Allen
I jumped on the trees, branch to branch. Gusto kong pumunta sa kaharian ng Geothem. I know it's kinda risky pero gusto ko munang alamin ang mga balak nila.
"You okay boy?"
I clenched my fists dahil naalala ko na naman 'yun.
Sir Gaius...
Tch!
I moved my legs faster at pakiramdam kong may papunta sa akin galing sa likod so I dodged it and landed on the branch.
May nakita akong isang itim na dagger na nakatusok sa trunk ng isang puno na kaya naalerto ako at tumalon ng napakalakas paitaas kaya nakita ko ang mga puno sa baba ko.
Someone's here. "Hmm..." May biglang sumunod na tumalon sa akin na mga Goblins papunta sa direksyon ko galing sa mga puno papunta sa akin at may dala silang pana, daggers at spears.
Goblins... na naman...
Bigla naman nila akong tamaan ng mga weapons nila but I just dodge and flipped over it.
Just a small fry. Mga minions lang 'to ng hari sa Geothem, ang papayat nila at sa hips lang ang may takip na itim at maduming tela hanggang sa legs nila. I spun myself then sinummon ang wind blades ko at tinira sa kanila pero may iniwan akong isang goblin. I landed myself on the goblin who threw a dagger that I dodged earlier at sinipa ang tyan niya kaya dumeretso siya sa branch ng puno at napaluwa naman siya ng itim nitong dugo.
"Tell me, anong plano niyo?" Tanong ko sa kanya habang nakapatong ang paa ko sa tiyan niya. Ginawa niya ang lahat na makakaya niya para alisin ang paa ko sa tiyan niya but he failed. Nilagay ko ang paa ko sa leeg niya then he choked.
"Speak!" Sigaw ko. I know that I don't have any mercy to this creature, pero taga-Geothem 'to, so it served it right, tsaka ang lakas ng loob nila para sumulong sa loob Academy last year... sa all girls dorm pa.
Sinakal ko siya gamit ang paa ko, "Khak! Ka! Kaaak! O-ak! Oo na! Ak!" Inalis ko na ang paa ko sa leeg niya kaya napaubo ito.
I stomped my right foot really hard on the trunk malapit lang sa mukha niya at nabigla naman ito.
Nilagay ko ang braso ko sa tuhod ko at lumapit sa mukha niya. "Sasalita o mamamatay?" Pananakot ko sa kaniya.
Tumawa ito kaya napadikit nalang ang dalawa kong kilay. "Hehehe... M-malas ka babae... S-Sapagkat wala akong alam sa mga plano n-ni Falkor..." Sabi niya habang pinakita niya sa akin na matapang parin siya sa harapan ko pero halatang halata sa mukha niya na takot na takot na siya habang gumagapang papaatras sa sinandalan niyang puno.
Pathetic....
Well then, I don't need this small fry. Kung sinabi niya lang sana sa akin ang plano, papatayin ko siya na walang mararamdamang sakit. Wala naman akong makukuhang impormasyon nito kaya binaba ko ang paa ko. I just summoned my sword at tiningnan ito ng goblin.
Embes na matakot siya ay napatulala lang ito sa sword ko. Tch... I just swing my sword at pinugutan siya ng ulo kaya tumalsik naman ang maitim niyang dugo sa cloak ko. This is just a waste of my time... I swing my sword again at tumalsik ang itim na dugo paalis sa sword ko.
Sinuot ko ang hood ko at naglaho na ang sword ko.
Biglang pumutok ang isang imahe ng babaeng nakangiti sa akin habang nakahawak ng mga bulaklak. Hindi ko makikita ang mga mata niya kundi ang tanging ngiti niya lang.
Who's that?
I just shook my head and positioned myself saka tumalon ng napakalakas sa itaas ng puno kaya naputol ang branch na tinalunan ko at nakikita ko ulit ang paligid. Ang dami ko palang napatay....
"I better hurry, kailangan ko na talagang maligo." I spun at may sumabog na malakas na hangin galing sa akin at papunta sa lahat ng lugar na pabilog ang pagkalat. Halos maputol na ang mga sanga ng mga puno dahil sa ginawa kong pagsabog ko ng hangin. Well, it's called purification, inalis ko lang ang negative energy sa paligid kaya natutunaw na ang mga bankay ng mga tagageothem.
May narinig akong malakas na pakpak na lumilipad sa itaas ko kaya alerto akong tumingin sa itaas ko at nababalutan na ako ng anino.
Amaya
Nandito ako sa labas ng dorm, nakaupo sa isang bench habang niyakap ang mga binti ko.
Naalala ko pa 'yung sinabi ni lola tungkol kay lolo noon.
"Ang lolo mo? Sa totoo lang, nagustuhan ko siya dahil sa pagkamatapang, pagkabait niya, at minsan rin ang tanga niya at... Sa.... Kagwapohan niya rin syempre haha..."
Bumuntong hininga nalang ako... Tanga rin pala si lolo.... Kagaya ko.... Nagpapout ako habang nakapatong ang chin ko sa tuhod ko.
Nabigla naman ako 'nung may nagsalita sa isipan ko.
"Everybody in Cladonia Academy, may bibisitang ibang kaharian dito kaya dapat tayong maghanda at iready ang Clobro. You have 24 hours to get ready so better get moving." A-ano yun?! Ba't may biglaang nagsalita sa utak ko?! Tsaka ang ibang kaharian bibisita dito?!
Nakita kong nagmamadaling nagsisitakbuhan ang mga babae at ang iba naman ay biglang nawala at ang iba naman ay lumilipad gamit ang malalaking ibon.
T-teleportation ba 'yun?! Tsaka! Isa ba 'yung dragon?! Ba't itsurang ibon na parang manok na ang tataas ng mga kuko?!
Nakanganga pa rin ako sa nakikita ko kanina dahil ang laki ng ibon tsaka ang ganda pa. Teka... Saan ba sila pupunta? Narinig din ba nila 'yung narinig ko?
Sumakit na naman ang tenga ko 'nung may sumigaw galing sa malayo. "Tsk! Swerte kayo may Zedra na kayo! Ba't ba kasi hindi pa lumalabas sa itlog 'yung Zedra ko?! Tsk! Nakakainis talaga!" Napakunot naman ang noo ko dahil ang layong layo ng lalakeng 'yun na nagsasalita mag-isa tapos narinig ko. Teka! Paano napadpad iyang lalakeng 'yan dito sa teritory ng all girl's dorm?
"Ohh? Hindi pa pumisa Zedra niya?"
Nabigla ako 'nung narinig ko ang boses ni Allen kaya napahawak naman ako sa dibdib ko. "Maganda ako! Jusko! Tinakot mo ako- M-mahal- I mean! Allen! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya habang nakatukod and dalawang braso nito sa inuupuan kong bench.
Tumuwa ito at inalis ang mga kamay sa bench, "haha, Sorry I'm kinda sneaky sometimes kaya masanay ka na." Sabi niya sabay smirk at sumandal siya sa puno at nakacrossarms na nasa likod ng bench na itong inupuan ko ngayon.
Kanina lang pa ba ito dito? "K-Kanina ka lang ba diyan?" Medyo nautal kong tanong sa kaniya, hindi pa kasi umalis ang sakit ng puso ko dahil sa pagkabigla niya sa akin.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko tapos inakbayan ako, "easy lang kasi sa puso mo baka biglang lumabas 'yan." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Yumuko ako dahil ramdam ko ang init na naman ng mukha ko.
"Pero sa totoo lang kailangan mo na talagang tumulong sa mga estudyante dun sa Clobro para iready ang lupain." Ha? Saan ba 'yan? Tsaka... Ba't naman ako tutulong? Eh hindi pa nga ako 'official' na estudyante dito eh.
"Isa ka ng estudyante dito, ang hari na mismo ang bumabahala sa lahat ng mga papeles mo." Ha-Hari?! Ha?!
"Pahiramin ko muna si Verluz sa iyo." Mas dumikit ang dalawang kilay ko. Huh? Verluz? Sino na naman yan?
Tumayo ito at biglang nagwhistle ng napakalakas kaya napatakip ako sa mga tenga ko dahil sa lakas ng pagwhiwhistle niya! Mukhang hindi na 'to normal na tao! Ang lakas ng whistle niya! Well, hindi naman talaga siya normal na tao!
Napabilog naman ang mga mata ko sa nakikita ko sa itaas ng langit. Isang napakalaking kalapati- hindi! Parang isang uwak na kulay puti!
Tumapak ito sa lupa kaya tumayo ako at lumapit kami sa mala-higanteng puting uwak na ito. "Verluz, meet Amaya, Amaya, meet my Zedra, Verluz." Uh-Uhh.... Hindi ako makagalaw! Ang laki ng ibon! Mas malaki pa sa ibang ibon na nakita ko kanina!
"Ikinagagalak ko pong makilala ka, binibining Amaya." N-N-Nagsalita! Ang ibon! Ang ibon nagsalita! Tsaka ang lalim ng boses niya ah, halos nagecho ang boses niya 'nung nagsalita ito!
"Shoot... Amaya, mukhang kailangan mo nang bumalik sa utak mo, may papunta dito, kaya sakay na, dali." Sabi ni Allen kaya nanginginig na ako sa takot, baka kasi mahulog ako! Huhu! Paano na kung mabalian ako ng buto? Magkaskull fracture? Masira ang mukha k-
Napigilan naman ako 'nung bigla niyang nilagay sa akin ang mataas niyang puting coat niya sa likod ko kaya nakapolo na lang siya ngayon.
Nilagay niya ang mga kamay niya sa waist ko at kinarga sa likod ni Verluz, uminit na naman ang pisngi ko kaya yumuko ako.
"Verluz, dalhin mo siya kung saan din patungo ang ibang estudyante." Sabi niya at yumuko naman si Verluz.
"Masusunod, kamahalan." Grabe ang gand- I mean gwapo ng boses niya...
"Kumapit po kayo ng mabuti binibini." May nakita akong leather na tali sa harapan ko kaya hinawakan ko ito ng mabuti. He spread his wing at dahan dahan na kaming umaangat paitaas kaya tiningnan ko si Allen na nagwawave sa akin sa ibaba. I blushed because the way the wind hit his hair is... nevermind...
Nasa itaas na kami ng mga ulap ngayon at mukhang malayo na sa kaharian kaya kiakabahan na ako habang nakatingin sa tanawin at ang ganda, kaya medyo mawawala rin ang takot ko sa view. May nakikita rin akong lumulutang na mga isla sa kalangitan kaya pinagpawisan ang likod ko sa mga islang iyon. Paano ba 'yan nakakapaglutang?
May nakita rin akong maliliit na dragon na parang naghahabulan papunta dito at ako naman ay nakanganga dahil nagsalita ang mga maliliit na dragon! Rinig na rinig ko dito eh! At tumatawa pa!
Lumapit sila sa akin at palibot libot silang lumilipad sa akin kaya parang nanginginig na ako sa takot, baka kasi kagatin nila ako or bugahan nila ako ng apoy sa mukha ko! Naku! 'Wag lang mukha ko!
"Mga bata 'wag niyong kulitin ang binibini." Sabi ni Verluz in a soft tone. Biglang may dumapo sa ulo ko so I stayed frozen! Para kasing may malaking gagamba na dumapo sa ulo ko eh! Nakaka.... Nakaka.... Nakakakilabot!
Lumapit ang itim na maliit na dragon sa mukha ko. "Eehh??? Magkasintahan ba kayo ng mahal na Prinsepe?" Ramdam ko ang mukha ko na ang init na dahil sa sinabi ng itim na dragon na malapit lang sa mukha ko. Gusto kong takpan ang mukha ko pero natakot ako sa itaas ng ulo ko! Dahilan sa takot na gumalaw ako.
Tumango ang nakapulang dragon na may cute na boses. "Oo nga noh? Tsaka ang ganda din naman niya." Napaflatter nalang ako dahil sa sinabi nito. Teka...
Ang bangs ko! Kaya pala nakikita nila ang buong mukha ko! Nahanginan kasi!
Biglang nagsalita ang dragon na nasa itaas ng ulo ko. "Heh! Hindi kagaya ni Athea na landi ng landi kay Ember." Eh? Kilala nila si Ember? At Athea?
Napahawak sa kaniyang chin ang itim na dragon. "Oo nga noh? Ba't ba nagugustohan ng mga babae si Ember? Diba isa rin siyang babae?" Mukha din kasi 'yung lalake.
Narinig naming tumawa ang cute na boses. "Ang tapang niya kasi~ Hehe~" Napalaki naman ang mga mata namin at tumingin sa pulang babaeng dragon na kinikilig.
Biglang lumapit ang itim na dragon sa kaniya. "Woi! Mimi! Akala ko ako lang ang nagustohan mo?!" Sigaw ng kulay itim na dragon.
Bigla namang sumigaw itong nasa itaas ng ulo ko. "Huy Yuro! At sinong may sabing may nagustohan ang kapatid ko sayo?!" Oohh~ nagbablush ang si Yuro~ ahehehe... I giggled dahil sa away nilang tatlo.
Napatingin ang babaeng dragon sa itaas ng ulo ko. "Kuya Momo, huwag ka namang magalit kay Yuro." Aaahhh... So ang itim na dragon ay si Yuro, itong pula si Mimi at itong nasa itaas ng ulo ko si Momo. I giggled again.
I suddenly frozed 'nung may nagsalita galing sa likod ko."Momo, Yuro, Mimi."
Gumalaw ang dragon sa itaas ng ulo ko kaya nanginginig ako! "Ah! Ember!" Sigaw ni Momo at ako naman hindi makalingon dahil sa kaba, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan!
Bakit ako kinakabahan kay Ember? This is weird. I never... felt this feeling. I mean it's the first time though. Argh! Geez!
What the hell is wrong with me?