Amaya's POV
Habang nasa ilalim ako ng ilog ay nakita ko ang taong lumigtas sa akin. Puti ang kanyang buhok at mataas ito. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil sa blurry.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko dahil nawalan na talaga ako ng hangin sa ilalim ng ilog na ito. Napadilat naman ang mga mata ko nang may dahan dahang labing dumikit sa mga labi ko at binigyan ako nito ng hangin.
Huhu... First kiss ko na para sa Prinsepe ay nawala! Kaya dahil sa lungkot at pagkabigla ko sa halik na 'yun...
-----
"Gah!" Napalamon nalang ako ng maraming hangin at bumalikwas bigla dito sa kama!
Pinunasan ko ang mga pawis sa mukha ko, "pa-panaginip lang pala..." Bulong ko sa sarili ko habang pinunasan ang pawis sa leeg ko, ang lagkit ko na tuloy...
Napakamot nalang ako sa bangs kong mataas na halos nakatakip sa mga mata ko at tumawa sa panaginip na iyon, "hehe, so panginip lang pala 'yung nahulog ako sa ilog." I laughed at myself. What a stupid dream! Nasobrahan na ata ako sa mga disney na iyan eh.
Pagtingin ko sa harapan ko, dahan dahang nawala ang tawa ko.
Jawdropped...
Ang... Ang... Kwarto ko... K-Kwarto mo ito Amaya diba?
Ba-ba't ang kaunti nalang ang mga gamit ko? Alam kong puro junk at maalikabok 'yung mga gamit ko, pero precious iyon lahat saken! Hindi! Totoo ba talagang kinidnap ako?!
I snapped out at nag-isip ng positibo! Kwarto ko ito! Hindi ako kinidnap! "Ba't ang linis na ng kwarto ko?! Nawala na lahat ang mga gamit ko! Huhu! Kwarto ko..." Tatayo na sana ako sa kama pero naapakan ko ang malambot na unan kaya papabagsak ako sa kama!
Kakapit pa sana ako sa futon ng kama pero hindi ko ito naabutan! Kaya pinikit ko nalang ang mga mata ko! "Ah!" Sigaw ko habang papabagsak ako!
Ahm.... Ba't wala akong naramdamang sakit galing sa sahig? I gasped dahil nasalo pala ako ni...
Inimulat ko ang mga mata ko at bumungad ang mukha ni...
Gwapo.
Napakurap nalang ako dahil sa nakikita ko. S-Si Ember ito! B-ba-ba't siya nandito?! Diba panaginip lang 'yun lahat?!
"Wala ka sa bahay mo ngayon, nasa aking kwarto ka ngayon." Umalis ako sa pagyakap niya at lumayo sa kaniya tapos tumayo.
Teka... diba nagpaiwan siya sa kakahuyan kanina?
"D-d-diba nagpaiwan ka sa kakahuyan? B-b-ba't ka nandito ngayon?!" Utal kong tanong sa kanya habang turo turo ko siya. Tama! 'Yung binti ko! Tiningnan ko ang binti ko at... Ba't nawala na ang sugat ko?!
Tumulo nalang ang pawis ko dahil sa nangyayari ngayon. "'Noong nakaraang dalawang araw ko lang 'yun natapos, kaya binabantayan nalang kita dahil wala naman akong ibang ginagawa 'nung natapos ko 'yun." Sabi niya na walang kaemosyon ang mukha nito habang lumapit sa mesa niya at umupo sa upuan tapos kinuha ang libro saka binasa ito.
Umupo ako sa sahig at niyakap ang mga binti ko na parang baliw. Dalawang araw na pala akong nawala.... Kinidnap nila ako... Ano na ang gagawin ko? Hindi ko pa nalinisan ang cr sa bahay, 'yung balcony, 'yung kwarto ni madam, 'yung kwarto ni Ashley! 'Yung aso pa! Huhu... mababaliw na ako nito, galit na galit na talaga 'yun si madam saken!
"Alam kong nalilito ka na sa nangyari ngayon kay-" Halos napalamon ako ng sobrang raming hangin dahil bigla nalang nagsasalita si Ember sa tabi ko! Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya!
"D-diba nandun ka bago pa lang?" Turo ko sa upuang inupuan niya kanina na sa may bintana. Nabigla kasi ako dahil kitang kita ko na bago lang siyang nakaupo diyan habang bumabasa ng libro! At ngayon ay nasa tabi ko na siya?! Ano ba siya?! Ba't ang bilis niya?!
She cleared her throat kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. "Ahem, alam kong mabibigla ka sa sasabihin ko... ah... Teka, parang mali... Baka mabibigla ka sa makikita mong gawin ko ngayon. Ikaw na ang bahala kung maniniwala ka o hindi." Ha? A-ano ba ang pinagsasabi niya?! Ano ba ang balak niyang ipapakita sa akin?! Napalunok nalang ako ng laway dahil sa kaba. Atsaka ang tangkad pala ng babaeng ito...
Pumunta siya sa harapan ko kaya naharangan niya ang bintana na nakapagbigay sa akin ng ilaw kaya nababalotan ako sa kaniyang anino at nanlaki ang mga mata ko nang dahan dahan siyang lumulutang paitaas at biglang bumukas ang bintana sa kwarto dahil sa lakas ng hangin kaya ginamit ko ang braso ko para takpan ang mukha ko. May pumasok na ring mga petals ng bulaklak na kulay pink kaya medyo napakalma na ako.
Dahan dahan siyang tumapak ulit sa sahig at dahan dahan na ring tumigil ang malakas na hangin kaya ibinaba ko na ang braso ko.
M-May kapangyarihan siya...
She crossed her arms habang nakatingin sa akin dito sa ibaba. "So? Maniwala o hindi?" Tipid na tanong niya. I snapped out of my thoughts at tumayo.
Yumuko ako at tiningnan ang mga paa ko. "B-bakit ba ako nandito? Ano bang kailangan ninyo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang nakayuko. Napakunot bigla ang noo ko sa nakita ko sa damit ko. Ba't hindi ko suot ang uniform ko?! Tsaka ngayon ko lang napansin na nakasuot na pala ako ng puting bistida.
Inangat ko ang noo ko para tingnan siya. "Ikaw ba... Ang nagbihis sa akin?" Tanong ko sa kaniya kaya ramdam kong uminit ang pisngi ko.
Umiwas ito ng tingin sa akin at nakita kong pumupula ang tenga at pisngi niya at tinago ito gamit ang kamay niya. "Ah... Y-yes." Ba't namumula siya? Okay lang naman ah, total babae rin naman siya. Babae na nagmumukhang lalake...
"MAHAL NA PRIN-"
Halos napatalon ako sa bigla dahil may sumigaw galing sa bintana at napasigaw ako! "AAH!" May biglaan kasing pumatong sa bintana at sumigaw! Nabigla rin ako nang biglang nawala si Ember sa harapan ko at biglang lumitaw sa tabi ng lalake at tinakpan ang bunganga nito habang nakapatong parin sa bintana! May kapangyarihan ba siyang teleportation?! A-Alien?!
Nanlaki ang mga mata ko nang inalis na ni Ember ang kamay nito sa bunganga ng lalake.
Puting... buhok...
Tiningnan ng gwapong lalake ng masama si Ember. "Sheesh... Ano ka naman br- I mean sis! Teka, sis ba?" Gwapo siya.... Matangos ang ilong, maputi at makinis ang mukha, tapos puti ang buhok na medyo magulo pero ang hot niya paring tingnan. Puti rin ang buhok ni Ember pero hindi lang mataas sa lalake mataas kasi kay Ember hanggang pwetan niya ata.
Ember glared at the boy. "Bakla ka ba?" Naiiritang tanong ni Ember sa lalake. Bakla? Ah! Baka siya ang nagpasimuno sa pagkidnap sa 'kin! Sa lahat lahat ng mga boss ng kidnapper ba't ang gwapo pa?!
He cleared his throat kaya napatingin ako sa kaniya. "Watch your mouth Ember, iba na ang iniisip ng kawawang babae." Sabi niya na nasa bintana parin. Ang gwapo niya talaga...
Bumaba na ang lalake sa bintana para pumasok dito sa loob. Ember cleared her throat then bowed in front of him. "Mahal na Prinsepe, bakit po ba kayo napadalaw dito?" Tanong ni Ember sa kaniya habang nakabow.
Eh?
Wait. Mahal na Pri-prinsepe?! Prinsepe ang umuutos sa pagkidnap sa'kin?!
Pumasok na sa loob ang Prinsepe and crossed his arms. "Tumakas muna ako sa Kastilyo tsaka gusto rin kitang makita. Parang mababaliw ako sa kastilyo kung wala ka sa loob. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko eh. Ang boring." Is this a love confession?! May gusto ba ang Prinsepe kay Ember?! OMG! OMG! Nakakadissapoint sa totoo lang pero wala akong balak na sisira sa relasyon nila! Ayiee! Pero teka! Mukhang... MUKHA KASING LALAKE SI EMBER!
Tumingin nalang ang Prinsepe sa akin na nakakunot ang noo. "Nope, it's not a love confession Ms. Amaya." Paano-
Binaba niya ang mga kamay niya at nilagay ito sa kanyang beywang habang nakangisi. "I can read minds Ms. Amaya, so better becareful." What the... So nabasa niya 'yung sinabi ko na gwapo siya?!
Mahina naman itong tumawa. "Yes, and thank you. Maganda ka rin." Pakiramdam ko ang init tuloy ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Makakabasa siya ng isipan! T-telekinesis! Totoo pala ang telekinesis! I mean mind reader pala!
Tiningnan ko si Ember tapos sa Prinsepe, then kay Ember ulit. "Magkapatid ba kayong dalawa?" Bigla kong naitanong sa kanilang dalawa. Parehas kasi ang kulay ng buhok nila pero iba lang ang mga mata nila. Brown kasi kay Ember at sa Prinsepe naman blue.... Hindi ko rin masasabing magkahawig silang dalawa.
Binaba ng Prinsepe ang mga kamay niya at tumingin kay Ember. "A-ah... H-Hindi! Hindi! Hindi ko kapatid si Emb-" Naputol nalang sa pagsasalita ang Prinsepe dahil nagsalita si Ember.
Tumalikod si Ember at lumapit sa mesa niya saka inayos ang mga libro nito. "Hindi ako kapatid ng Prinsepe, isa niya lang akong gwardiya." Parang... nalungkot ata si Ember...
Yumuko ako at tiningnan ang mga kamay ko. "Sorry po sa biglaan kong pagtanong." Paghihingi ko ng tawad at nilagay ang mga kamay ko sa sahig at biglang nagbow habang nakaluhod kaya nahawakan na ng noo ko ang sahig. Sa itsura kong ito para ko ng hinalikan ang sahig.
"Tumayo ka. 'Wag kang pormal sa amin. Tsaka okay lang naman 'yun." Sabi ng Prinsepe kaya inangat ko nalang ang ulo ko at nakitang akbay na ng Prinsepe si Ember. "Para ko lang kasi itong kapatid, diba?" Sabi niya kay Ember sabay taas baba sa mga kilay nito.
Inalis na papalayo ni Ember ang mukha ng Prinsepe gamit ang kamay niya sa kanya dahil ang lapit na ng mga mukha nila!
"Pwede bang huwag kang ganiyan Rave? Nakakakilabot para sa akin." Utos ni Ember at bumalik ulit sa ginagawa niya.
Rave ang pangalan ng Prinsepe... Ahh... Napangiti nalang ako, hindi ko alam. Parang ang familiar kasi.
Rave's POV
Shit! Nasabi ni Ember kanina na Rave ang pangalan ko! Patay ako ng Hari nito...
Anyway, that girl's hair seems so familiar. Gusto kong ilabas sa isipan ko pero parang hindi gustong lumabas.
I just heave a sigh at pinalutang ang sarili ko sa hangin at humiga saka nilagay ang dalawang kamay ko sa likod ng ulo ko dito sa tabi ng Cladonia River. "Gabi na Rave bumalik ka na sa kastilyo." Utos ni Ember habang humihiga rin sa hangin na nakalutang rin sa tabi ko. Tinitingnan kasi namin ang planet Jupiter dito, kahit nagset pa ang sun ay makikita na namin ang Jupiter dito.
I just heave a deep sigh. "Mamaya na, gusto kong mag-usap tayo sa totoong itsura mo." Sabi ko sa kanya at may nakikita na akong mga bituin sa kalangitan. Paborito talaga namin 'tong ganito. Nakakarelaxing kasi.
"Mamaya pang hating gabi ako babalik sa totoong itsura ko kaya bumalik ka na. Tutal makikita mo naman ako mamaya, dahil doon naman ako dederetso." Sabi niya habang nakatingin sa kalangitan.
"Ang hirap pala ng buhay mo noh? Palaging tago ng tago." Sabi ko sa kanya.
I heard her sigh. "Sinusunod lang namin ni ama ang 'book of rules' na ginawa ni Tito kaya wala tayong magagawa kundi sundin iyon para sa kaligtasan ko." Tama, kaligtasan niya lang ang inuuna, kahit marami ng mga dugo ang nawawala at natapon para lang sa kaligtasan niya. Ako rin, dapat ko rin ibuwis ang buhay ko para sa kaniya. Para sa kinabukasan at para rin sa kaharian namin, ng hari.
But all that stresses being a Prince makes me go crazy.
"Alam mo? Gusto ko na talagang patayin 'yung Hari ng Geothem na iyon, para matapos na ang lahat ng 'to. Alam kong delikado sila pero alam ko din na mas delikado ako keysa sa kanila. Kaya lang, hindi lang gusto ni ama na susulong akong mag-isa sa Geothem." Napalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at tumingin sa kaniya.
Bumangon ako at tinuro siya. "HUWAG NA HUWAG KANG SUSULONG MAG-ISA SA KAHARIAN NG GEOTHEM!" Sigaw ko sa kanya.
Inalis niya ang kamay ko gamit ang kamay niya habang nakadikit parin ang mga mata nito sa kalangitan. "Hindi pa sa ngayon Rave. May hahanapin pa akong taong bagay magiging asawa ko at makuha na sa anak ko ang kapangyarihang 'to." Susulong talaga siyang mag-isa dun.
I just heave a sigh at bumalik sa paghiga. "'Wag ka munang mag-isip ng ganyan, 16 pa tayo kaya... Mukhang maaga pa para sa iyo na magkaasawa." Pagpapaalala ko sa kanya. Malapit na rin naman ang kaarawan nito.
"I don't care basta ang kailangan ay mapatay ko na 'yung haring iyon, para sa pamilya ko." Umiba naman ang timpla ng mukha ko 'nung sinabi niya 'yun kaya tumingin ako sa kaniya at nagsmirk.
I tried to tease her. "Nagdadalaga ka na talaga."
Binigyan niya ako ng death glare. "'Wag mong sabihin 'yan sa akin, nakakadiri." Utos nito sa akin.
Tumawa ako at bumalik tingin sa kalangitan. "Joke lang 'yun, ano ka ba. Haha! Pero seriously, nagmamature kana... O... Gusto mo lang talagang matikman?" Sabi ko sa kaniya habang iniinis siya. Gusto ko itong inisin dahil inis at galit lang ang tanging mararamdaman nito.
"Just shut up." Inis na utos nito.
"As you wis-" Hindi ako nakapagpatuloy sa pagsasalita ko nang may tumawag sa pangalan ni Ember galing sa likod namin.
"E-Ember?" Lumingon ako sa likod namin. Hayst... Sila na naman?
Seriously?! Kailan ba sila titigil sa pagfafangirling nila kay Ember?! I mean she's a girl! Like them! Well... naman.
Amaya's POV
Alam kong galit na 'yun si madam dahil hindi ako umuwi 'nung nakaraang dalawang araw. Huhu. Tumigil ako sa pagwawalis para pag-isipang mabuti si Ashley.
Bahala na sila sa buhay ng anak niya! May Prinsepe na ako dito! Kaya enjoy while it lasts!
"Ms. Luna." Napataas ko bigla ang mga balikat ko at halos sumabog ang puso ko dahil sa bigla! "Ay kabayo! Jusko! Ginulat mo ako!" Lumingon ako sa likod ko para tingnan ang tumawag sa akin galing sa bintana. Galing kasi siya sa bintana niya habang hawak hawak ko ang walis. Well, nilinisan ko kasi itong kwarto ni Ember para mapakalma ang sarili ko. Cleaning makes my mind calm.
Pinasok niya sa loob ng cloak niya ang kaniyang kaliwang kamay kaya kumunot ang noo ko sa ginagawa niya. May kinuha ba siya sa loob ng cloak niya? "Sorry, ginulat kita. Ito oh." Sabi niya sabay abot sa akin ang malaking diamond kaya napanganga ako dahil kahit kailan ay hindi ako nakahawak ng alahas! Well, hanggang tingin nalang kasi ako sa alahas nila madam eh, kahit bigay iyon ni papa para sa akin...
Tinuro ko ang diamond na inabot niya para sa akin. "A-Ano 'yan?" Tanong ko sa kaniya. Ba't ko pa ba tinanong?! Eh halata ngang diamond iyang inabot niya sa akin eh! Tanga lang Amaya?
"Tinatawag itong Ovix. Ito ang susi ng magiging kwarto mo. Ito na ang magdedesisyon kung sino ang magiging karoommate mo. Depende kung mapunta ka sa dorm ng mga lalake o sa babae. Only this Ovix decide. Sundin mo lang ang susing ito at dadalhin ka na sa magiging kwarto mo." He- I mean she explained kaya tinanggap ko na ang diamond sa kamay niya at bigla nalang siyang tumalon paibaba sa bintana kaya dali dali akong lumapit sa bintana para tumingin sa ibaba!
Nawala na siya...
Tiningnan ko ang diamond sa kamay ko kaya napatulala ako nito sa... Ovi?... Ovix? Ah! Basta susi na lang!
Anong gagawin ko nito? Hindi naman ito susi kundi isang Diamond!