naman, noong wala pa ang bigasan na ‘yan sa akin sila bumubili dahil ako lang ang may bigasan dito sa lugar na namin. Ang masaklap pa’y bagsak presyo rin ang ginawa nila. . Hindi lumaban ng patas, samantalang ang mahal-mahal ng bigas ngayon. Napatanong tuloy ako sa aking sarili? May kinikita pa kaya sila? Hindi kaya sila malugi sa kanilang ginagawa? Hay! Iwan ko sa kanila. Laylay ang balikat ko nang muling pumasok sa loob ng tindahan ko. Pabagsak akong naupo sa bakanteng silya. Ilang sunod-sunod na paghinga ang aking ginawa. Hindi ko kailangan mainggit. Ang mahalaga ay lumalaban ako ng patas. Pariin kong ipinikit ang aking mga mata at nag-isip ng maayos. Hindi talaga puwedeng malugi ang bigasan ko. Ito lang ang tanging naiwan na pamana sa akin ni Mama nang mamatay ito. May isang taon na rin na wala akong Ina. Ngunit sa loob ng taon ay lumalaban ako at kinakaya ang lungkot at pagkawala ng aking mahal na ito. Masakit pa rin at hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na hindi ko man lang nabigyan ng tamang hustisya si Inay. Ang driver ng kotseng bumangga kay Ina ay hindi man lang nakulong dahil nagbayad ito ng limang daang libong piso kay Itay. Sobra kong tinutulan ang pasya ng aking Ama lalo at matagal na silang hiwalay. Ngunit nagbanta si Itay na kung hindi ako papayag na areglong gusto ng taong bumangga kay Inay ay itatakwil niya ako bilang anak, mawawala rin daw sa akin ang maliit na negosyo na ito at sa kalye ako matutulog. Titiyakin daw nito na walang taong tatanggap sa akin. Labing walong taon lamang ako noong mga panahon na ‘yon ng mamatay si Inay at sadyang takot sa aking ama. Natanggap ng aking ama ang limang daang libong pisong bayad. . Nalaman ko rin na ibinigay lamang pala ni Itay ang pera sa kinakasama nitong babae. Halos ka-edad ko rin ang anak ni Itay sa ibang babae. Ang sakit lang dahil baby pa lang ako ay iniwan na ni Itay ang Inay ko. Ang aking Ina ang naging ama at Ina sa akin. Ang tanging pinakasalan ni Itay ang babaeng ‘yon. Mayaman ang angkan ng asawa ng babae kaya mas pinili nito kaysa kay Inay. At ako ay anak lamang sa labas o mas tamang sabihin na bastarda. Sa ngayon ay sa kanila ako nakatira. Kinuha ako ni Itay mula ng mamatay si Inay. Pinatira lamang ako sa bahay nila upang sabihin ng mga tao na naging mabuting ama siya sa akin. Ngunit ang hindi nila alam, iba ang trato nila sa akin. Saka kahit nakatira ako sa kanila ay hindi naman libre ang pagkain ko roon. ANG tanging libre lang ay ang kwarto na aking tinutulugan. Kailangan ko pa ring magbayad ang tubig at kuryente. Sa loob ng isang buwan ay kailangan kong magbigay ng dalawang libong piso sa stepmother ko. Kung tutuusin ay halos sa gabi lang ako nandoon. Maaga rin akong umaalis. Sa tubig naman, minsan ay rito ako naliligo sa maliit kong tindahan. May cr kasi rito. Hindi kasi puwedeng matulog dito lalo at maliit lang ito. Kung mangungupahan naman ay mahal, kailangan ko ng limang libong piso. Kaya nagtiis na lang ako sa bahay ng Itay ko. Kahit na alam kong sinusuka nila ako. May binabayaran din naman akong renta sa aking tindaha. Limang daang piso lamang dahil Ninang ko ang may-ari nito. Sa tubig at kuryente ay nasa limang daang piso lang din. May kaunting ipon si Inay, ngunit hindi ko puwedeng gastusin dahil gagamitin ko ‘yon kapag pumasok na ako sa sunod na taon. Gusto kong bumalik sa pag-aaral. Kailangan kong mag- college katulad ng gusto ng aking Ina. Inipon nito ang pera upang ipagpatuloy ko ang pag-aaral. “Ms. Pabili nga ng limang kilos bigas.” Mabilis pa sa alas-kwatrong nagmulat ako ng mga mata. Nakita ko ang mukha ng isang babae. Dali-dali akong tumayo upang ipagkilo ito ng bigas. Medyo gumanda ang mood ko dahil kahit papaano ay nagdagdagan ang benta ko. Bago umalis ang babae ay talagang tudo pasalamat pa ako rito. Tangka na sana akong uupo sa bakanteng silya nang marinig ko ang ugong ng sasakyan na huminto sa tabi ng tindahan ko. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumukas ang pinto ng kotse at iniluwa ang isang lalaki. Base sa itsura nito ay driver ito. “Ms. Pabili nga ng isang kilong bigas,” anas ng lalaki. Mabilis akong nagkilo. “Ms. Tumatanggap ka ng card, wala kasing cash ang boss ko.” Biglang napataas ang kilay ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. “Cash lang po ang tinatanggap ko, saka nasa halagang 58 pesos lamang ang babayaran mo, manong.” “Sandali lang Ms. At kakausapin ko lang ang boss ko.” Tanging pagtango na lamang ang aking ginawa. Muli akong naupo sa bakanteng silya. Nang tumingin ako sa mamahalin kotse ay nakita kong bumukas ang bintana. Hindi ko naman nakita ang tao sa loob. Mayamaya pa’y muling bumalik ang driver. “Ms. Ang sabi ng boss ko, uutangin na lang muna niya ang isang kilong bigas. Pakilista na lamang—” Halos mahulog ako sa aking kinauupuan. “Ha? Teka lang, kailan ang bayad niya?” “Kapag dumaan ulit kami rito--- Huwag kang mag-alala, Ms. Dahil hindi naman tatakbo ang boss ko sa halagang 58 pesos lamang—” Mariin ko na lag kinagat ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay na- scam ako. Ang tanging ngawa ko na lang ay sundan ng tingin ang kotse ng taong umutang sa akin ng isang kilong bigas . Ang yaman-yaman nito tapos uutangan pa ako. Parang hindi naman yata makatarungan ‘yon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.7M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
638.6K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.2M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
876.2K
bc

A Warrior's Second Chance

read
306.8K
bc

Not just, the Beta

read
313.9K
bc

The Broken Wolf

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook