Episode 3: Roommate

3040 Words
Amaya's POV Halos akong mapakaladkad ng diamon- este! Ovix na 'to kanina habang papalabas at pababa sa hagdan ng bahay na ito! Ang layo kasi ng kwarto ni Ember eh! Nasa 8th floor pala ang kwarto niya! Kaya kailangan ko pang dadaanin ang hagdan papunta sa 3rd floor at nandito na ako sa harapan ng magiging kwarto ko ngayon dahil umilaw ang ovix na ito sa harapan ng kwartong ito. Beyond this door ay ang magiging karoommate ko. Napakamot ako sa ulo ko dahil wala silang sinabi kung bakit ako nandito at may roommate na ako tas may mga kapagyarihan sila tapos anong gagawin ko dito? Alikabok ng bahay na ito?  I just sighed heavily at tiningnan ng pinto. So...? Ano na ang susunod kong gawin? Wala namang parang- Bigla nalang hinigop ng pinto ang ovix na hawak ko at dumikit sa butas ng gitna ng pinto kaya napaatras ako konti. NABIGLA AKO 'DUN! Bigla nalang itong tumunog na parang malakas na click kaya nabigla ako. Wow, parang naglalaro lang ako ng mystery or investigative games... Tumunog ulit ang pinto ng mas lumakas pa ang mga click at sumunod naman ang gear na tunog kaya umatras ulit ako ng isang hakbang at tiningnan ang ovix na umilaw ng napakalakas kaya pinikit ko ang mga mata ko dahil sa silaw nito. Tumigil na sa pagtunog ang pinto at narinig kong bumukas ito kaya inimulat ko na ang mga mata ko. Nakita ko ang loob ng kwarto na nababalotan ng dilim kaya napalunok nalang ako ng laway dahil sa takot na nararamdaman ko. I just shook my head and snap out may thoughts at pumasok nalang sa loob ng kwarto at ang dilim talaga... Bigla nalang sumara ang pinto kaya halos sumabog ang puso ko dahil sa bigla! M-May tao ba dito? Wala talaga kasi akong makita eh, kundi itim! "He-hello?" Tanong ko sa loob at humakbang ng isang tapak paabante. Jusko ba't ba ang dilim?! Puro itim lang lahat! Wala bang ilaw dito?! "Sino iyan?!" Sigaw ng isang boses ng babae sa loob kaya nakaramdam ako ng relief. Ahh... Babae ang karoommate ko. Malamang! Nasa all girl's dorm nga eh! Ginawa kong lumakad ng maingat papalapit sa boses na iyon. "Ah... Ako po si Amaya Luna. Dito po ako dinala ng Ovix." Sabi ko habang para akong baliw na iwinasiwas ang mga kamay ko sa harapan ko. Wala talaga akong makikita eh! Napatigil nalang ako sa ginagawa ko nang sumigaw ito. "WHAT?! UGH! SINABI KO KAY PAPA NA HINDI KO NA KAILANGAN NG ROOMMATE! BWESIT!" Sigaw niya ng malakas kaya napalunok ako ng laway. I clasped my hands dahil kinakabahan na ako sa babaeng ito dahil nalala ko si Ashley sa kaniya. Just great. "Ahh... S-Si Ember po ang nagbigay ng Ovix... So..." Bigla akong may narinig na nagsnap ng daliri sa loob at biglang umilaw ang mga chandelier na nakasabit sa kisame kaya nakita ko na ang paligid. Hay... Salam- Napasinghap nalang ako dahil biglang lumapit ang mukha ng babae sa mukha ko at tinuro ako sa mataas niyang kuko. Lumulutang ang nakabraid nitong mataas at kulay pulang buhok nito at medyo tan ang balat nito tapos matangos rin ang ilong niya. Napalunok nalang ako ng laway habang tinitingnan ang kuko nito. "S-Si Ember ang nagbigay sa iyo ng Ovix?" Tanong niya habang galit na galit na nakatitig sa akin. Ba't parang gusto niya akong patayin?! Tsaka kilala niya pala si Ember?! I nod my head fast. "O-opo!" My sweat dropped dahil biglang pumula ang mga iris ng mga mata niya! Bigla nalang itong lumutang paatras habang sumigaw. "ANG UNFAIR! BAKIT HINDI SI EMBER ANG NAGBIGAY NG OVIX KO NOONG KINAKAILANGAN KO IYON?!" Wha-what?! Bakit galit na ito?! Ano bang meron sa Ember na iyon?! Bigla nalang sumabog ang sunog sa buong katawan niya kaya tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga braso ko dahil sa init at sumigaw ito. "Makinig kang mabuti sa akin babae. Hindi ka karapat dapat para kay Ember. Sa itsura mo palang nakakadismaya na." Sabi nito kaya nabubugahan akong ng hangin sa harapan ko at naalis ang mga bangs ko. Bigla niyang nakita ang buong mukha ko kaya nanlaki ang mga mata ko at bigla rin itong nagalit! "I CAN'T LET MYSELF BEING TAKEN DOWN BY A LOW RANK b***h!" Bigla siyang sumugod papunta sa akin habang may dalawang fireball sa dalawang kamay nito! Kaya napatumba ako sa sahig! And pathetically crawled backwards! Dahil sa takot kong mamamatay ay sumigaw ako ng malakas. "AAAHHH!!!" Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga braso ko as a defence! Bahala na masunog 'tong magaganda kong braso! Basta ang mukha ko hindi! Habang patuloy ako sa pagsigaw ay may narinig akong sumabog ang gripo at splash ng tubig dito sa loob! Kaya minulat ko ang mga mata ko at tiningnan ang babaeng sumusunog. Nabigla nalang ako na natilapon ang babae dahil sa paghampas ng tubig sa harapan ko sa kaniya kaya dumeretso siya sa ding ding na basang basa at bumagsak ang tubig sa sahig kaya nabasa rin ako. Hingal na hingal akong tumingin sa babae na nakahiga sa sahig at pinunasan ang tubig sa mukha ko. Nawala na ang fire hair niya, nagiging normal na siya, hindi na siya nagiging sunog ulit. P-paano ba 'yun nangyayari?! B-b-ba't naging sunog siya at hindi naman nasasaktan?! Ano bang k-klaseng lugar 'tong napuntahan ko?! "A-aahhh..." I gasped nervously dahil humihinga pa pala 'tong babae. Kailangan ko siyang tulungan! Tumayo ako at lumapit sa kaniya saka lumuhod sa harapan niya. Aahh.... Eh.... Erm.... Icheck ko muna ang pulse niya! Tinaas ko ang mga kamay ko dahil balak kong icheck ang pulse niya pero nabigla ako sa tubig na galing sa sahig na biglang umangat kaya nabigla ako at bumagsak naman ito sa sahig ang tubig! This ability of mine again... You are a normal human being Amaya... This all is just... a dream... Baka comatose ako ngayon at nananaginip lang. The comfort room suddenly caught my eye kaya may naisip akong plano. Inangat ko ang dalawang kamay ko pitaas para alisin ko ang mga tubig sa paligid at ideretso papunta sa cr hanggang sa lumulutang na ang tubig sa harapan ko. Wala na talaga akong nakikitang tubig sa loob ng kwartong ito at pati na rin sa damit ko kaya binaba ko na ang kamay ko and took a deep breath. Bumalik ang tingin ko sa roommate kong nakahiga parin sa sahig na basang basa kaya inangat ko ulit ang mga kamay ko para alisin ang tubig sa katawan niya habang mahimbing pa ang pagtulog niya. Hindi na basa ang katawan niya kaya nagstretching muna ako para kargahin ito. ---- Nilagay ko na siya sa sofa at nagpatuloy parin sa paghingal. To be honest ang bigat niya! I've spent 20 minutes para lang mapahiga siya sa sofa! Umupo ako sa kabilang sofa at nagpatuloy parin sa paghingal. Biglang sumakit ang tenga ko kaya napahawak ako nito. "Ah!" Nabigla ako na may narinig akong bulong bulongan sa labas ng kwarto. "Ah! Si Ember!" "Girl, nandito si Ember! Girl!" "Ember! Natanggap mo na ba ang sulat ko?!" "Ember! Ang gwapo mo!" "Kyaaahh!! Tumingin siya saken!" Gwapo? Si Ember? Eh, babae 'yun ah! Naku! Pero mukha rin namang lalake 'yun eh. Biglang may tumoktok sa pinto kaya nawala ang bulong bulongan na narinig ko. "Ms. Luna? Si Ember 'to, pwede bang pumasok?" Wah! Dito pala siya pupunta! Tumayo ako at dumeretso sa pinto para buksan ito. Bumungad ang gwapong- este! Mukha ni Ember sa harapan ko, "N-Napadalaw ka?" Utal kong tanong sa kaniya. Tumingin ako sa likod ni Ember at nakita ang mga babaeng nakacrossarms habang tingin ako. I can feel them... their auras...  