Rave
Humiga ako ng mas komportable dito sa mga d**o habang katabi si Amaya. Natutulog na kasi ito dito sa tabi ko and she is now sleeping peacefully... Hayy... Sino ba'ng hindi napagod kagabi na halos walang tulog dahil sa kalokohan namin.
Somehow... hindi ko siya nakita sa loob ng dorm ng mga babae kagabi... Nakalabas na kasi lahat ang mga babae sa loob ng dorm 'nung gabing 'yun dahil sa... kalokohan namin ni Allen.
And there was that girl...
She has a very long brow hair and her blue oceanic beautiful eyes that makes me mesmerized...
Sino kaya 'yun? My heart skipped a beat when I saw that girl last night pero bigla akong sinulong ni Benetha kaya hinabol niya ako papalabas ng dorm. I didn't even have a chance to approach that girl.
Who is she?
This is quite interesting, that was the first time that I saw her in this kingdom. Tumunog na ang bell galing sa kaharian kaya bumangon na ako para gisingin si Amaya. Tumingin muna ako sa kalangitan at nag-set na pala ang sun...
Lumapit ako kay Amaya at ginising siya, "Amaya, gumising ka na, hoy." Niyugyog ko siya ng niyugyog nang naalis ang bangs niya kaya biglang pumintig ang puso ko. I just froze at tiningnan ang dibdib ko. Ano 'to? Ba't ka pumintig sa kaniya?
Tiningnan ko ulit ang mukha niya ng maigi at inilapit ang mukha ko sa kaniya. Her face looks... famliar...
Who are you to me? Pumintig na naman ang puso ko kaya napahawak ako nito at dahan dahang inilapit ang kamay ko sa mukha niya para hawakan ito.
"Who... are you...?" Bago ko pa mahawakan ang mukha niya ay narinig ko siyang umungol at inimulat ang mga mata niya kaya lumayo ako at umupo ng maayos.
That was f*****g close one! Akala ko sasabog na itong puso ko sa kaba eh! Ano bang nangyayari sa akin?! I mean! I just met her for pete's sake!
"Allen?" This time kumirot na ang puso ko dahil tinawag niya si Allen. Why? Why am I feeling this kind of feeling?
Lumingon ako sa kaniya at binigyan siya ng ngiti, "gising ka na pala." Just who in the world are you Ms. Amaya Luna?
Amaya
"Gising ka na pala." Eh? N-Nakatulog ba ako? Tumutulo ba ang laway ko habang tulog ako?! "Yep, tumutulo nga, ang sarap ng tulog mo noh?" Sabi ni Allen kaya napalaki ang mga mata ko at umiinit ang mukha ko sa hiya!
"Bakit ka ba nakangiti diyan?! Tinutukso mo ba ako?!" Sigaw ko sa kaniya dahil parang tinutukso niya ako 'nung sinabi niya 'yun sa akin eh.
Ngumiti parin siya sa akin na parang nasa good mood ata, "ha? Ako? Tinukso ka? Bakit ko naman gawin 'yun sa'yo?" Sabi niya sa akin habang nakangiti kaya medyo nawiwirdohan na ako sa kaniya ngayon.
Nasa good mood ata 'to ah.
O-OMG... M-May ginawa ba siya habang tulog ako? "Ha? Ano naman ang gagawin ko sa'yo na ang pangit mo naman." Sabi niya kaya parang lumabas ang ugat ko sa kamao ko.
"Tinutukso mo talaga ako." Sabi ko sa kaniya sabay c***k sa mga daliri ko para handang sapakin ang mukha niya.
"Prince Allen!" Rinig namin sa likod ng isang boses ng isang lalake bago ko pa masapak ang Prinsepe pero nahawakan ko lang ang kwelyo niya.
Lumingon si Allen sa lalakeng tumawag sa kaniya at nakita ang isang lalakeng may suot na circled eyeglasses at medyo mataas ang buhok nito. "Ah, Dervan." Binitiwan ko na si Allen at lumapit naman ang lalake sa amin saka yumuko, "Hinanap po kayo ng Air Element Guardian para sa meeting." Sabi nito at sumeryoso naman si Allen.
"Understood, you may now go." Seryosong sabi nito at bigla namang naglaho ang lalake na nakasuot ng salamin kaya tumingin ako kay Allen.
