Allen
"Just die already!!!"
"MONSTER!!!"
"YOU KILLED MY CHILD!"
"YOU DESERVE TO ROT! DARK PRINCE!"
I opened my eyes as I reached my hand out to the people! "I DIDN'T DO IT ON PURPOSE!" Sigaw ko habang tinaas ang kanang kamay ko. Panaginip... Panaginip lang 'yun... Binaba ko nalang ang kamay ko and continued to breathe heavily.
I dreamt about that again... That horrible nightmare...
I clenched my fists and punched the bed's futon kaya napasigaw naman ako sa sakit ng kamay kong may sugat.
"Ah!" It hurts!
I just heave a sigh to calm myself down at tumingin sa maroon ceiling ng kwarto ko.
Well, it served me right...
"I did horrible again last night, did I?" Bulong ko sa sarili ko at hinawakan ang ulo ko dahil sa disappointment sa sarili ko. Tiningnan ko ang kamay kong nakabalot ng mga bandages.
It's been a while since I saw myself being injured this bad. Weak nga talaga ako tuwing magtatransform ako sa totoong katawan ko.
Always being dragged away by my emotions.
Tumabi ang puting fwako ko na nakalutang papunta sa akin kaya lumingon ako nito. "Master?! Master! Gising ka na pala!" Sigaw ng Fwako ko at niyakap ang pisngi ko. Hinawakan ko ang ulo niya para kapalit ng pagyakap niya sa akin. She looks like a cute, white, fluffy little creature that can fly without wings.
Bigla nalang niyang pinalo ang pisngi ko gamit ang napakalambot at maliit nitong puting kamay so I shut my eyes closed.
I opened my eyes again and looked at her. "Sampal ba 'yun? Aray..." Sabi ko sa kanya. She just rolled her big green eyes at nagcross arms. I heave a soft sigh... Alam kong galit ito sa akin dahil sa naggawa ko kagabi kaya yumuko nalang ako.
"Diba nagpromise ka sa akin master na kokontrolin mo ang sarili mo pagdating ng hating gabi?" Please not that big eyes again... Hindi ko gustong iiyak 'tong fwako ko since ang cute at ang liit niya, plus tinuturing ko na din siyang maliit na kapatid. Siya na kasi ang nagbigay sa akin ng mga advices since then...
Bumangon ako sa kama at sumandal sa headboard. "Yeah... I'm sorry Maru... Ang hirap lang talagang kontrolin eh..." Sabi ko habang sumandal sa headboard at pinatong ang kaliwang braso ko sa tuhod ko at tumingin sa labas ng bintana.
Narinig kong bumuntong hininga ito, "kailangan mo na talagang bilisan ang paghahanap ng tao para sa iyo master..." I heave a sigh... Kailangan ko na talagang bilisan ang paghanap ng tao para sa akin. I think I should marry now... I mean as soon as possible...
Biglang bumukas ang pinto sa harapan namin kaya napabuntong hininga nalang ako dahil sa ginawa ni Rave.
"Ahahaha! Ang manyak mo talaga kagabi Allen- I mean Ember! Haha!" Napafacepalm nalang si Maru kay Rave habang ang ingay pumasok dito sa loob at sinara ang pinto. I sighed again... Sana walang nakakarinig 'nun. Ember pa kasi ang katawan ko ngayon... At wala talagang nakakaalam sa sumpang ito.
Umupo si Rave sa sofa kaya bigla nalang may sumunod sa kanyang bumukas ng napakalakas sa pinto kaya umupo ako ng maayos at nakita ang batang babae namay puting buhok at nakasuot ng puting bistida.
Medyo lumuluha ang kaniyang mga mata na nakatayo parin sa pinto habang nakatingin sa akin. "KUYAAA!!!!" Sigaw ni Frecsie sabay takbo papunta dito sa kama at tumalon sa akin para yakapin ako ng mahigpit kaya tiniis ko ang mga sugat ko para lang hindi niya malaman na may sumakit na pala sa katawan ko. Ayaw kong magiging malungkot 'tong mahal kong kapatid.
"Kuya! Ba-" Biglang pinigilan ni Rave si Frecsie sa pagsalita nito nang hinawakan ang balikat niya kaya tumingin nalang ako sa bintana.
I can't feel anything.
"Mahal na prinsesa? Bawal niyo pong tawagin ng 'kuya' ang mahal na Prinsepe kapag nasa babae ang kaniyang hitsura. Dapat Ember ang itawag mo sa kanya." Sabi ni Rave kay Frecsie kaya tumahimik naman ang buong kwarto.
I still can't feel any pain.
Ramdam kong dahan dahang umiiyak si Frecsie sa tabi ko so I clenched my fists.
Napaiyak ko na naman ang kapatid ko. Nang dahil sa akin... Napaiyak ko na naman siya...
I heard her sobbing so I clenched my hands really hard until it bleeds. "I understand... I understand kuya... this is the reality right? I really can't accept it... k-kuya..." Tch!
I suddenly hugged her tightly, wala na akong pakialam sa mga sugat ko basta mayakap ko lang muna 'tong kapatid ko. Just this day... Just this day....
Pakiramdam kong lumapit si Rave kay Frecsie habang niyakap ko siya.
"Please leave us a minute. Just this day.... Kahit ngayon lang na magkaganito kami ng kapatid ko." Sabi ko habang walang kaemo-emosyon ang mukha ko. Napaiyak naman ng malakas si Frecsie habang yakap yakap niya ako.
For years, ngayon ko lang siya nayakap ng ganito...
-----
Nakalipas na ang ilang minuto na napakalma na si Frecsie sa pag-iyak niya kaya pinapatawag na sila ni Ama kasama si Rave kaya lumabas na sila sa kwarto ko. Nang sinara na ni Rave ang pinto ay hinawakan ko ang noo ko dahil hindi ko na mapigilang tumulo ang mga luha ko.
"Eh? Why did I cry? Even though I can't feel any pain inside me." Tanong ko sa fwako ko habang walang tigil na tumutulo ang mga luha ko habang nakayuko na walang kaemosyon ang mukha ko.
"Why? Just why? Why am I crying? I can't even feel any pain right now."
Someone... Please someone help me to get me out of this nightmare.
Amaya
Binilisan ko talagang maligo, magbihis ng damit, magtali ng buhok at kumain kanina. Hindi na ako mapakali sa nangyari kanina kay Ember kaninang umaga sa rivebank eh!
✳FLASHBACK✳
"Ember?! Ember! Jusko po! Ba't andami mong sugat?! T-TULONG!!! TULONG!!! Hang in there Ember! Tatawag muna ako ng tulong!" Sabi ko sa kanya habang nakapikit na ang mga mata niya! Please! Please Ember! Hang in there!
Tumayo ako at tumakbo pabalik sa dorm para humingi ng tulong. Nakarating na ako sa loob kaya hingal ako ng hingal dahil sa walang tigil kong pagtakbo papunta dito!
Nakatukod ang dalawa kong kamay sa mga tuhod ko habang wala paring tigil sa paghingal dito sa frame ng pinto. "Tulong! S-si Ember! Si Ember!" Sabi ko sa mga babae na nasa loob ng napakalaking dinner room kaya anong nangyari? Lumapit kaagad silang lahat sa akin at niyugyog ako nila ng niyugyog.
"Sabihin mo! Anong nangyayari kay Ember?!" Sigaw nila in a chorus kaya pinikit ko ang mga mata ko! Ang ingay!
Tumigil na sila sa pagyugyog sa akin kaya minulat ko ulit ang mga mata ko. "Nandun siya sa may ilog! Andaming sugat! Kailanga-" Hindi pa ako nakapagtapos sa pagsasalita ay nagstastampede na ang lahat! Tinulak nila ako, binangga nila ako at ang worst ay tinapakan nila ako kaya napatumba ako! At ang damit ko ay puro na punit!
Tumayo ako at nagmamadali akong tumakbo sa itaas ng hagdan at dumeretso sa room namin ni Athea at dumeretso na sa kwarto ko saka binuksan ang wardrobe ko-
Nga nga....
Pinulot ko ang mga punit na tela sa sahig at lumuhod. "Ano? Anong nangyari sa mga damit ko?" Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa wardrobe kong wala ng laman kundi punit ng mga tela.
Nagtaka talaga ako kaya nagkasalubong ang dalawa kong kilay. "Sinong may gawa nito?" Bulong ko sa sarili ko. Ramdam kong may dumadaan sa labas ng pinto kaya lumingon kaagad ako sa labas.
She flipped her red hair at nagsmirk sa akin. Athea? Siya ba ang may gawa nito? Ano na ang susuotin ko mamaya?!
May nakita akong isang circle na parang regalo sa ilalim ng wardrobe kaya nilabas ko ito at binuksan.
Uniform ko?
✳END OF FLASHBACK
Nandito ako sa labas ng isang bench ng dorm... nag-iisang umupo. Bumuntong hininga ako... Wala na akong ibang damit kundi 'tong uniform ko sa school. Teka... Paano ba ito nakapunta sa kwarto ko?
Bigla kong naalala kahapon 'yung pinalutang ni Ember na mga gifts papunta sa kwarto ko.
Biglang uminit ang mukha ko dahil sa hiya. Ganito talaga ako kapag mahiya.
Bigla nalang may dalawang mabibigat na mga kamay na dumapo sa dalawang balikat ko galing sa likod ko. "A-MA-YA!"
"AAH! KABAYO!" Sigaw ko at dali daling lumingon.
Bumungad sa akin ang gwapong lalakeng- makakabasa pala ito ng isipan! '"Nakakalimutan mo na ba ang Prinsepe mo?" Ah! Ang P-prinsepe!
Inalis ko ang mga kamay niya sa mga balikat ko at tumayo para magbow.
"P-patawad po!" Sabi ko sa kanya habang nakabow. Jusko po! Sana hindi ako hahatulan ng kamatayan nito! Tinawagan ko kasing kabayo eh! Hindi kasi 'to kagaya sa Earth!
"Kamatayan agad?" Wah! Makakabasa pala siya ng isipan!
Sumakit na naman ang tenga ko at may narinig galing sa malayo. "Ang Prinsepe... Wuy! Nandito ang Prinsepe!"
"Kyaahh! Ang gwapo niya!"
"Teka, ang Prinsepe 'yun ah! Ba't may kasama siyang babae?"
Biglang hinila ng Prinsepe ang waist ko at pinapalapit ako sa kaniya at-
Bigla itong tumalon ng napakalakas kaya nabutasan ang lupa! "UWAAHHHHH!!!! YOUR MAJESTY!!! PATAWAD PO!!! H-HINDI KO NA PO 'YUN UULITIN!!! HINDI KO NA PO KAYO TATAWAGING KABAYO ULIT!!!" Malakas kong sigaw dahil nasa ulap na kami ngayon! Lumilipad! Habang hawak niya ang waist ko! And this time niyakap na niya akong mabuti. Tumingin ako sa kanya at tumawa lang naman siya. I stayed frozen dahil ang gwapo niya kapag nakangiti.
"Hindi kita pinarusahan, tumakas lang ako sa mga estudyanteng 'yun." Dumikit nalang ang mga kilay ko sa sinabi niya. Estudyante?
"Oo, estudyante. Teka... Wala bang sinasabi si Ember sa iyo tungkol sa pagpunta mo dito?" Tanong niya na nakangiti parin habang itinaas ang isang kilay niya. I just shook my head as a 'no', dahil kasi sa kaba ko halos hindi na ako makapagsalita.
"Well, parang ako nalang ang sasabi sa iyo. So hold on tight Princess!" Sigaw niya kaya kumapit naman akong mabuti sa leeg niya at tinago ang mukha ko sa dibdib niya.
Bigla naman siyang nagfufull speed pababa kaya kumapit talaga ako ng mahigpit sa leeg niya. Tumingin ako sa puting buhok niya at naalala ko na naman si Ember.
Dahan dahan kaming bumaba sa lupa at ako naman, yakap yakap ang leeg niya habang kinarga niya ako-
Minulat ko ang mga mata ko at napanganga nalang sa posisyon ko ngayon! "Ah...!" Nakabridal style pala ang pagkarga niya sa akin!!!
Nakatapak na siya sa lupa kaya dali dali kong inalis ang mga kamay ko sa leeg niya at bumaba na din sa pagkarga niya sa akin.
I cleared my throat dahil sa hiya. Don't think, don't think.
"Haha sige, sige, hindi ko muna babasahin ang iniisip mo." Hindi ko talaga matigilan ang mukha ko sa pag iinit kaya hinawakan ko ito.
Umupo siya sa damuhan at humiga kaya umupo nalang din ako. I hugged my legs tightly at tumingin sa paligid. Ang ganda dito... Puro green lang ang makikita ko pero may kakaunting pink na mga bulaklak.
I heave a soft sigh... apat na araw na pala akong umalis sa Earth... Kumusta na kaya si bravo? Sure ako, apat na araw na din 'yung walang ligo, pati na rin 'yung kabayo ni mama....
"Sinong bravo? Ikaw nagpapaligo 'nun?" Napalaki naman ang mga mata ko dahil binasa na naman niya ang isip ko. Kaya tumingin nalang ako sa paligid at iniimagine si bravo, 'nung nililigo ko siya araw-araw, at 'yung dahil sa kanya nalalate ako.... Hayy... Nakakamiss talaga...
"Ah... nevermind, akala ko kasi tao 'yung bravo na iniisip mo, aso lang pala." Sabi niya at pagkatapos 'nun ay tumahimik na naman kami.
"Ang hirap pala magiging Prinsepe noh?" I jerked up 'nung tinanong niya ako.
Dali dali akong tumango. "Ahh... o-oo! Mahirap talaga!" I heave a soft sigh at naalala 'yung mga story books na binabasa ko sa Earth. Isang prinsepe na palaging takas ng takas dahil gusto niyang maging malaya kaya dahil sa palagi siyang tumatakas sa kastilyo dun na niya nakikita yung 'love of his life' niya sa isang forest.
"Aahh.... So anong sunod na nangyari? Nagkakaanak ba sila? Ilan ba?" Biglang tanong ng Prinsepe sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Sorry talaga kung palagi kong binabasa ang iniisip mo, hindi kasi maiiwasan, so you should get used to it." Sabi niya kaya bumalik ako ng tingin sa harapan ko at nilalasap ang hangin. Teka... Ano pala 'yung gusto niyang sabihin sa akin?
Bumangon ang Prinsepe kaya napatingin ako sa kanya. "Tama! Nakalimutan ko pala!" Bigla nitong sabi at tumingin sa akin habang nakakamot ito sa kaniyang ulo.
"May reason kung bakit ka namin 'kinidnap' at nilagay dito sa mundong 'to." Sabi niya at nilagay ang braso niya sa kaniyang tuhod.
"A-ano naman po ang rason mahal-" Bago pa ako makapagtapos sa pagsasasalita ay pinigalan niya ako. "Ssshhhh..... 'Wag mo na akong tawaging mahal na Prinsepe. Simula ngayon, tawagin mo nalang akong Allen." A-Allen? Teka... Diba Rave ang-
"Hindi 'yun ang totoong pangalan ko, nickname ko lang 'yun." O-ohh...
What?!
"So first name mo ang itatawag ko sa iyo?!" Sigaw ko sa kanya kaya bigla ko namang tinakpan ang bibig ko. Tumawa ito at tiningnan ako na nakagiti. "Hahaha, you're a funny girl you know. Gawin mo lang iyan sa akin... araw-araw..." Sabi nito habang tinaas-baba ang mga kilay nito. Wha-
Pinoke niya ang noo ko kaya napahawak ako nito. "That's an order from your Prince." Sabi niya sabay smirk.
"At huwag ka ring pormal sakin. " Seryoso na siya! Okay... Total choice mo iyan eh.
"Good girl..." Sabi niya at nagsmirk. Pwede bang tigil tigilan mo 'yang pangiti ngiti mo? Nakaka.... Nakaka...
"Ano? Nakaka? Nakaka? Nakaka... Tempt ba?" He raked his hair sexily kaya mas naging.... Don't think! Don't think!
"Hahahaha!" I glared at him. Tinawanan niya kasi ako eh!
I rolled my eyes at tinukod ang dalawa kong kamay sa d**o. "Ha! Ha! Ha! Nakakatawa! Sa totoo lang!" Sabi ko sa kanya. Nauubos na kasi pasensya ko eh. Ba't ba kasi ang gwa- Don't think!!!
Mas lumakas ang pagtawa niya kaya tiningnan ko siya at sinuntok ko ang braso niya.
"Ang saya pala kapag makasama ko ang apo ng dating water element guardian noh?" Humiga ulit ito. Eh? Water element guardian? Apo?
"And sometimes she's kind of stupid." Nagkasalubong nalang ang dalawang kilay ko sa pinagsasabi niya. Wala akong maintindihan.
Tumawa naman ito. "Hahaha! Even though you're dumb I still wanna hang out with you." Sabi niya habang tumingin sa akin. Eh? Nilagay niya ang kamay niya sa noo ko at ginulo ang bangs ko kaya nagtataka na talaga ako.
Inalis na niya ang kamay niya at bumalik tingin sa kalangitan kaya inayos ko ang bangs ko. "Di ko gets... Teka..." Kilala niya ba ang lolo ko? Ako ba ang mean niyang 'stupid sometimes?!'
Biglang tumawa ito ng malakas habang hindi nakatingin sa akin kaya binaba ko ang mga kamay ko. "Hahahahahaha! Nakakatawa ka talaga Amaya noh? Haha! Ang hirap mo palang paintindihin." Dahan dahan na itong tumigil sa pagtawa and he cleared his throat kaya humarap ako sa kanya.
Bumangon ito habang tinukod ang dalawang braso nito sa d**o. "Oo, kilala ko ang lolo mo, and he really did a great job 'nung pinoprotektahan niya ang mahal na hari, 'yung papa ko." Pi-Pinoprotektahan?! Ng lolo ko?! Ang hari?!
Tumingin ito sa harapan. "He was an Elemental guardian, everybloodline niya ay mapapamana ang kapangyarihan niya sa unang apo niya. Siya pa nga ang nagturo sa akin kung paano gumamit ng spear noong bata pa ako... I missed him." Bakas sa mukha niya ang lungkot. He must've missed my grandpa very much....
"Nag-aaral siya sa Cladonia Academy noong binata pa siya. Pinag-aralan niya lahat ng skills tungkol sa kapangyarihan niya, then he succeeded. Nagiging isa siya sa pinakamalakas at mahusay na Water Element guardian. Muntikan nga niyang mapatay ang Hari ng Geothem." Sabi niya at tumayo tapos tinago niya ang mga kamay niya sa bulsa niya at hinayaang tumama ang hangin sa kaniya kaya halos natamaan ako ng coat niya na nakasabit sa balikat nito.
"Pero hindi niya naggawa dahil humarang ang isang traydor..." Tiningnan ko lang siya dito sa likoran niya at biglang may dumaan na malakas na hangin.
"At 'yung traydor naman ay ang asawa niya." Napalaki naman ang mga mata ko 'nung sinabi niya 'yun. H-hindi! Nakasama ko pa nga ang lola ko sa bahay eh!
"Hindi iyon ang asawa ng lolo mo. Kaso ang lolo mo mismo ang pumatay sa asawa niya. Dahil humarang siya sa hari ng Geothem kaya nadamay." Hindi asawa ni lolo si lola Stella? Yumuko nalang ako.
"Ano ba talaga ang rason sa pagkidnap ninyo sa akin?" Matapang na tanong ko kay Allen. Gusto ko ng malaman ang tungkol kay lolo... 'Yung past niya... Gusto kong malaman...
Lumingon ito sa akin saka humarap sa harapan ko habang nakapamulsa. "Ang rason ng pagkidnap namin sa iyo..." Biglang humangin ng mas malakas at may mga petals na kulay pink na nadamay sa malakas na hangin na papunta sa amin kaya tiningnan ko siya na nakatingin sa akin.
"Ay para dito ka mag-aaral at sumunod sa yapak ng lolo mo." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni Allen sa akin.
Gusto ko ng makabalik sa Earth....