Nakakatakot pala ang mga babae dito... Pumasok na si Ember sa loob habang andami niyang dalang circle, square at rectangle na mga gifts kaya sinara ko nalang ang pinto. Lumapit ako sa kaniya para kunin ang mga gifts para tulungan siya pero inilayo niya sa akin ang mga gifts. "Ako na 'to." Tanging sabi niya. What?! Andami ng mga gifts na 'yan tsaka siya lang?! Binaba niya ang mga gifts sa sahig. "P-pero mukhang mabigat-" Dahan dahan niyang pinapalutang ang mga gifts isa isa sa isang kwarto dito sa loob ng room kaya tumahimik nalang ako. Lima kasi ang kwarto dito including kusina, cr at living room. "Ano 'yun?" Tanong niya. Hindi nalang ko umimik dahil kayang kaya na niya pala. Tumingin nalang ako papalayo. "Ah... Nevermind." Lumulutang na pala ang mga regalo. Pagakatapos 'nung "lumulutang na gifts" na ginawa niya kanina ay lumapit siya kay 'fire girl' para kakargahin niya 'to papunta sa kwarto niya kaya umupo nalang ako sa sofa at itinali ng maayos ang nakabun kong buhok at iniwan itong bangs kong nakatakip parin sa mga mata ko. My cousin warned me too hide my eyes kaya ginawa ko ang utos niya. Lumabas na sa kwarto si Ember at isinara ang pinto nito sa kwarto ng babae kaya umupo nalang ako ng maayos. Inalis niya ang cloak niya and I was mesmerized by her arms habang umupo ito ng komportable sa sofa then crossed his- I mean her legs. Umiwas ako ng tingin sa mga braso niyang ang maskulado at andami ring mga scars...  Ramdam ko tuloy na ang init ng lugar. Whoo! Pinagpawisan ako! Grabe... Mukha talaga siyang lalake kapag nakatalikod... kahit nakaharap rin naman, kahit din mataas ang buhok niya...  Babaeng babae, may muscles? Tsaka ang gentleman pa niya.... Babae pa ba talaga ito? Baka nagkakamali lang ako? T-tanungin ko kaya. "Ember, lalake ka ba?" Tanong ko sa kaniya kaya napataas ang mga kilay niya sa tanong ko then cleared her throat, "you can address me whatever you want." sabi niya kaya napataas rin ang mga kilay ko then blinked. Bigla kong naalala 'yung mga babae na narinig kong nagbubulongan sa labas kanina. "Ember, ano bang ibig sabihin ng mga babae sa labas na ang 'gwapo' mo raw?" Tanong ko sa kaniya. Gusto ko kasing malaman ang tungkol sa kaniya. Tumingin siya sa akin habang walang kaemosyon ang mukha nito. "Well, lalake na siguro ang pagtingin nila sa akin." Sabi niya at umupo ng maayos.  "Ember, ano bang klaseng lugar itong inaapakan ko ngayon?" Tanong ko sa kaniya, wala kasi akong alam kung anong klaseng lugar ito. Kaya gusto kong malaman, gusto kong malaman kung nasa ibang planeta ba ako ngayon o ano. She clasped her hands and looked closer to me. "You are in the world of Norton, it's not a planet, nor star. This world is full of mysteries, kagaya lang ng planeta niyo maraming mysteryo pero marami lang kaming alam dito kesa sa inyo. You, being a part of the human planet didn't even know that the planet Earth have an invisible twin planet." Napalaki nalang ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Invisible... twin planet... "This world is not normal unlike Earth that human beings are powerless. This is where you truly belong. You have abilities right?" Yumuko ako tapos hinawakan ang balikat ko. "So, anong nangyari kay Athea kanina?" I snapped out of my thoughts at napaisip naman kung ano kayang mangyayari kung isasabi ko sa kaniya ang tungkol sa nangyari kanina. Athea pala ang pangalan ng roommate ko? Sasabihin ko ba sa kanya? Baka sasabihin niya lang na nababaliw na ako. "Wag kang mag-alala hindi ko naman ikakalat ang nangyari sa inyo." Sabi niya kaya sinabi