"Mag-usap ulit tayo bukas tungkol sa lolo mo, sige." Sabi niya at bigla nalang siyang nababalotan ng malakas na hangin kaya ginamit ko ang mga braso ko para takpan ang mukha ko at bigla nalang siya naglaho saka sumunod ang malakas na hangin.
"Eh? I-Iniwan niya ako?" I blinked two times saka tumayo.
Ramdam kong pinagpawisan ang leeg ko... dahil... dahil...
Bigla kong sinabunot ang sarili kong buhok na nakatali at sumigaw. "ALLEN HINDI KO ALAM KUNG SAAN ANG DAAN PABALIIIK!!!" Malakas kong sigaw at parang may lumalabas ng luha sa mga mata ko ngayon! K-Kakainin na ba ako ng mga duwende dito sa labas?!
GYAAAHHH!!! AYOKO PANG MAMATAY!
"Ms. Luna? Ikaw ba yan?" Napatigil nalang ako sa pagsasabunot sa buhok kong nakabun at dahan dahang ibinaba ang mga kamay ko.
S-Si Ember! Paano niya ako nahanap?! Naalala ko na naman 'yung hinawakan niya ang chin ko kagabi! I shook my head to snap out! Chill! Babae 'yan Amaya! Babae!
Humarap ako sa kaniya habang nakangiti. "E-Ember! Paano ka nakapunta dito?" Ang awkward naman nito! Parang nababasa na ang blouse ng uniform ko dahil sa pawis ko! Bwesit kasi 'yung Allen na 'yun iniwan lang ako dito! Kahit gwapo 'yun gusto ko parin 'yung sapakin!
"You are outside the boundary of Lemore Kingdom, paano ka nakakalabas dito? Delikado dito." Sabi ko na nga bang delikado eh! Allen patay ka sa'kin mamaya!
"Kasama mo ba ang Prinsepe kanina?" Tanong niya sa akin kaya napataas ang mga kilay ko. Paano niya nalaman? "Naamoy ko ang perfume niya sa'yo galing dito." Sabi niya kaya napalaki ang mga mata ko at inamoy ang blouse ko. ANg layo niya sa akin! Paano?!
Strawberry perfume ko lang ang amoy na nandito sa damit ko! Ha?! Paano? "Even his scent is kinda faint, I can still smell that bastard's scent."
Oh my... may away ba silang dalawa? Ba't biglang galit 'to si Ember?
"Uhm... nag-aaway ba kayong dalawa?" Napansin ko rin kasing seryoso si Allen kanina eh.
Tumingin ito sa akin na walang kaemosyon ang mukha saka umiwas sa akin ng tingin. "Well... it's-it's none of-" Tumingin siya sa akin at naputol nalang ang sinabi niya. It's none of? Ano?
"May naggawa lang siyang mali sa akin, I mean, hindi kaaya-aya sa akin kaya... hindi ko siya pinansin." Ahh... kaya pala.
"Kung ano man iyang problema ninyong dalawa, kailangan niyong maayos 'yan. Naku, kaibigan mo siya diba? Kung ano man 'yang dahilan ng away niyo ay hinding hindi talaga masisira ang pagkakaibigan ninyong dalawa. Basta pag-usapan niyo lang at ayusin ang lahat ng misunderstandings ninyong dalawa." Sabi ko sa kaniya. Naalala ko ang bestfriend ko. Ganiyan din kasi kami noon eh.
Pinag-aawayan ang burger, ang gamit, ang mga singers kung sino ang may pinakamagadang boses. Nagiging okay din naman kami sa huli. May times nga eh na pinag-aawayan namin ang tungkol sa paglalayas niya sa bahay nila pero chooks lang naman, naging maayos rin naman sa huli.
"I never thought of that. But what if the problem is somehow pretty serious? How can you take care of that?" Tanong niya kaya ningitian ko siya. Ngayon lang ba sila nag-aaway ng sobrang seryoso? Or ito na ang pinakaseryoso?
"Well if the problem is pretty serious... Since I still want our friendship with my bestfriend to last longer, I will be the one to say sorry. Kahit kasalanan naming dalawa, aabot rin naman na mag-sosorry kami sa isa't isa. Kung totoo mong kaibigan ang isang tao, don't let your pride overcome you, dahil isa 'yan sa dahilan kung bakit mawawala ang isang precious na tao para sa'yo." Sabi ko sa kaniya at humangin na naman kaya hinawakan ko ang bangs ko.
