bc

One Goodbye And Hello Again..

book_age12+
79
FOLLOW
1.1K
READ
billionaire
HE
second chance
arranged marriage
powerful
heir/heiress
drama
bxg
campus
city
like
intro-logo
Blurb

One Goodbye And Hello Again

Si Meri Florence Smith ay may dalawang matalik na kaibigan noong high school at kolehiyo...ang magpinsang sina Andrew at Kath.

Sa loob ng maraming taon, itinago niya ang lihim na pagtingin kay Andrew Ferrer.

Ngunit nagbago ang lahat nang umalis si Andrew patungong Los Angeles.

Kasabay ng pagkawala nito ay ang unti-unting pagbabago ni Meri.

Mula sa pagiging mahinhin, tahimik, at mapagkumbaba, naging isa siyang matagumpay ngunit malamig at mailap na babae na hindi basta nagtitiwala sa kahit sino.

Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay ay mga lihim na matagal ng nakabaon sa nakaraan.

Sino si Adonis Gonzales, ang misteryosong lalaking nakasuot ng maskara at nakatakdang pakasalan siya?

Ano ang koneksyon nito kay Andrew Ferrer?

Ano ang lihim na nalalaman ni Aldrin na pilit niyang itinatago kay Meri?

At sino ang mga makapangyarihang taong nasa likod ng pagkasira ng kanyang buhay at pagkawasak ng dating matatag na pagkakaibigan nila ni Kath?

Sa muling pagbabalik ng nakaraan, mabubunyag ang mga katotohanang matagal ng itinago, mga sugat na hindi pa tuluyang naghilom, at pag-ibig na kailanman ay hindi nawala.

Isang kwento ng pagkakaibigan, pagtataksil, mga lihim, at pangalawang pagkakataon sa pag-ibig.

