Isa-isang bumaba ang mga kilalang personalidad mula sa grand staircase ng Ferrer Hotel.
Nag-uusap ang mga bisita. May mga nagbubulung-bulungan tungkol sa engagement announcement na gaganapin nang gabing iyon, naroon ang buong business circle. Lalo na ang mga sikat at kilalang business personalities sa business world.
Hanggang sa may isang babaeng bumaba mula sa grand staircase. Na nakabigay atensyon sa karamihan ng mga bisita. “Who’s that woman?”Napalingon ang mga bisita nang mapabaling ang tingin sa persona, sa babaeng elegante at attractive sa mata ng mga karamihan doon.
Si Meri, iyon...
Meri Florence Smith ang buo niyang pangalan. Suot ang isang eleganteng champagne silk gown na perpektong yumayakap sa hubog ng katawan niya. Naka-pony tail ng bongga ang mahaba niyang buhok, na inilalantad ang makinis niyang leeg habang kumikislap ang simpleng diamond earrings sa bawat hakbang niya.
Si Meri na ngayon ay…
Hindi na siya ang dating tahimik na babaeng madaling malampasan ng tingin.
Hindi na rin siya ang simpleng si Meri na halos hindi mapansin noon sa tabi o likod nina Andrew at Kath.
Confidence.
Grace.
And power.
Ang bawat hakbang niya pababa ng hagdan ay tila may kasama na kusang napatingin at nagpapahinto sa lahat.
At sa dulo naman ng hall…
Habang nakatayo roon si Andrew ay natigilan ito nang makita si Meri. Napatitig ito sa kanya na para bang ngayon lang nito nakita ang babaeng naging bestfriend nito noon. Na iniwan, at wala man lang kahit munting komunikasyon. Nang iwan si Meri na umaasang marinig lamang kahit tinig nito. Bahagyang tumigas ang panga ng lalaki habang hindi inaalis ang mga mata kay Meri. Ang mga tingin nitong parang napako sa babae.
Habang si Meri naman ay…
Diretso lang siyang naglalakad, habang papalapit sa kinaroroonan ni Andrew.
She stopped in front of him with calm but confident and unreadable eyes. Then softly—nawika niya. “Long time no see, Andrew.”
Nanatili ang mga tingin ni Andrew kay Meri. Kaya parang hindi nito napansin o narinig ang sinabi ni Meri. Lihim na napangiti si Meri sa kanyang isip nang hindi sumagot ang lalaki habang nanatili na nakatitig sa kanya.
…Ganun na seguro ka toxic o poisonous ang aura niya para mapatitig ng ganon sa kanya ang lalaki. Well, nagbago na siya ngayon. Ibang-iba na siya kumpara sa dati.
She still remember….dahil ten years ago…
-
High school era pa...
Naniniwala si Meri sa tadhana. Siguro kaya tuwing umaga, lagi siyang nakatayo sandali sa harap ng bintana bago umalis papuntang school. Hindi niya maipaliwanag, pero palagi siyang may kakaibang pakiramdam na parang.... something is coming. Minsan habang pinapanood niya ang mga tao sa kalsada, naiisip niya kung nasaan na kaya ang taong para sa kanya.
Have they already crossed paths?
Or paparating pa lang?
Hindi niya alam kung bakit ganoon siya mag-isip. Maybe because deep inside her… may bahagi sa kanya na laging naghahanap o baka naman epekto lang iyon ng mga love stories na lagi niyang pinapanood at binabasa. Kasi gusto niyang maniwala na may isang taong darating para piliin siya. At hindi aalis.
“Hoy, Meri! Kung makatitig ka pa d’yan, malelate na tayo!” Boses ni Kath.
Reality check.
Bumalik ang isip niya sa totoong mundo.
“Sandali lang…” mahina niyang sagot.
Napairap si Kath. “Araw-araw ka na lang may hinihintay. Wala namang dumarating.” Hindi sumagot si Meri.
Si Kathleen Suarez o Kath for short...
Ang best friend niya simula first year high school. Hindi sila magka-section, pero magkasama sila sa apartment na nirerentahan nila malapit sa school.
Anak ito ng mayamang pamilya. Hindi nito kailangang mag-apartment dahil kaya naman nitong mag-drive araw-araw.
At isa pa may sarili naman itong kotse.
Pero gusto raw nitong maranasan ang maging independent. Kaya pinayagan naman ito ng parents nito.
Si Meri naman…
Half Filipino, half American.
Ang ama niya pitong taon ng wala at hindi na bumalik nang umalis ito patungong US.
No proper explanation.
Just… gone.
Sinasabi ng mom niya na busy lang daw ito bilang businessman.
Pero para kay MerI, hindi sapat iyon.
Hindi na rin siya nagtatanong.
Kasi naisip niya na masyado nakakatakot malaman ang totoo. Mas madaling paniwalaan na “busy lang” kaysa tanggapin na baka… pinili na silang iwan.
Kaya siguro doon na lang siya kumapit sa idea ng tadhana. Sa idea na may taong darating. May taong pipili sa kanya at mananatili.
-
“Ang alin?” tanong ni Kath habang naglalakad na sila palabas ng apartment.
“Ewan ko…” sagot ni Meri. “Yung feeling na may magbabago.” Anipa niya.
Napabuntong-hininga si Kath.
“Kung may magbabago man, malamang tuition fee lang.” Napatawa si Meri. “Alam mo,” sabi ni Kath, “kung totoo yang Mr. Destiny mo, baka stuck sa traffic.” patuloy nito. “Baka naman,” natatawang sagot ni Meri. “Or worse, baka may ibang inuna,” dagdag ni Kath bago tumawa.
Hindi sumagot si Meri.
Pero may bahagi ng isip niya ang tumutol.
Kasi, ayaw niyang maniwala na kung may taong itinadhana para sa kanya… basta na lang iyon mawawala ng landas.
Maybe that’s what destiny does…
quietly pulling two people toward the same path without them noticing.
“May transferee raw sa kabilang section.” Umiba ng usapan si Kath nang maalala ang topic na yon. “Eh ano naman?”aniya.
“Sabi nila galing daw sa abroad. Pero ngayon palang daw papasok.” “Bakit parang big deal?” Nagkibit-balikat si Kath.
“Ewan. Pero mukhang—”
Hindi na nito natapos ang sasabihin.
Kasi si Meri—biglang tumakbo. “Uy! Meri!”
Hindi na siya lumingon kay Kath.
Dahil late na siya. At kung may kinakatakutan man siya bukod sa heartbreak…iyon ay ang terror niyang professor sa first subject.
Habang tumatakbo siya sa hallway,
pilit na umiiwas sa mga taong nadaraanan. “Excuse me—sorry” Sunod-sunod ang paghingi niya ng paumanhin habang nagmamadali.
Hanggang sa…
Pagliko nya ay hindi siya sinasadyang mabangga ng isang estudyante na mukhang nagmamadali rin. Muntik pa siyang mawalan ng balanse. Kaya nahulog lahat ng hawak niya at pinulot ang mga iyon.
Saka napansin niya…
isang pares ng sapatos sa harap niya.
“Okay ka lang?” narinig niyang tanong nito. Napatigil siya saka napatingala ng tingin.
Matangkad.
Gwapo.
Effortlessly attractive.
Naka-uniform ito na parang bagong suot, habang bahagyang basa pa ang buhok na tila kararating lang. Parang may kakaiba sa presence nito. Nakalimutan na niya ang lahat. Pati ang terror niyang professor.
“Sorry,” sabi ulit ng lalaki habang inaabot ang notebook niya. “Nagmamadali rin kasi ako.”
-
Please follow....
Your comment is really appreciated. Sa tingin mo, totoo nga ba ang destiny? In your own opinion, bakit?
Follow and add in library ang story para maging updated ka.