Bigla nalang siyang lumitaw sa harapan ko kaya halos sumabog ang puso ko sa sobrang bigla! Bakit niya naman ginawa 'yun-
Nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at tiningnan ako, "that's what I needed to hear. Nakilala na ba kita noon Ms. Luna?" Tanong nito so I shook my head as a no, "wala akong maalala tungkol sa iyo." Sabi ko naman sa kaniya.
"Hmm... maybe iba 'yung kilala ko? Thank you so much for the advice Ms. Luna, I owe you one." Sabi nito and I saw a very slight curve to her lips.
First time kong nakikita siyang ngumiti.
Binaba na niya ang kamay niya at bumalik na ang mukha niya sa walang kaemosyon nito kaya nagtaka talaga ako. "Ms. Luna, you should try to show your face more, your eyes are being hidden to your hair." Sabi niya kaya umiwas ako ng tingin at hinawakan ang ilang strand ng bangs ko.
"I-I'll try." Bulong ko sa sarili ko. Hindi naman ako gaanong kaganda. Baka mabubully lang ako dito gaya sa school.
"You should Ms. Luna, I wanna see your face." Sabi nito saka bigla nalang humangin ng malakas at may nasamang mga pink na petals sa isang dust devil na nakakapalibot kay Ember kaya ginamit ko ang mga braso ko para takpan ang mukha ko na hindi mapasukan ang mga mata ko ng alikabok!
Biglang nawala ang malakas a hangin kaya parang medyo nahilo ako sa lakas ng hangin. Mas malakas kay Ember kesa kay Allen.
Iniwan na naman ako. Hayyss naman.
"Ms. Luna." Eh? Hindi siya umalis?
Minulat ko ang mga mata ko at binaba ang mga braso ko. Nakahawak na siya ng mga bulaklak ngayon habang wala paring kaemosyon ang mukha nito.
Lumapit ito sa akin at inabot ang mga bulaklak. "Welcome to Lemore Kingdom Amaya Luna. Paumanhin kung ganito lang ang nabigay ng Kaharian sa iyo." Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa at tiningnan ang mga bulaklak then sa kaniya.
"P-Para sa akin ba 'to?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman ito. Kahit walang emosyon ang mukha ni Ember ay mayroon parin siyang emosyon sa kaniyang puso.
Tinanggap ko ang bulaklak na color pink at inamoy ito. "Strawberry?" Strawberry ang amoy ng mga bulaklak.
"I just realized that this flowers have the same scent as you so I took some and give it to you as a welcome present to you." Sabi niya sa akin kaya lumapad ang ngiti ko sa kaniya.
"Maraming salamat Ember!"
------
Nandito na ako sa loob ng kwarto ko ngayon habang inayos ang bulaklak sa isang vase. It looks pretty good naman, maganda ang mga bulaklak na ito pero nagtaka talaga ako na parehang pareha talaga sa strawberry ang amoy nito.
Lumapit muna ako sa bintana saka binuksan ito. Ang laki ng moon dito... at ang ganda.
"Ang ganda ng buwan noh?" Rinig kong sabi ni Allen sa tabi ko.
"Oo, ang ganda."
Teka.
Allen?! Lumingon ako sa labas ng bintana at nakita ko siyang nakalutang sa tabi ng bingta dito sa labas!
"A-Allen anong ginagawa mo diyan?!" Sabi ko nito. Paano ba ito nakapaglutang diyan?! Ayy tama may mga kapangyarihan pala ang mga tao dito.
He just chuckled at lumutang papunta sa window frame kaya lumayo ako konti at umupo siya dito kaya umupo nalang ako sa upuan katabi sa bintana na may mesa kaya kaharap ko na ang bulaklak na bigay ni Ember sa akin.
"Kamusta ka na dito sa mundong ito?" Tanong niya sa akin kaya tinukod ko ang dalawa kong siko sa mesa at nilagay ang ulo ko sa mga kamay ko para harapin siya, "Okay lang naman pero iniwan mo ako kanina kaya nabwebwesit parin ako."
He chuckled again at umupo ng mas komportable sa window frame, "sorry kanina, may meeting kasi." Sabi nito kaya niningkit ang mga mata ko sa kaniya at umiwas ng tingin.
Okay na siguro sila...
Tiningnan ko ulit si Allen, "Ano bang klaseng tao si lolo?" Taanong ko nito at hinwakan niya ang kaniyang chin para mag-isip.
"Isang tanga." Napataas nalang ang mga kilay ko sa sinabi niya. Tanga?