Genre: Romance • Friends to Lovers • Mystery • Drama • Happy Ending

chap-preview
Free preview
prologue
“Bitawan mo nga ako,” aniya. “And please, Andrew…you can leave now..” Wika ni Meri. Binitawan ni Andrew ang kanyang kamay. Ngunit hindi ito umalis, nanatili itong nakatayo doon. Biglang may kumatok sa pintuan saka bumukas ang pinto. Pumasok ang kanyang ama. “Princess…” agad na tawag nito sa kanya at nang lumapit ay napabaling ang tingin nito kay Andrew. “Oh, you are also here, Mr. Ferrer.” Anito kay Andrew. “Syempre, siya ang ‘King of the Night' dahil siya ang ikakasal." Singit niya, na sarkastiko ang pagkasabi niyon. "How about you? Or shall we say Mr. Daniel Smith, ano ang ginagawa mo dito?” Patuloy niya na Tagalog pa ang huling salita dahil alam niyang makakaintindi ng tagalog ang kanyang ama kahit na foreigner ito at lumaki sa US. “I'm so sorry, Princess…but I'm so worried about you” pahayag ng kanyang ama. “Worried for what? And when?” Inis na tanong niya. “Nang umalis ka at nang ilang taong mo kaming iniwan ni mommy? Nang sabik na sabik akong magkaroon ulit ng isang ama sa mahabang panahon na wala ka? At nang umasa ako sa wala na babalik ka pa?” Patuloy pa niyang halos lumabas na ang kanyang puso sa kanyang dibdib sa galit. “And please don't call me, princess… dahil hindi ako prinsesa. Meri ang pangalan ko.” Dagdag pa niya bago tumalikod at umalis doon. “Dear, Sorry talaga kung matagal akong nawala. I did everything na makasama kayong muli ng mommy mo” pahabol na sabi ng daddy niya bago siya makalabas ng pintuan. Medyo may pagka slang pa ang pagkasabi nito. Tumigil siya. Lumingon sa kanyang ama. “If you did everything.,.sana hindi ako nawalan ng ama sa mahabang panahon. And, please…ilang beses ko bang sabihin sayo. Just call me in my name because I have my own name” yon ang naging pahayag niya bago tuluyang umalis. Nanatiling nakatayo sina Andrew at Daniel sa loob ng silid matapos siyang makaalis. At kahit hindi niya nakikita, alam niyang nakatingin pa rin ang mga ito sa direksyong nilabasan niya. —-- Nasa isang bar si Meri napadako. after na umalis sa building ng Ferrer Grand Hotel. Nasa bar lane siya nakaupo at iniinom ang paboritong red wine. Noon... she was soft-hearted at madaling magtiwala. Lumaki siyang mahal na mahal siya ng kanyang ama, Yong feeling niya na buong-buo ang mundo niya noon. Nang umalis ang daddy niya at hindi na bumalik. Nasabi niya sa sarili niya nang lihim siyang nagdamdam. Habang lumalaki, tiniis niya ang nararamdaman pero hindi niya napansin na unti-unti na pala siyang nagbago. Natuto siyang itago ang totoong nararamdaman. Mas lalo pa iyong lumalim dahil sa lihim niyang pagmamahal sa matalik niyang kaibigan. Ilang taon niyang tiniis na maging isang... ‘Tahimik na Meri’ Everytime magpakilala ng iba’t ibang babae bilang girlfriend ni Andrew, habang siya ay nananatiling “best friend” lang. Nang nagkaroon siya ng pagtingin kay Andrew. Tinago niya iyon, hindi nito nakikita ang mga pagpapahalaga niya para rito kahit na paulit ulit siyang nasasaktan. Buti pa si Kath, na isa rin niyang kaibigan at pinsan ni Andrew…napansin pa ang tinatago niyang nararamdaman kay Andrew. Nang umalis si Andrew... patungo saLos Angeles. Naging palaban, matapang, at defensive siya bilang proteksyon sa sarili. Ngunit sa likod ng matigas niyang ugali ay isang babaeng takot ng maiwan at masaktan pang muli. Kaya kahit dati siyang mabait, natuto siyang maging cold, sarcastic, at kunwari walang pakialam. Hindi dahil masama siyang tao, kundi dahil napagod siyang umasa at masaktan. Muli niyang ininom ang natirang red wine sa hawak na baso. Saka narinig niyang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang screen, nakita niya ang pangalan ng kanyang ina. Tumatawag ito, saka in-accept niya ang tawag nito. “...mom?” Sabat niya nang mailapit sa taenga ang phone. “Meri, ano ba ang gulong ginawa mo sa engagement announcement—” hindi pa natapos ang gustong sabihin ng kanyang ina sa kabilang linya ay agad ng naputol iyon. Dahil agad niyang pinutol ang tawag nito nang marinig ang engagement announcement. “Engagement announcement…. ni Andrew Ferrer…’ Wika niya sa sarili saka nag-request pa ng another same red wine na iniinom niya. Nang matapos na lagyan ng bartender ang baso niya ng red wine…. “Andrew Ferrer…” sambit niya ulit sa pangalan ni Andrew. “...W7ho’s that lucky girl na pakakasalan mo? Ang swerte naman ng girl..” pahayag niya. “Ako naman, ang malas ko naman…samantalang matagal akong nagmamahal sayo, hindi mo man lang ako pinansin.” Patuloy niya saka muling ininom ang wine sa hawak na baso. “Oo, inaamin ko…inaamin ko na hanggang ngayon nandito ka pa rin sa puso ko…bakit, ang hirap mong kalimutan? Matagal ko ng pinipilit na kalimutan ka, pero hindi ko magawa…dahil palagi kitang naalala.” Halos bulong na lamang iyon sa sarili. Hanggang sa hindi na niya namalayan na unti-unti na pala siyang nalalasing sa dami ng iniinom niya. At sa pagkalasing niya na iyon ay ang unti-unting pagbagsak ng matagal niyang pinipigilang emosyon. Hindi na mabilang ni Meri kung ilang baso na ng red wine ang nainom niya. Ramdam na niya ang init sa kanyang mukha habang unti-unting bumibigat ang kanyang mga mata. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin nawawala ang sakit na pilit niyang tinatakasan nang gabing iyon. Mas hindi nawawala ang pangalan ni Andrew sa isip niya. Mahina siyang napatawa ng mapait habang nakasandal sa upuan. “Ang tanga-tanga mo talaga, Meri…” bulong niya sa sarili. “Alam mo namang hindi ikaw ang gusto niya…” Napapikit siya. Ngunit imbes na katahimikan, ang mukha pa rin ni Andrew ang nakita niya sa isip niya. Naalala niya… Ang mahigpit nitong paghawak sa kamay niya. Na pakiramdam niya ay parang kuryenteng dumaloy sa balat niya mula sa kamay niya na hinawakan nito. At higit pa sa lahat… Ang engagement announcement nito. Napailing siya saka muling uminom. “Miss… okay ka lang ba?” Napamulat siya nang marinig ang boses ng bartender. Bahagya siyang ngumiti at tumango. “I’m okay…” sagot niya kahit halatang hindi naman. Hindi na muling nagsalita ang bartender ngunit bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Maya-maya pa ay muli na namang tumunog ang cellphone niya. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Hinayaan niyang mag-vibrate iyon sa ibabaw ng counter. Muli. Paulit-ulit. Hanggang sa nainis na siya at agad iyong kinuha. Ngunit natigilan siya nang makita ang pangalan sa screen. Andrew Calling… Biglang parang bumilis ang pintig ng puso niya. Gusto niya sanang sagutin. Gusto niya sanang marinig ang boses nito. Pero naalala niya na talagang wala na siyang chance dahil ikakasal na ito sa iba… Ang sakit ay muling sumikip sa dibdib niya. Agad niyang pinatay ang tawag. Pagkatapos ay inilapag muli ang cellphone sa counter. Ngunit ilang segundo lamang ay muli itong tumunog. Andrew Calling… Napapikit siya ng mariin. “Tumigil ka nga…” bulong niya habang mabilis na pinupunasan ang namuong luha sa gilid ng kanyang mata. Muli niyang pinatay ang tawag. Ngunit sa pagkakataong iyon ay may message Nasaan ka? Nasundan pa iyon ng sunud-sunod… Meri, answer my call. Are you drunk? Nasa bar ka ba? Napatawa siya, habang nakatingin sa screen. “Concerned ka ngayon?” mapait niyang sambit. “Kung kailan ikakasal ka na saka ka mag-aalala sa akin…” Hindi niya namalayang may luha na palang tuluyang tumulo mula sa kanyang mga mata. Mabilis niya iyong pinunasan bago muling inumin sana ang wine. Ngunit bago pa niya maitaas ng tuluyan ang baso ay may isang kamay na biglang humawak doon. Napakunot-noo siya saka marahang napalingon. Si Andrew! ------ Huwag kalimutang mag-Follow, Add in Library para maging updated sa kwento. if nagustuhan ang kwento paki heart and your comment can help me a lot to improve the story. Thank you!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
11.5K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.7K
bc

In Bed With Kuya Red

read
45.9K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.4K
bc

A Kiss With The Mafia Lord

read
245.1K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.0K
bc

The CEO's Babymaker

read
70.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook