Napalingon siya. Si Andrew iyon.. Wala itong sinasabi. Ngunit sapat na iyon, ang marahan nitong paghawak sa kanyang balikat upang maramdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nagtagpo ang kanilang mga mata. At sa mga matang iyon ni Andrew... Wala siyang nakita na paghusga. Kundi pag-aalala at pag-unawa. Atl ang isang bagay na nakita niya sa mga mata nito na hindi niya maipaliwanag. "Meri..." Mahina ngunit matatag ang tinig nito. "Tapos na rin sa wakas at malilinis na ang pangalan mo." Pahayag nito. Hindi niya namalayang namumuo na pala ang luha sa kanyang mga mata. Ilang buwan. Ilang buwan niyang tiniis ang lahat. Ang sakit. Ang kahihiyan. Ang galit. Ang takot. Kahit na sabihin man na may pangalan siyang nakaangat dahil sa mga naipundar niyang kayamanan. Iba pa rin ang kayaman