"Paano mo nasabing tanga si lolo?" Tanong ko nito. Isang elemental guardian tapos tanga?
"When it comes to handling things, like... hm." Umayos ito ng pag-upo para makausap ako ng maayos, "for example, inutusan siya ng Hari na ihatid ang isang antique na plato sa isang museum, mabasag niya."
Ramdam kong tumulo ang pawis ko. Parang ganiyan rin ako sa bahay...
"But when it comes to war and fights, he becomes a totally different person. Magiging isang sobrang malakas siya na nilalang sa mundong ito. He's the most powerful Nortonian." Sabi niya kaya napalaki ang mga mata ko at pinagpawisan.
"Bakit uniform parin ang suot mo? Diba binilhan ka ni Ember ng damit?" Tanong nito. Ah! Paano niya nalaman?! Hindi ko dapat sasabihin sa kaniya na pinunit lahat ni Athea ang mga damit ko.
"Ahh... pinunit pala ng babaeng 'yun? Welp, she's b***h anyway and..." Mind reader pala ito!
May kinuha siya sa loob ng puting coat niya kaya nagtaka ako kung ano 'yan. Nilabas niya ang isang puting tela at inabot sa akin. "Here, a welcome gift to you. It's a night dress kaya 'yan na ang suotin mo mamayang gabi."
"M-Mahal ba 'yan?" Tanong ko sa kaniya at ningitian lang ako.
"About 500 golds." Sabi niya na nakangiti kaya napalaki ang mga mata ko! "Ang mahal!" Sigaw ko sa kaniya. "Hindi naman, tanggapin mo na, nakakapagod maghanap ng damit para sa'yo lalo nang hindi ko alam ang body size mo." Sabi niya kaya umiwas ako ng tingin.
Tatanggapin ko ba? Ang mahal kasi ng damit na 'yan, tsaka napagod pa siya para makabili ng damit. "Tanggapin mo na, masasayang lang ang effort ko kanina sa paghanap ng damit na ito. Bagay naman ito sa'yo eh." Sabi niya kaya tinanggap ko nalang. Wala na kasi akong masuot mamaya, tsaka itong uniform lang ang meron ako sa ngayon.
"Effort ang tawag mo sa paghahanap? Pero salamat ah, babayaran lang kita." Sabi ko saka niyakap ang damit.
"Huwag na, ano ba ang tawag mo sa regalo? Kaya sa iyo na 'yan." Sabi niya saka tumalon nalang bigla sa bintana kaya dali dali naman akong lumapit sa bintana para tingnan siya.
"Salamat mahal na kamahalan." Bulong ko habang tiningnan siyang lumipad. Narinig ko nalang na may tumuktok sa labas ng sala kaya lumabas ako sa pinto at binuksan ang pinto.
"Miss Luna po ba?" Tanong ng isang lalakeng nakasuot ng itim na salamin. T-Teka.
"Kuya Dustin?" Tanong ko nito. Si kuya Dustin ito diba? Ang pinsan ko?
"So-Sorry Hydro po ang pangalan ko." Sabi nito saka nakakamot sa kaniyang ulo. Baka kamukha lang...
Binuksan ko ang pinto ng mas malaki para sa kniya at pinapasok siya sa loob. "Pasok ka munna." Sabi ko sa kaniya at pumasok naman siya.
"Gusto mo bang mainom?" Tanong ko sa kaniya but he just shook his head. "May nagpapabigay lang sa iyo nito." Sabi niya sabay abot ng isang maliit na bottle na may lamang pink na na likwido.
"Ano ho 'yan?" Tanong ko sa kaniya, "hindi ko rin po alam eh, basta inutusan lang ako ng isang air guardian na inumin mo raw to para masanay kay sa hangin ng mundong ito." Sabi niya kaya tinanggap ko ito saka ininom.
Biglang umuba ang pakiramdam ko at parang gusto ko ng matulog. "B-Bakit nagiging blurry...?" Ang paningin ko... Tiningnan ko ang lalake at nagiging dalawa ang paningin ko sa kaniya.
"Huwag kang maging malapit sa Prinsepe Amaya, mamamatay lang kayong dalawa. And don't worry, nakakainom rin ang Prinsepe niyan, things between you and the Prince will be awkward, simula ngayon." Rinig kong sabi niya at bigla nalang akong napaluhod saka bumagsak ang katawan ko sa sahig...
At dumilim...