ko lahat lahat ang nangyari kanina at may pasound effects pa at inaction ko pa talaga. "Kaya pala ikaw ang pinili ng susi." Sabi niya habang nakahawak sa chin niya. Jusko! Ang muscles! Ang muscles! Nakakasinag! Tumayo si Ember at lumapit sa akin tapos and bent down infront of me para mapantayan niya ang mga mata ko. Napatingin nalang ako sa kanya kaya lumunok ako ng laway dahil sumakit ang pagpintig ng puso ko. ANG LAPIT! "Basta Ms. Luna, mag-iingat ka sa kanya, isa siyang kandidata sa Fire Element Guardian kaya..." She blinked at umiwas nalag ng tingin saka tumayo na ito ng maayos at ipinasok sa mga bulsa ang dalawang kamay nito. Napahinga na ako ng maluwag at tiningnan si Ember. "E-Ember ano-" Dali-daling lumapit sa sofa si Ember saka kinuha na niya ang cloak niya na nakahiga sa arm rest ng sofa tapos sinuot ito at pagkatapos ay lumabas na sa kwarto at isinara ang pinto I blinked twice at napahawak naman ako sa mukha kong umiinit at sa puso ko! Ngayon lang ako nakakaranas na ang sobrang lapit ng mukha ng isang lalake sa mukha ko. Besides my father. B-ba't niya ba ginawa iyon?! Rave's POV Nasa Cladonia river ako ngayon, nakahiga sa d**o habang tinitingnan ang napakalaking buwan. Nagpapahangin lang. Hinawakan ko ang buhok ko dahil... Wala lang, gusto ko lang talagang hawakan ito para magmumukhang gwapo. "Rave!" Oohh... Look who's here... Tiningnan ko siya habang nakangisi. Kumunot ang noo nito na nakatingin sa'kin. "Ano na naman?" Naiiritang tanong nito. Wala pa nga akong nasabi galit na agad? Haha! Bigla kong naalala 'yung ginawa niya kanina sa Salsiarra, andami kasing biniling damit para kay Ms. Amaya, tsaka pumunta pa siya sa Salsiarra para lang bumili ng mga damit at mga mahahalin pa! Ang layo kasi ng Salsiarra dito. Tumabi ito sa akin at umupo. "Ember... 'Wag mo namang kunin lahat ng mga babae dito sa mundong 'to gamit iyang pagkagentleman damoves mo." Sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa buwan. Nilagay niya ang kaniyang kaliwang braso sa tuhod niya. "Shut up, hindi ko lang talaga mapigilan ang pagiging pagka "gentleman" ko, kaya wala akong magagawa. At WALA KA RING MAGAGAWA." Tumawa ako dahil sa sinabi niyang wala akong magagawa. Well, totoo talagang wala akong magagawa sa pagkagentleman niya. "Pero Ember, seryoso ako. Ang dami ng mga lalaking galit na galit sa 'yo dahil halos lahat na ng mga babae ay nagkakagusto na sa 'yo. Hindi ko alam 'yung si Ms. Amaya... may araw rin 'yun na magkagusto rin 'yun sa 'yo." Sabi ko in a serious tone. Marami na talagang mga lalakeng nagagalit sa kanya, dahil kasi sa kanya 70% sa mga magjowa dito ay nagkakahiwalay dahil natatamaan ang mga girlfriend nila kay Ember. Nagsimula kasi 'to lahat 'nung pagsulong ng mga Geothemians dito at dapat niya rin sanang isipin ang feelings ng mga lalake kung paano sila nasasaktan dahil sa ginawa niyang pagdedecieve sa mga babae. Level 1000 na kasi ang pagkagentleman nito eh! Pero pagbalik sa totoong itsura nito, ang manyak ng gago, level 1 million. Narinig kong huminga siya ng malalim at tumayo. "Bahala na nga kayo sa buhay niyo." Biglang tumunog ang Lemore tower kaya napataas nalang ang mga kilay ko. Ah! Oras na niya pala, kaya pala ang aga ng transformation niya, fullmoon pala ngayon. Umilaw ng malakas ang buong katawan niya at umiba ang damit niya pati na rin ang itsura niya. Dahan dahang nawala ang ilaw sa katawan niya at nakalagay ang kamay nito sa kaniyang beywang na ang tataas ng mga maiitim nitong mga kuko. "And another thing.... Mag girl hunting muna tayo Rave." Diba? Ang manyak na niya. Haha this is fun! Kaya lang ang taas na ng buhok niya. Bumangon na ako. "I've been waiting for you man! Haha unahan tayo sa girl's dorm!" Sabi ko habang binigyan siya ng smirk. "Mas mauna ako sayo, mahina ka pa kasi." Sabi nito at nagwink sa akin at biglang tumalon ng napakalakas kaya nabutasan ang lupa. Pati ako? Minamanyak ng gagong 'to? Sinummon ko na ang mask ko at sinuot ito kaya nagtransform ako ng parang isang Geothemian na nakasuot ng itim na damit na ang mukha ay nakabalot ng balat. Ito kasi ang mask na ginagamit namin kapag pumupunta kami sa Geothem Kingdom para maghanap ng impormasyon. Tumalon ako ng napakalakas kaya nabutasan ko rin ang lupa kaya naunahan ko ang gagong nakadesguise na. Nag-uunahan kaming lumilipad papunta sa girl's dorm para maghunt. Manyak na kung manyak! Ganito kami kada-gabi!  Sometimes na pala... Baka papatayin kami ni Benetha, buti nasa misyon 'yun ngayon''. Amaya's POV "Done! Tapos na lahat! Hayy... salamatatnataposkonglinisinangkwartoko!!!" Wow, bilis 'nun ah. Lumapit muna ako sa bintana ko at nagpapahangin sandali. Ang lapit ng moon dito... Parang maaabutan mo na talaga sa pagkalapit nito. Ganito pala kapag fullmoon dito. Hehe. Maligo muna ako, parang ang baho ko na talaga dahil 'nung insidente sa ilog. Eww... Kinuha ko ang towel sa kama at nagbihis. Lumabas ako sa kwarto ko at dumeretso sa banyo habang towel lang ang suot. Pumasok ako sa loob ng banyo at nilock ang pinto nito at infairness ang laki ng banyong 'to... May bath tub pa! Inalis ko ang towel sa katawan ko at pati na rin ang tali sa buhok ko na palagi nalang nakabun tapos hinati kong pinaalis ang bangs ko kaya nakikita na ang mga kulay asul kong mga mata. Dumeretso na ako sa tub para tumampisaw nito. Ang taas na pala ng buhok ko. Hanggang tuhod na... Oh well, wala naman akong balak na puputulin 'tong buhok ko. This hair reminds me of my mom. Tsaka palagi ko 'tong tinalian ng nakabun ang buhok ko para hindi sagabal, hindi ko lang sinama sa pagtali ng bangs ko para walang makakakita sa mga mata ko. Pinag-uusapan kasi ang mga mata ko noon. Hindi talaga mawawala sa isipan ko 'yung lapit ng mukha ni Ember sa'kin kanina. Bigla nalang sumakit ang mga tenga ko kaya napababa ko nalang ang ulo ko. "Hahahaha!" Tawa ng lalake? Saan 'yun galing? May narinig akong sigawan ng mga babae at sa tingin ko galing ito sa labas. "Aahh!!! Manyak!!" Ba't may narinig ako? Teka... Mukhang may nangyari sa labas ah. Nagmamadali akong tumayo sa tub at kinuha ang towel saka binalot ito sa katawan ko tapos dumeretso na sa kwarto ko para magbihis. Nasa loob na ako ng kwarto ko kaya pagbukas ko sa closet ay napanganga ako dahil puro lang mga magagandang gown ang nandidito. Ma-mamahalin ito lahat ah! B-ba't binili niya 'to para sakin?! Hayst... Ember talaga... Wala pa namang pajamas... Tsaka ikaw pa talaga nag-aarange nito lahat... Wait.... May nakita akong puting dress. Sinuot ko ang dress na bigay sa'kin ni Ember at pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto saka dumeretso sa sala para tingnan kung anong nangyayari sa labas. May mga babaeng nagsisitakbuhan, kaya nagtanong ako sa isang babaeng tumakbo papunta dito. "Ano bang... nangyayari dito?" Tanong ko sa kaniya habang hawak ang pinto. Takot na takot ito habang humihingal sa pagod, "m-may tagageothem na nakapasok! Dalawang manyak na tagageothem! Kapag makikita ka nila hahawakan nila ang dibdib mo!" Napalaki nalang ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya lumabas na ako sa pinto at isinara ito. "Kaya halika na! Alis na tayo dito!" Sabi ng babae sabay hila sa kamay ko at tumakbo para tumakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD